Chapter 18

67 4 0
                                    

Aurelis's POV

"Wow!"hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin sa labas ng kotse ni Bluster.

"Ang ganda naman dito!"sambit ko pa dahil dagat ang nasa gilid nito.8

"Dito nakatira ang Mama mo?"tanong ko at nilingon siya. Tumango naman siya. Excited naman akong napatingin sa paligid.

"Malapit na ba tayo?"tanong ko pa, halata sa mukha nito na kinakabahan siya.

"Can we just go back home?"tanong niya sa akin ngunit alam agad na hindi ako papayag.

"Anong uwi? Hindi pwede? Ang tagal din ng binyahe natin."hindi ko mapigilang sambitin at mas lalo pang namangha sa paligid.

"Say cheese!"natutuwa kong saad at pinicture-an si Bluster dahil maganda din ang view sa bahagi niya.

"Delete that, Lis."sambit niya. Para namang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas. Ngayon lang ulit niya ako tinawag sa ganoong pangalan.

"No way! Hindi naman ikaw itong kinuhanan ko ng litrato, 'yong view diyan!"sabi ko at sinungitan siya.

"At tsaka huwag kang mag-alala hindi ko naman ito ipopost sa social media, akin lang to, hindi makikita ng fans mo."sabi ko pa at tinapat na ang phone sa gilid ko. Hindi naman siya nagsalita kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?"tanong ko at nginiwian siya.

"Selfish ka pala. Gusto mo, sayo lang."natatawang sambit niya. Narealize ko naman ang sinasabi nito.

"Edi ipost ko! Bahala ka para masira ka pa lalo sa fans mo!"sabi ko at napairap sa kanya.

"Post it then, para malaman ng mga manliligaw mo kung kanino ka."sabi niya ng natatawa. Nagloading naman sa utak ko ang sinasabi nito kaya napatunganga lang ako sa kanya.

"Ano?!"malakas kong sigaw ngunit tinawanan niya lang ako. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay kita ko ang pamumutla ng mukha nito. Mukhang malapit na kami sa bahay ng Mama niya.

Maya-maya lang ay tinigil nito ang sasakyan niya sa tabi ng simpleng bahay na medyo malayo rin sa dagat. Napagtanto ko na ito na nga ang bahay ng Mama niya.

"Are you ready?"tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Ni ayaw pa nga nitong bumaba.

"Let's go."sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan kaya lang ay hindi pa rin ito gumagalaw.

"I'll be here by your side, Alright?"sabi ko at hinawakan siya sa kamay, nanlalamig ito kaya alam ko na agad na kinakabahan siya.

"Don't worry, your Mom probably going to love you."sambit ko sa kanya. Nagaalinlangan man, bumaba pa rin siya ng kotse. Hawak ko lang ang nanlalamig nitong kamay habang naglalakad malapit sa bahay.

Huminto naman kami sa simple ngunit halatang naaalagaan na bahay. Lumabas doon ang isang ginang na maganda. Napagtanto ko na agad na ito ang Mama ni Bluster dahil medyo hawig niya ito. Tila naestatwa naman si Bluster sa kinatatayuan.

Ganoon din ang ginang. Hindi ko alam kung alam na niya na anak niya si Blake ngunit ngayong pinagmamasdan ko ang kilos niya, alam ko na agad na alam niya.

"Mama! Bakit ang tagal mo po?"sigaw ng isang batang babae mula sa loob ng bahay. Sa akin palagay ay nasa walong taon pa lang ito. Sumunod din ito sa ina sa paglabas at napatunganga nang mapatingin sa tinitignan ng ina.

"Kuya Blake?!"malakas nitong sigaw at napatakbo patungo kay Bluster. Yumakap pa ito sa kanya samantalang mas lalo lang naestatwa si Bluster sa kinatatayuan.

"Isha, Halika dito, anak."biglang sambit ng ina, mukhang ngayon pa lang natauhan. Hinila niya ang batang babae papunta sa kanya. Mukhang napansin ang hindi kumportableng si Bluster.

Chaotic Love (Completed)Where stories live. Discover now