Chapter 24

54 3 0
                                    

Reese's POV

"Hey, good morning, Pres."bati ko kay Cain nang makasalubong ko ito. Parang wala naman itong narinig at nilagpasan lang ako.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman doon ngunit nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papasok ng classroom.

"'Yong mga cleaners, ayusin niyo ang mga upuan."sabi ni Cain na nasa harap.

"Reese, pahiram notes mo kahapon."sabi sa akin ni Gerald.

"Gerald, diba cleaners ka?"tanong naman ni Cain kay Gerald na nakikipag-usap sa akin.

"Grabe, ang sungit ni Pres. ngayon no?"bulong na tanong sa akin ni Gerald.

Simple na lang akong napatango dahil mismong ako ay sinusungitan nga nito.

"Baka mayroon siya."natatawang biro ko.

Mukhang badmood nga talaga ito dahil maski sa mga sumunod na subject ay sinusungitan niya ako.

"'Yong mga officers naman diyan, magbawal naman kayo."galit nitong sambit. Sa akin pa diretso ang tingin nito. Para naman tuloy naalala ko ang sarili ko sa kanya noong mga panahong inis pa ako dito. Madalas akong magparinig noon lalong lalo na para sa kanya. Napalunok na lang ako doon at hindi siya tinignan sa mata.

Hindi ko talaga alam ngunit pakiramdam ko ay may galit talaga ito sa akin dahil maski makipagkwentuhan man lang ako saglit ay sa amin na agad ang lingon nito.

"'Yong grupo niyo diyan, Almazan. Huwag niyo namang paabutin hanggang hallway 'yang ingay niyo."pagbabawal niya. Kasama ako dito kaya agad akong natahimik lalo na nang pairap pa ako nitong tinignan.

Tahimik na lang ako buong hapon at wala na atang mas sasama pa sa araw ko nang makita ko si Aure. Kakaway na sana ako dito para mag-usap na kaming dalawa lalo na't pinuntahan pa ako nito sa classroom ngunit mas lalo lang akong nadismaya nang makita kong lumapit si Mia sa kanya.

"Heavy breakfast tayo, sis, ahh."sabi ni Mia sa kanya at humawak pa ito sa braso ni Aure. Napasimangot ako doon at mas lalong ayaw ko na ng lumabas.

"Reese, hindi ka kakain?"tanong sa akin ng iba kong kaklase.

"Hindi na, I'll stay here na lang, inaantok pa ako e."hindi ko mapigilang sambitin at simple na lang na nginitian ang mga ito. Mapait naman akong napangiti, aba't sa unang pagkakataon ay naisipan kong huwag kumain.

"Cain, galit ka ba?"hindi ko mapigilang sambitin kay Cain nang huli na sana itong lalabas sa classroom.

"Bakit? Saan?"tanong niya sa akin na nakakunot ang noo. Tinignan niya pa ang kamay ko na nakahawak sa uniform niya. Agad ko naman 'yong inalis.

"Wala, pakiramdam ko lang kasi galit ka. Hindi mo naman ako sinusungitan e."hindi ko mapigilang sambitin medyo na lungkot na lang na bumalik sa upuan ko.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk, pakiramdam ko ay pasan na pasan ko ang mundo. Bakit ba ngayon pa 'to nangyayari sa akin? Sobrang sama ng loob ko.

Hindi ko alam kung nakaidlip ba ako o ano ngunit nagising ako na medyo marami na rin agad ang mga tao sa classroom. Napatingin naman ako sa lamesa ko ng makitang may pagkain na dito. Napalingon naman ako sa paligid. Nakatingin sa akin si Cain.

"Eat."maikling sambit niya at nakipag-usap na sa iba. Napangiti na lang ako ng tipid nang dahil doon.

Natapos ang klase namin para sa umaga. Katulad nang inaasahan ko ay hindi pa rin ako pinapansin ni Aure. Hindi na kasi ako kailangan. Napatawa na lang ako ng mapait sa sarili.

"Pres!"malakas na sigaw ni Ian sa akin.

"Hey."matamlay na bati ko sa kanya.

"Tamlay naman. Hindi ka ba masayang makita ang gwapo kong mukha?"natatawang tanong niya sa akin.

Chaotic Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon