"Alam mo, matalino ka naman pero sa mga ganito ang hina mo! Lola yun ng may birthday! Siya ang first lady noon dito sa lugar natin"

"Huh? Bwisit ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? Nakakahiya tuloy kasi iba tingin ko sa kaniya!"

"Okay lang yan, mabait si Madam. Tara na magbihis na tayo para kahit papano magmukha tayong elegante sa mata ng ibang tao"

"Magbibihis? Eh wala naman tayong dalang damit"

"Sumunod ka nalang! Dami mong tanong!"

Nagtungo kami sa isang cottage room, bumungad saamin ang magkaibang dress na parehas na black na may onting gold na kumikinang

"Sa.....satin to?" sambit ko

"Oo! Diba magmumukha tayong mayaman sa dress na to"

Di ako makapaniwala sa nakikita ko. Ito ang unang birthday na pinuntahan namin na grabi ang handaan at lugar. Di ko din inexpect na may ganito kami. Medyo malaki si Betty kaysa sa akin kaya agad naming nakita ang dress na para saamin. Nag-ayos at naligo kami, nauna akong naligo at sunod si Betty. May make up na ding nakahanda at dahil medyo marunong si Betty siya na nag ayos sa aming dalawa.

"Shemay! Mukha kang anak ng presidente Aki!" pambobola ni Betty

"Sus binola mo pa ako"

"Gaga! Wala ka kasi sa harap ng salamin kaya ganyan ka mag salita"

Hinila niya ako papunta sa salamin. Hindi ako makapagsalita dahil mas mukha akong babae sa ayos ko na to. Hindi sa pagmamayabang pero kahit papano naman ay may itsura akong maihaharap sa mga tao

"Oh diba, maski ikaw wala kang masabi sa aura mo ngayon"

"Ah...Eh.. Oo nga"

Ilang minuto nalang at malapit na mag 6:00 kinakabahan ako na ewan, dahil haharap kami sa maraming tao at for sure mayayaman ang mga ito. Lumabas na kami ni Betty, hindi ako sanay sa heels kaya naghanap ako ng wedge heels para mas komportable akong makalakad. Sa paglabas namin ay maraming media ang nasa labas ng resort, parang artista lang ang mag bibirthday sa araw na to. Umupo na kami ni Betty sa attendance station, may mga iilan na ding nag si punta at grabi ang mga kotseng dala nila may Mercedes-Benz, Lamborghini, Ferrari, at iba pa

"Ang yayaman ng mga bisita" sambit ni Betty

"Oo nga eh, nakaka mangha. Parang panaginip lang ang lahat ng to"

Agad na napunta ang atensyon namin sa isang sasakyan na parating kung hindi ako nagkakamali ay Rolls-Royce iyon hindi ko lang alam kung ano ang exact model. Lahat ng media ay nakatuon sa sasakyan, inaasahan kong artista ang iluluwa nito pero hindi

"Dumating na ang pangalawang anak ni Governor Miller na si Stephen"

"Looking cool and confident na dumalo sa kaarawan ni John Sy ang anak ni Governor Miller na si Mr. Stephen"

Ito ang naririnig ko sa mga reporters. Kilala ko si Governor Miller dahil naging driver si Papa nito at tatay siya ni Rendell, hindi ko alam na may isa pa pala siyang anak

"Oh myyy!!!!!! Ang gwapo nya talaga!" sambit ni Betty

"Teka, kilala mo yun?"

"Oo naman! Sinong hindi makakakilala sa kaniya? Bukod sa gwapo at matalino matinik din siya sa babae"

Tinitigan ko lang ng mabuti ang lalaking naka black coat na medyo kumikinang. Pamilyar ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita pero alam kong nakita ko na siya noon

Boss Series 1: Playboy BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon