Chapter 34

68 5 0
                                    

Khalid's POV

"Ayos ka lang?"tanong sa akin ng isang babae. Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Mukha ka kasing kinakabahan e, subukan mong maglagay ng piso sa sapatos mo! Swerte 'yon!"nakangiti niyang saad sa akin. Napansin niya ang pagkunot ng noo ko sa kanya.

"Pasensiya na!"natatawang saad niya sa akin.

"Ingay ko ba?"tanong niya ng nahihiya at napasapo sa ulo bago umalis sa tapat ko.

"Wierd."bulong ko sa sarili with a smile in my lips.

"The winner is Khalid Montenegro!"malakas na sabi ng host. Tipid lang akong napangiti doon.

"Khalid, hindi ka ba masaya na nanalo ka dito sa quiz bee?"tanong sa akin ng teacher ko.

"Po? I'm happy, Ma'am."nakangiti kong saad ngunit hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa harap kung nasaan 'yong babaeng nakatunggali ko, 'yong babaeng kinausap ako kanina. She's quite intellegent, ni minsan wala pang nakasabay sa akin, ngayon lang ulit.

Napaupo siya sa gilid at pasimpleng pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata. Agad siyang ngumiti ng makitang palapit sa kanya 'yong teacher na kasama niya.

"Miss!"malakas kong sigaw ng makitang paalis na 'to. Nilingon niya ako, kitang kita ang pagkainosente nito habang nakatingin sa akin.

"Hey, are you okay?"tanong niya sa akin. Tumikhim ako, kanina pa pala ako nakatulala sa kanya.

"'Yong id mo, naiwan mo."sabi ko at simpleng ngumiti sa kanya.

"Oh, Thankyou!"nakangiti niya saad at kumaway sa akin paalis.

"Reese."bulong ko. That's her name at 'yon din ang kauunahang paglikita naming dalawa.

"Hoy!"malakas na sigaw sa akin ni Blake.

"Huh?"gulat kong tanong sa pagsigaw nito. Titig na titig pa rin sa babaeng kakalabas ng bahay nila.

"Nakikinig ka ba?"tanong niya sa akin at napatingin sa tinitignan ko.

"That's Reese. Type mo? Bestfriend 'yan ni Aure."seryosong saad ni Blake habang binababa ang mga gamit namin. Nagulat naman ako doon ngunit hindi pa rin makapaniwalang nasa iisang village lang kami no'ng babaeng nakausap ko no'n.

"Gago, pre, may tama na ata ako."sabi ko kay Blake. Natawa lang siya ng mahina sa akin at napailing na lang.

"Bibili akong Icre cream, gusto mo?"tanong ko kay Khalid na kausap ang Daddy niya.

"Sige."tumango lang siya sa akin. Lumabas naman na ako para bumili ng panghimagas naming dalawa ni Khalid. May 7/11 sa labas, ayos lang din naman sa akin maglakad, lalo na't nakikita ko ang mga bahay bahay dito sa village, alam ko na agad kung paano ko aakyatin ang mga 'yon. Joke.

Agad akong nagulat ng makita ko 'yong babae sa quiz bee. Napatawa ako ng mahina ng makita ko siyang natapilok, tutulungan ko sana ito kaya lang ay hindi nga pala ako nito kilala. Palingon lingon pa siya sa paligid kaya mas lalo akong napatawa. Gustong gusto ko na nga lang humagalpak ng tawa kaya lang ay mukhang hiyang hiya na ito dahil nagmadali talaga siyang umalis.

Cute.

Napatingin ako sa wallet nitong nahulog niya rin. Wala naman akong balak sundan siya kaya lang baka kailanganin niya. Makakalimutin.

Ang sarap nitong asarin lalo na't kapag nakikita kong sobrang pula na ng pisngi nito tila konting konti na lang ay sasabog na sa inis.

"Magccr ako."inis niyang sambit sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil may nararamdaman na ito para sa akin. Inis. O dapar akong kabahan dahil mukhang ayaw na ayaw niya sa akin.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon