Chapter 26

53 3 0
                                    

Aurelis's POV

"Hoy, sige na kasi."pangungulit ko kay Bluster na sinusundan ito kahit na saan.

"Ayoko."sabi niya at umiling pa sa akin. Napangiwi naman ako at padabog na naupo sa tapat niya. Gabing gabi na ngunit sinusundan ko pa rin ito papuntang 7/11 para lang magpakita siya sa fan gatheting bukas.

"Please,"sabi ko pa at tinapat ang mukha sa kanya. Hindi naman niya ako pinansin at umiling lang na kumain ng cup noodles.

"Kalapit lapit na lang ng bahay niyo dito ka pa kumakain."hindi ko mapigilang sambitin ngunit inagaw ko din ang noodles na hawak niya at sumubo doon.

"Wala din naman si Khalid, ako lang ang kakain, hindi na kailangan magluto."sabi niya sa akin at napakibit ng balikat.

"Sumabay ka na lang sana sa aming magdinner."hindi ko mapigilang sambitin ngunit saka ko lang din narealize iyon nang pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Hehe, My mom will probably love you eating dinner with us, Fan mo kaya siya."sabi ko na lang para lusutan 'yon. Nagkibit siya ng balikat ngunit nandoon pa rin ang pang-aasar.

"Sir Blake, may mga nakaalam po na pumupunta kayo dito sa 7/11, pinabibigay mo itong mga 'to."sabi ng isang cashier at iniabot sa kanya ang isang balot ng mga pagkain. Nanlaki ang mga mata ko at agad 'yong inagaw sa kamay ng cashier dahil ayaw kunin ni Bluster.

"Alam mo ikaw, napakaarte mo."sabi ko habang naghahanap ng pagkain sa plastik.

"I can just buy you anything, hindi mo na kailangan kumuha diyan."sabi niya sa akin at hinila ang plastik.

"Ang damot!"malakas kong sigaw sa kanya at sinimangutan siya.

"Hindi mo naman mauubos 'yan e."hindi ko maiwasang sambitin.

"Ang sinasabi ko lang naman, mabibilhan naman kita kung anong gusto mo."simpleng sambit niya na inagaw ulit ang noodles na binili.

"Yabang!"sabi ko at inirapan siya.

"Fine!"masungit niyang saad at iniabot sa akin ang plastik. Napatawa naman ako ng mahina at pasimpleng nilabas ang mga pagkain nito.

"Kuya Blake! Ikaw nga!"

"Kuya, papicture naman!"

Napailing na lang ako ng may mga fans nanaman ito na siyang gustong kumuha ng litrato kasama siya.

Tinignan naman nila ako kaya napanguso na lang ako at pasimpleng  kumuha ng mangunguya.

"Ate, papicture naman po."sabi nila.

"Ate, ikaw ba 'yong nasa ig ni Kuya Blake?"tanong pa nito.

"Huh? Hindi! Baka 'yong kambal ko 'yon!"natatawang saad ko kahit na alam ko naman ang totoo. Sinamaan naman ako ng tingin ni Blake. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at kinuha ulit ang noodles niya.

"Ate, papicture."sabi niya kaya naglahad ako ng kamay. Kinuhanan ko naman sila ng litrato ngunit hindi ko maiwasang matawa sa itsura ni Blake na hindi kumportable dahil pinagitnaan pa siya ng dalawang high school student.

"Ang pangit, Bluster. Mukha kang 7 years old na pinagpipicture ng nanay mo."natatawa kong saad at halos mamatay na kakatawa ngunit tinignan lang ako nito ng masama.

"Shut up, Aurelis Denise."inis niyang sambit at kinuha ang phone ng babae, tinignan kung ano ang itsura niya doon. Nakasimangot lang naman niyang ibinalik iyon. Umalis na rin naman sils, ayaw na rin siguring guluhin si Bluster.

"Sige na kasi, kahit isang song lang."hindi ko mapigilang sambitin.

"Sasamahan naman kita!"hindi ko pa mapigilang sambitin. Hindi pa rin niya ako pinansin.

Chaotic Love (Completed)Where stories live. Discover now