"Landi ahh. Yari ka sakin mamaya." Banta nito at tumingin na ulit sa malayo.

Naku po.

"Let us welcome, candidate number 1", sigaw nung host at kaagad rumampa ang lalaking pak na pak ang blush on sa pisngi! Sura,bungad na bungad naman itong baklitang ito! Amoy na amoy ehh.

Nagpakilala ito at rumampa ulit. Ganoon din ang mga sumunod na candidates. May halata at may straight naman. Sa tingin ko, malaki ang lamang namin nila Robin at Michael, bukod na kasi sa matatalino pa ang katropa at boyfriend ko, mga gwapo din at magaganda ang hubog ng katawan. Sa akin kasi, baka mahalata nila ako, tsaka hindi rin naman ganon kagandahan ang aking katawan, lalo na sa suot kong trunks ngayon, feeling ko tuloy, isa akong troso na binalutan ng sako.

Sumunod na akong rumampa. Kahit kinakabahan ay matapang kong nilakad ang stage. Ang mga mata ay nasa mga judges lamang, iyon kasi ng turo samin nung trainer.

Nabibingi ako sa hiyawan ng mga tao, lalo na ng mga kaklase ko na gumawa pa ng banner, buti na nga lang tumahimik ang mga yon tungkol sa pagkatao ko at todo pa ang support sa akin. May mga kabaklaan din humihiyaw at mga babaeng timitili kapag napapadaan ko sila ng aking ngiti. Ganito pala ang pakiramdam ng hangaan ng ibang tao, ang saya at talaga namang nakakaproud.

"Jayson Joey, 15, Sophomore!" Pakilala ko at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Ngunit napahinto ako ng biglang tumama ang paningin ko sa isang lalaking nakatayo sa gitna ng mga manunuod. Ang lalaking kamukha ko, nakatingin ito sa akin ng tila galit at nagbabadya. Kinabahan ako bigla at nataranta. Agad kong tinungo ang backstage ng parang wala sa sarili. Mabilis naman akong sinalubong ni Chaila.

"Anyare bes? Namumutla ka?" Ani nito, habang inaalalayan akong umupo.

Hindi pa ako makapagsalita. Patuloy pa rin sa pagrehistro sa aking utak ang nakakatakot na ngiti ng aking kamukha. Sino a siya o ano ba siya? May atraso ba ako sa kanya? Multo ba siya? O guni-guni ko lamang.

Gusto kong yakapin si Robin para maibsan ang aking takot ngunit nasa stage pa siya at rumarampa. Para akong mababaliw sa dami ng tumatakbo sa aking isip kung bakit may nakikita akong kamukha ko at bakit tila galit na galit siya sa akin.

"Bhesh! Ano ba? Kanina ang ayos ng paglalakad mo, sigawan ang mga tao, pero after mo magmagpakilala, bigla ka na lang namutla at natulala, para kang nakakita ng multo!" Nag-aalalang sabi ni Chaila na hinihimas-himas pa ang braso ko.

"Bhesh, may nakita ako--" nanginginig kong sabi pero hindi ko maituloy-tuloy.

"Ano besh? Ano?!" pangungulit nito. "Malaking tite ba yan kaya ka natulala!?"

"Gaga! Nakita ko yung kamukha ko."

"Kamukha mo?"

"Hindi, kamukha mo, baka kakambal niyo ni chutae! Imbyerna!"

"Ang sama."

"Mas masama ka, pisikal!"

"Heh! Magkwento ka na habang isinusuot ko itong pang sports attire mo."

Ganon na nga, inilahad ko ang istorya, nagsimula sa labas ng gate ng bahay namin, sa tapat ng gotohan at dito mismo sa venue ng pageant.

"Baka kakambal mo." ani chaila matapos akong mabihisan.

"Wala naman akong kakambal." sagot ko.

"Ehh, wag mo na lang pansinin yon. Baka masamang elemento lang yun na pinaglalaruan ka. Dedma lang bhesh. O siya, andyan na ang bf mong mahal na mahal ka."

Umalis si Chaila upang tignan nya rin kung totoong may kamukha ako sa audience habang s Robin naman ay lumapit sakin at bahagyang inilapat ang kaniyang braso sa braso ko. Medyo nag-iingat lang kami dahil baka may makakitang iba kapag dito kami sa backstage naglampungan.

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now