Chaptet 14

69 4 0
                                    

Aurelis's POV

"Anong hindi ka pupunta? Bahala ka kay Mama."hindi ko mapigilang sambitin kay Reese na kanina pa iniisip kung paano iiwasan si Khalid. Napatawa naman ako ng mahina ng makita ko ang mukha nito na halos pagsakluban na ng lupa.

"Pagtakpan mo ako! Sabihin mo masama ang pakiramdam ko!"saad niya na halos hindi na alam ang gagawin. Paano ba naman kasi kung ano anong pinagsasabi nito kay Khalid kanina, tawang tawa ako habang nagkukwento ito ng kahihiyan niya.

"Aba't gagawin mo pa akong sinungaling, Reese?"tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Akala mo naman ngayon mo lang iyon gagawin!"sabi niya sa akin. Well, hindi naman na bago sa akin iyon kaya lang ay gustong gusto ko na inaasar itong si Reese.

"May atraso ka pa sa akin para ipaalala ko aber."hindi ko mapigilang sambitin dahil alam naman pala nito na dito nakatira si Bluster sa mismong village namin at kapit bahay pa!

"Sasabihin ko naman kasi talaga sayo!"sabi niya na lang at nagpaliwanag nanaman ito.

"Aure!"sigaw nanaman ni Mama mula sa baba.

"Bahala ka! Pumunta ka na dito, Nandito na ata ang mga bisita ni Mama sa baba."sabi ko sa kanya sa kabilang linya.

"Ayaw kong pumunta lalong lalo na't pupunta sina Cain diyan!"sabi niya sa akin.

"Ikaw ang bahala, Ikaw din, sasabihin ko kay Mama na wala ka naman talagang sakit."nakangisi kong pinatay ang tawag dahil mukhang kukultin lang ako nito.

"Ma?!"sigaw ko naman habang pababa ng hagdan. Napatingin naman ako kina Ayden at Archer na tumutulong kay Mama sa pagluluto. Mukhang naging close na talaga itong dalawa at inimbita pa si Ayden sa birthday ni Mama. Napangisi naman ako doon, nilagpasan ko na sila dahil busy'ng busy sa pagtulong kay Mama.

"Bakit, Ma?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ka man lang ba nahihiya, Aure? Itong si Ayden pa ang tumutulong sa akin samantalang pahiga higa ka lang sa kwarto niyo."sabi niya sa akin kaya napanguso na lang ako na tumabi sa kanya.

"Si Ate, Ma?"tanong ko.

"Ewan ko sa Ate mo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi, nakalimutan na ata na birthday ko."sambit niya. Nagsimula nanaman itong magdrama. Napatawa na lang ako ng mahina, pasimple naman akong tumikim ng niluluto niya kaya hinampas nanaman ako nito.

"Ma!"reklamo ko dahil siya naman itong tumawag sa akin.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga kapitbahay namin. Tapos na din naman magluto sina Mama. Tumulong na lang ako sa paglalagay ng mga ulam sa lamesa. Isang mahabang lamesa lang iyon, sa garden nakahilera. Napalinga linga naman ako, hinahanap si Bluster ngunit wala ito.

"Nasaan si Reese, kumpare?"tanong ni Mama ng makita sina Tito na papasok ng bahay.

"Masama daw ang pakiramdam, Kumare."sabi ni Tito kaya napangisi ako. Palusot talaga, Reese.

"Ayden, Archer, Kumain na rin muna kayo."sabi ni Mama kina Archer na siyang naglalapag ng ibang pagkain.

"Ako na."sabi ko dahil wala pa akong balak kumain. Ako na lang ang nagbigay ng mga kailangan ng mga ito. Nagtagal din ang iba ngunit napagpasiyahan ng umuwi ng iba naming kapitbahay.

Maya-maya lang ay may nagdoorbell ulit mula sa labas ng bahay namin kaya agad akong nagpunta upang tignan kung sino iyon ngunit laking dismaya ko ng makitang sina Mia lang pala kasama ang pamilya niya.

"Good evening, Aure."bati ni Tita sa akin.

"Good evening po, pasok po kayo, nandoon sila sa may garden."sabi ko at simpleng ngumiti na lang sa kanila kahit na pa dismayado na talaga dahil hindi pa rin dumadating sina Bluster.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon