Chapter 35

64 4 0
                                    

Aurelis's POV

"Wow! Aga!"natatawang saad sa akin ni Theo.

"Tigil tigilan mo ako diyan."natatawang saad ko sa kanya.

"Ano, magbooth tayo?"tanong sa akin nito.

"May program pa, hindi pa open, hindi ka nakikinig."sabi ko at kunwari pa 'tong inirapan.

"Wow! Nagsalita ang mabait!"natatawang saad niya sa akin. Tinawanan ko lang siya. Nawala naman ang ngiti ko nang mapatingin kina Aaliyah at Bluster. Ang daming nagpapapicture sa mga 'to. Napairap na lang ako.

"Ni hindi man lang tayo nakapagcutting dahil diyan kay Blake."bulong sa akin ni Theo nang mapansin na nakina Blake ang tingin ko. Hindi ko na lang pinansin.

"Uyy, alam mo ba na may booth ang mga TechVoc na comp shop?"tanong ni Theo. Napangisi naman akong tumingin sa kanya.

"Alam na!"sabi ko na nakipag-up here pa sa kanya.

"Doon na tayo maghintay, sigurado may mga nakaabang na doon."sambit ko. Katulad nga nang inaasahan ko may mga tao na nandito para tumambay. Mabuti na lang ay may mga kaibigan kami ni Theo na nasa unahan.

"Mga ugok, hindi niyo man lang kami tinext amp."sabi ko sa kanila.

Maya-maya lang ay nag-open na ang shop, walang kahirap hirap akong nakaupo. Medyo mahal nga lang 'tong sa kanila, pero ayos na rin naman.

"Game na!"sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Game!"nakangising saad ni Theo at nagsimula na kaming maglaro. Medyo maingay dahil mga trash talker din ang mga 'to. Idagdag mo pa 'yong mga nag-aabang sa labas na pinapamadali kaming mga nandito sa loob. Manigas sila.

"Bobo naman! Sino ba 'yon?!"galit kong saad nang may pumatay sa pc na gamit ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang posasan ako nito.

"Tangina!"hindi ko mapigilang mapamura dahil ang sarap sarap nang upo ko doon. Pinagmumura ko na 'to kaya lang ay tila wala 'tong paki na dinala ako sa Jail booth.

"Parang tanga ang pucha."inis kong sambit at parang batang napapadyak na lang sa sobrang inis.

Gulat naman ako nang mapatingin na nandito rin si Bluster. Tahimik lang na nakaupo sa tabi.

"Kailangan iba ang magpiyansa sainyo."nakangising sambit nang demonyitong lalaking kumuha sa akin.

Napairap na lang akong tumabi sa lalaking ito ngunit sa malayong bahagi ng jail booth. Sa lahat ng booth, itong jail booth ang pinakawalang kwenta sa lahat. Kumikita kahit wala namang ginagawa kung hindi manira ng araw.

Tinawagan ko ang mga kaibigan konpara piyansahan ako. Inis akong napakamot nang ayaw ni Reese na pumunta dito.

"Hoy! Piyansahan mo ako, Theo!"inis kong sigaw.

"Tangina, pre, dalian mo mamatay na ako!"sabi ni Theo. Edi sana naglalaro din ako ngayon.

"Mamaya na, Aure, diyan ka na muna, manahimik ka diyan, piyansahan ka namin mamaya!"sabi nito at pinatayan din ako ng tawag. Inis na akong napapapadyak ulit. Napatingin ako sa katabi ko na nginisian lang ako. Inis akong napairap sa kanya. Close kami?

Nanahimik na lang ako at pinakalma ang sarili, ni ayaw kong madikit sa kupal na 'to.

"Still mad at me ha?"tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at nag-iwas lang ng tingin.

"Still mad at me ha?"panggagaya ko at inis na napairap. Tinawanan niya lang ako. Ni hindi man lang nainis samantalang ako inis na inis na sa kanya.

"Sorry na,"bulong niya sa akin.

"Kausap mo?"bulong bulong ko rin.

"Ikaw."nakangising saad niya.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon