KABANATA 10

Mulai dari awal
                                    

Ngumiti naman ang anak ko. "Hello po.." Lumapit siya sa dalawa para yumakap.

"How are you, baby?" Tanong ni Lucio sa kaniya.

"I'm fine po. Kayo po?" Tanong ni Maxine pabalik.

Hinayaan ko na munang makipag-kulitan sila kay Maxine para mapuntahan si Georgia sa kusina.

"Nandito na si Lucio at Kendra." Imporma ko. Naabutan kong abala na sila ni Daniel sa pag-aayos ng mga pagkaing pinag-tulungan nilang lutuin. Nasa counter table na 'yong iba.

"Si Jared?" Tanong ni Georgia.

"On the way na siguro," Sagot ko. Sinenyasan ko si Karen na ayusin na ang table. Malapit ring mag-alas dose.

Nasa harap lang din ng kusina ang dining table namin. Ginagamit lang namin 'to kapag may mga bisita at hindi kakasya sa mga stool.

Nasilip kong nag-eenjoy ang dalawa sa pakikipag-kwentuhan kay Maxine. Mabuti 'yon para hindi sila mainip.

"Silang tatlo lang ba ang in-invite mo?" Tanong ko kay Georgia.

Kumunot ang noo ko nang mapatingin ako kay Daniel. Namumutla kasi ito at mahigpit ang kapit sa gilid ng counter table.

"Yup." Sagot ni Georgia na abala sa ginagawa. Hindi niya napapansing masama na ata ang pakiramdam ng kasama niya.

Napasuklay ako ng buhok at lumapit sa kaniya. "Are you okay?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot kaya hinawakan ko siya sa braso. Sakto namang na-out of balance siya kaya mabilis ko siyang nasalo.

"Namumutla ka, ah?" Bulalas ko habang nakatitig sa kaniya.

"I-I'm fine..I just n-need to rest.." Mahinang sagot niya.

Naalarma naman si Georgia nang mapansin kami. "Anong nangyari, Daniel?" Alalang tanong niya.

"Napagod ata, Georgia." Sabi ko.

"Naku! Sinabi ko nang ako nalang kasi, eh." Tiningnan niya ang ako. "Ako na ang bahala dito. Ihatid mo na muna sa kwarto niya." Utos niya sa akin.

Tumango na lang ako at hindi na umangal pa. Inalalayan ko nga siya patungo sa kwarto niya. Hindi naman siya kumibo at sumunod lamang sa 'kin.

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ko nang maihiga ko na siya sa kama. Hinawakan ko siya sa noo at leeg. Hindi naman siya nilalagnat. Nakahinga ako ng maluwag. "Bakit kasi nagpapagod ka pa? Alam mo namang bawal sa'yo, eh." Sermon ko.

Nagmulat siya ng mata at tiningnan ako. "S-Sorry, Asawa ko.." Aba't! Sisinghalan ko sana siya nang muli siyang pumikit. May sakit nga pala. Kapag magaling na siya, lagot siya sa 'kin.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan siya. Nakagat ko ang ibabang labi habang iniisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon kung saan walang angal akong nandito at inaalagaan siya. Ayokong mawala ang inaalagaan kong galit dahil 'yon nalang ang meron ako upang hindi magising ang damdaming matagal ko nang binaon sa limot.

But, how long? Hanggang kailan mo pa kayang alagaan ang galit mo, Corraine? Kung ngayon pa nga lang lumalambot kana.

Hinawi ko gamit ang kamay ang mga maliliit na pawis na nasa noo niya. "Hanggang kailan ka ba rito, huh? Huwag mo namang tunawin lahat ng galit ko sa'yo. Ang tagal ko kasing inalagaan 'to sa puso ko. Hindi naman pwedeng kapag dumating ka ayos lang ulit ang lahat? That's so unfair." Bulong ko habang nakatitig sa kaniya. Nakatulog na siya sa sobrang pagod.

Naisip ko, paano kaya kung nalaman niyang may namatay kaming anak? Hindi niya alam na kambal ang pinagbu-buntis ko dahil noong nalaman ko, wala na siya sa tabi ko.

 Lost in MemoriesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang