Chapter 9

71 2 0
                                    

Archer's POV

"Ma! Papasok na po ako, hindi pa rin gising si Aure."sabi ko at napailing dahil hanggang ngayon ay sobrang sarap pa rin ng tulog nito.

"Osige, mag-ingat ka!"sabi ni Mama. Sakto namang paglabas ni Ate Haisley mula sa kwarto niya.

"Hahatid pa ba kita?"tanong niya na nakapajama pajama pa at pahikab hikab pa na naglakad palapit sa akin. Napailing na lang ako dahil mga batugan talaga itong mga kapatid ko.

"Ihatid mo na, Haisley Joy, iyan lang naman ang dulot mo sa bahay na ito."sabi ni Mama sa kanya.

"Grabe ka naman na talaga, Mama!"sabi ni Ate at napailing pa.

Naglakad naman na ito palabas ng bahay at inihanda na ang sasakyan.

"Sakay na, mahal na prinsesa."natatawang sambit niya kaya inirapan ko siya. Parehas na parehas kasi talaga sila ng ugali ni Aure.

"Huwag ka ng bumaba pa, Ate Ley."hindi ko mapigilang sambitin dahil paniguradong pagbubuksan pa ako ng pinto nito para lang asarin.

"Bakit? Kinakahiya mo ba ang maganda mong kapatid?"natatawang pang-aasar niya sa akin. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa tanong nito.

Nang makarating kami sa school akala ko ay susundin niya ang sinabi ko ngunit walang hiya hiya itong lumabas.

"Bye, Lil sis!"natatawang sambit niya at nagtangka pang hahalikan ako sa noo.

"Hindi ka pa nagmumog man lang."masungit kong saad sa kanya kaya tinawanan niya ako na sumakay sa sasakyan.

Napailing na lang ako at dire-diretso na pumasok patungo sa room. Nang makarating ako sa classroom ay laling gulat ko ng makitang punong puno ng basura ang classroom kahit na nilinis ko naman ito ng sobra kahapon.

Hindi naman pwedeng may naggulo nito. Pinagmasdan ko naman ang buong room. Panay sulat sa white board, ang mga papel ay talaga namang kalat kalat sa buong paligid at parang nakipaggera sa sobrang gulo ng mga upuan.

"Sorry, Ayden!"malakas na sigaw ang narinig ko kaya agad akong napatingin sa dulong bahagi ng classroom.

Nakakapagtaka na maaga itong pumasok samantalang laging late ito. Halos maawa ako sa kaklase kong lalaki dahil medyo nabasa siya sa pagsipa na ginawa ni Adonis sa timba na nasa gilid.

"Tinatawag niyo bang linis ito?"malakas na tanong niya.

"Sorry, Ayden."sabay sabay na smbit ng mga cleaners kahapon.

"Adonis! Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa classroom natin."hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumigaw ngunit nagawa ko. Napatingin naman sa akin si Adonis at unti unting lumapit sa gawi ko.

"Hmm?"nilapitan pa ako nito at halos hindi makahinga sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Tinulak ko na lang siya at susubukan sanang tumulong dahil sobrang dami talaga ng basura.

"Subukan mong tumulong at dadagdagan ko pa ang kailangan nilang gawin."pagbabanta niya sa akin.

"Huwag ka ng tumulong, Archer!"

"Hindi na namin kailangan pa ng tulong mo."

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala din namang makakaawat dito kay Adonis. Mabuti na lang ay natapos ang paglilinis nila bago pumasok ang guro namin para sa unang subject.

Nang matapos ang unang subject ay nilabas ko ang ballpen ko dahil wala din naman akong makakausap at mas mabuti na lang na gawin ko na ang letter na ibibigay ko kay Blake mamaya.

Pangiti ngiti pa ako habang iniisip kung ano nga bang isusulat ko sa may disenyong papel.

"Awwe.."mahinang reklamo ko dahil kanina pa pinaglalaruan ni Adonis ang buhok ko. Mukhang wala din itong magawang matino.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon