Chapter 48

39 7 0
                                    

Kevin's POV

I'm still waiting for my love. "Good evening, Gentlemen." Napalingon kami kay Mr. Kleo nang pumasok na siya. "Nakausap ko na yung makakalaban niyo." Naka ngiti nitong sabi habang ini-istalk ko ang dating twitter account ni Ivy 3 taon na ang nakalipas nang mag tweet siya.

Asan na kaya siya? Bakit ayaw pa kaming pagtagpuin ng tadhana? Kung hindi pa oras ayos lang naman sa akin ang magintay kaso hindi ba parang madaya na simula pagka bata hinihintay ko na siya pero wala choice ko to eh. "Kevin?" Nabuhayan ako nang tawagin ako ni Noah.

"Yeah?" Biglang tumunog yung cellphone ko at nakita ko na number lang. "Excuse me." Lumabas ako sa meeting room at sinagot yung tawag. "Hello?"

"Hey, I need you here right now."

Ah it's just Fabie Wang, May sakit siya kaya sinusunod ko nalang ang mga utos niya pero hindi ko parin kinakalimutan na hanapin si Ivy. "Okay."

"I Love you--"

Si Ivy ba yon? "Ivy?" Si Ivy lang ang kilala kong may birth mark sa kaliwang braso. Pinatay ko na yung tawag at nagpaalam na umalis na. "Mr. Kleo, I need to go." Hindi ko na hinintay ang pahintulot niya at hinabol yung babaeng nakita ko pero huli na dahil nakasakay na ito sa sasakyan.

"Theo?" May kasunod silang sasakyan at hindi ako pwedeng magkamali si Theodore talaga un. "Theodore!" Lumingon-lingon siya para hanapin ang boses ko.

Theodore's POV

Potek! Si Kevin yun ah baka mabuking kami, pahamak talaga tong si Kleo eh. "Theodore!" Hala! Lumingon-lingon nalang ako sa paligid kunwari di ko siya nakita baka makumbinsi ko siya kaai gabi narin naman na. "Hoy!" Napatili ako nang may humawak sa likod ko. "Bakla ka ba?" Punyetang Ivy to papatayin pa ata ako.

"Pumasok ka bilis." Pinagtulakan ko siya sa backseat at nagpaandar na ng sasakyan. "Ano banh problema mo!?" Sigaw niya sa akin. "Nakita ako ni Kevin." Natahimik naman siya nang binanggit ko si Kevin.

"Still in love?" Lumipat siya sa gilid ko para naman di ako magmukhang driver diba? "No, I'm not." Napaka in denial parang yung kuya niya lang.

*Flashback*

"Pre, Ligawan mo na." Pang-aasar ko kay Zheb halata naman na gustong-gusto niya si Shane eh kaso torpe si boss. "In love?" Tanong ni Shawn sa kanya kaya tumawa siya ng pilit at sinagot ang tanong. "No, I'm not." Napaka in denial.

"Pre, Walang mangyayari kapag torpe ka." Ako nga ang dmaing chix eh saka ako yung hinahabol ng babae. "Bilang lalaki hahayaan ko ang sarili kong maghabol sa babae hindi yung babae ang maghahabol sa akin." Oh, Well... Siya naman talaga ang napaka tino sa aming grupo.

*End of Flashback*

"Kung mahal niyo pa ang isa't isa edi magka patawaran kayo." Yun naman ata ang dapat gawin dito sa Earth... Acceptance and Forgiveness are the keys at kung ayaw mo gawin yon--- naku po! nakalunok ka ng isang malaking P R I D E chicken.

"Kapag nagmahal ba ang lalaki mahal niya ba talaga?" Iba-iba kasi ang mga lalaki, merong matino,manloloko,torpe,mahiyain,sikat at marami pang iba depende yon sa lalaki pero kapag nagmahal ang lalaki kahit gaano pa ka-dragon ang isang babae mamahalin niya parin yon pero... 

"Boys are boys, Oo mahal ka niyan pero hindi mo sila mapipigilan tumingin sa iba, Huwag kang magtiwala sa loyal, Magtiwala ka sa faithful dapat alam mo ang pinag kaiba ng dalawa." Halos parehas na ang salitang Loyal at Faithful pero mas malalim ang Faithful.

"Ang gusto sa mahal?" Tanong niya pa sa akin, wala pa akong experience sa love life pero dahil sa mga tropa kong jowang-jowa nahahawa na ako sa pagiisip nila eh.

"Kapag Gusto may dahilan kapag mahal walang kasagutan." Nakita ko naman siyang magtaka sa sinabi ko.

"Alam mo... Pag gusto mo ang isang tao ang dami mong dahilan eh, gwapo kasi siya, matangkad, maputi at iba pa pero kapag mahal mo wala kang masasagot sa tanong na 'Bakit mo siya minahal?' Minahal mo ba dahil gwapo? Hindi! Minahal mo kasi sabi ng puso." Kaya para sa mga nagbabasa huwag kayong malilito sa dalawang yan.

"Kapag minahal mo ang ta hindi mo agad malilimutan--- hayop ka,Ivy." Tulog na pala tong kasama ko amp!

Wag mo ring pagkatiwalaan ng lubos yang nararamdaman mo, Ngayon gusto mo tapos mamaya ayaw mo na at para naman sa mga lalaki kung nagustuhan niyo lang ng saglitan huwag niyong ligawan kasi ang babae malambot lang ang puso.

Para naman sa mga babae na hanap lang ay pogi---- tara na--- joke lang...

Ito seryoso na... Kung hanap mo lang ay pogi wag mo kukunin yung atensyon ng lalaki kung di mo seseryosohin lalo na yung may mga karelasyon na, May nasasaktan kang kapwa babae, maawa ka naman--- Wala tauong magagawa kung desperada...

At kung ang ml player ay nagmahal asahan mong ako yan--- I mean matino yan maliban na ngalang sa halos adik na adik na.

I phone rang so I answered it. "Yes? Theodore Villa, Speaking." Paguumpisa ko.

"Be careful." Binaba na niya ang tawag at isang unknown number lang naman ang sinagot ko. Tinext ko siya na magpakilala siya at pagtingin ko sa kalsada muntik na kaming mabangga sa puno buti nalang naagapan ko pa.

"I said... Be careful." Hininto ko ang sasakyan ko nang mabasa yung reply niya sa akin. Sino to?

Halatang naka mata siya sa amin...

"Pre, Sunduin mo nga si Ivy dito." Text ko kay Atticus,Mas ayos ng ako ang mapahamak kesa naman si Ivy, Sa akin din ibinilin ni Zheb si Ivy.

Ang buhay saglitan lang hindi mo alam kung ang mga nakasunod sayo sasaktan ka o tutulangan ka.

Mahalin mo hindi lang dapat sa kilig, Mahalin mo kasi gusto mo siyang kasama hanggang sa dulo.

"Malapit na ako, Pre." Text ni Atticus. "Hindi ikaw ung nasa likod namin?" Reply ko may sasakyan kasi sa likod namin eh. "Hindi, Itim sasakyan ko." Itim ung kay Atticus, pula ung nasa likod namin.

Tinext ko ulit ung random number.

"You dont need to watch us."

Nakita ko na yung sasakyan ni Atticus kulay itim pero dere-deretso lang siya hanggang maano siya sa puno kaya agad akong lumabas.

"Atticus!"

Perfect StrangersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang