Chapter 55

33 5 4
                                    

Ivy's POV

"A-anong plano, ha?" Nagkatintinan silang dalawa kaya nagkaroon ako ng kutob. "Nagkaroon ba kayo ng relasyon?" Tanong ko sa kanilang dalawa kaya nanlaki ang mga mata nila.

"Ivy, Ikakasal na ako saka bago mamatay ang kuya mo siya lang boyfriend ko." Akala ko naman nagkaroon sila ng relasyon noong mga panahon na wala ako. "Oo nga, Mahal." Kinuha ko sa kanya ang braso ko at tumayo. "Tse!" Bangin na pala ang dulo neto wala ng daanan para makalabas. 

"Vell!" Nagkatinginan kaming tatlo nang marinig namin ang boses ni Kapher. "Nasaan ka na!?" Nagtago kami sa malaking puno at dahan-dahang humahakbang papalayo. "Gotcha!" May lalaking hinila ako papunta kay Kapher. "Vell!" Sigaw ni kevin. Sinubukan kong makawala sa hawak ng lalaki pero masyado siyang malakas. 

"Tara na." Isasama niya na sana ako nang sumulpot bigla sa Theo. "Uy! Sakto lang ako." Nang makawala ako sa hawak ni Kapher bigla akong hinila ni Lex papalayo."Takbo!" Agad kaming pumunta sa sasakyan ni Lex. "Tara na, Bilis!" Pumasok kami sa sasakyan at nasa backseat narin si Kevin at ate Shane.  "P-paano si Theo at Shawn?" Tanong ni Kevin na iniinda parin ang sakit sa katawan. "Kaya na nila yun." Sabi ko at ngumiti. 

"Anak ng patola" SIgaw ni Lex nang pabarilin kami ng tauhan ni Kapher. "Baba." Hininto ni Lex ang sasakyan. "Bababa ba talaga tayo?" Tanong ni Ate Shane pero tumango lang si Lex kaya bumaba nalang din kami.

"Akin na kasi Kevin." Naiiritang hingi ni Kapher. Hindi naman ako tinapay para hingin basta-basta, Duh! "Hindi, Akin lang siya." Hinawakan ni Kevin ang kamay ko sabay namang lumapit sa tenga ko si Lex. "Pagbilang ko ng tatlo tatakbo tayo." Nagkatinginan kaming lahat, Saan kami pupunta? "Wala kayong matatakbuhan dito! Bangin ang dulo neto." lumapit si Lex sa kuya niya ng dahan-dahan. "Isa." Naghanda kami para tumakbo. "Dalawa." Mas lalo pang lumalapit si Lex sa Kuya niya.

"Tatlo!" Tumakbo kaming tatlo nila ate Shane at Kevin, Patuloy lang kami sa pagtakbo nang nakarinig narin kamk ng takbo na sumusunod sa amin. "Tigilan mo na sila, Kuya!" Napalingon ako sa kanilang magkapatid. Sinubukan ako ulit hilain nu Ate Shane pero hindi ko iiwan dito ang kaibigan ko, Hindi ko iiwan si Lex.

"Akin lang siya!" May tumulo na luha sa mata ni Kapher at dahan-dahan siyang napaluhod.

"Nagmahal lang ako,naghintay ng matagal pero hindi lubos maisip na ung mahal ko mapupunta lang sa iba." Ang kwento sa akin ni Shawn kaibigan daw siya nila kuya dati pero ayaw ni kuya si Kapher para sa akin. "S-siya ang nakasulat sa libro, Vell." Biglang bulong ni Kevin sa akin.

"Siya yung gusto mo dati." Nagkagusto ako sa kriminal? Sa mamamatay tao na pati kuya ko dinamay niya.

"Ako ang dahilan kung bakit ang taas-taas ng grupong physix." Sabi pa ni Kapher habang umiiyak. Ano ang ibig niyang sabihin? "Binayaran ko yung company ng GH makataas lang kayo! Pero baliwala parin paghihirap ko." Dahan -dahan akong lumapit kay Kapher. "Huwag." Pigil sa akin ni ate Shane pero tinanggal ko lang ang kamay niya sa balikat ko.

"Salamat sa lahat ng ginawa mo pero hindi ikaw ung taong mahal ko." Nang nakalapit ako sa kanya ay tumayo siya. "Hindi ako papayag!" Tinutukan niya ako ng baril kaya napa pikit nalang ako.

Nakarinig nalang kami bigla ng putok ng baril at heto ako nakapikit parin pero inaasahan kong may masakit pero wala.

Minulat ko ang mga mata ko at napaluhod nang iharang ni Lex ang sarili niya. Isang malaking sapak ang ginawa ni Shawn kay Kapher nang makarating sila dito na may kasamang mga pulis.

"Hey! Guys, muntik ng masira yung mukha ko--- ang gwapo pa naman diba?" Hayyy, Theo.

Dahan-dahan lumapit si Shawn kay Lex at binitbit naman ng mga pulis si Kapher at mga kasamahan niya. "Bitiwan niyo ako kailangan kong makita ang kapatid ko!" Sigaw ni Kapher pero hindi ito pinansin ng mga pulis.

"Lex, Laban lang." Yakap at halik ang natanggap ni Lex kay Shawn. Naramdaman ko ding may papalapit sa akin kaya niyakap ko na siya agad. "Kevin." Hindi ko kayang makita ang kaibigan kong nagaagaw buhay.

Parang nakikita ko narin ang kuya ko na binaril sa harapan ko. "Mahal na mahal kita, Vell." Hinalikan niya ako sa noo at lumapit kami kay Lex.

"Kaya mo yan." Hinawakan ko ang kamay ni Lex para mas lalo siyang mapanatag. Hanggang sa narinig na namin ang ambulansya na paparating. "Salamat sa inyo." Kinuha na siya ng ambulansya at si Shawn nalang ang sasama. Mas kailangan niya si Shawn.

"So... Ano na?" Tanong ni ate Shane sa likuran namin. "Edi party!" Simula umpisa hanggang wakas, Theodore. Sarap batukan.

"Magparamdam ka naman, Zheb!" Sigaw ni Theo kaya lumakas ang hangin. "Joke lang!" Nagtawanan kami at sa wakas! Tapos na.

"Tapos na ang problema, Mahal." Tumingin ako kay Kevin at bumalik sa lahat ang dati.

Simula nang supladuhan niya ako papasok sa classroom hanggang dito, Napaka daming nangyari at ang dami naring kailangan ng mamahinga tulad ni Kuya.

"Binabaon ko na sa lupa si Ivy at si Kadi!" Tumingin sila sa akin nang naka kunot ang mha kilay. "Dahil ako si Vell." Niyakap ako ni Kevin at ganun rin ang ginawa ko.

"Bago kayo maglandian diyan, Pagamot ka muna Kevin no?" Napaka epal talaga, Theodore.

"Akala ko kami ni Vell magkakatuluyan eh." Sinasabi palang ni Theo pero nandidiri na ako.

"Paano tayo makakaalis dito?" Oo nga no? Bakit hindi ko yun tinanong sa sarili ko kanina? Basta ang alam ko maayos na ang lahat eh.

"Papasundo nalang tayo." Ah, Yes! Malayo-layong lakarin din to kapag di nagpasundo.


"You were looking at me like you wanted to stay
When I saw you yesterday
I'm not wasting no time, I'm not playing no games
I see you

Who knows the secret tomorrow will hold?
We don't really need to know
Cause you're here with me now, I don't want you to go

Maybe we're perfect strangers
Maybe it's not forever
Maybe the night will change us
Maybe we'll stay together
Maybe we'll walk away
Maybe we'll realize
We're only human
Maybe we don't need no reason
Maybe we're perfect strangers"


Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon