Chapter 42

54 6 0
                                    

Third Person's POV

"Anak, Lumabas ka na diyan." Umuwi ang ama nila Zheb at Ivy sa Pilipinas para asikasuhin ang burol ni Zheb. "Gusto ko ang kuya ko!" Hindi parin matanggap ni Ivy ang pagkamatay ng kuya niya. "Kuya ko! Tulungan mo ako dito." Sigaw ni Ivy habang nasa kwarto siya ni Zheb.

"Ivy, Wala na ang kapatid mo---" Lalong nasaktan si Ivy sa sinabi ng bagong asawa ng daddy niya kaya binuksan niya ang pinto at sinampal niya ang babae. "You're just a mistress." Nagulat ang mag-asawa sa ginawa ni Ivy pero inintindi nalang ito ng daddy niya dahil alam niya rin naman ang pakiramdam ng namatayan. "Anak, Titira na tayo sa US." Mas lalong nagulat si Ivy nang narinig ito. "Ayoko! Andito si kuya hindi ko siya iiwan."

"Anak, Patay na ang kuya mo!" Mas lalo pang umiyak si Ivy nang sabihin ulit yun ng daddy niya. "Hindi nga patay ang kuya ko!" Si Zheb lang ang naging kakampi ni Ivy.

"Ivy, Tanggapin mo nalang." Singit pa ng madrasta niya. "Shut up!" Galit na galit si Ivy sa madrasta niya dahil magkakabati pa sana ang mommy at daddy niya kaso sumingit ang madrasta niya kaya hindi ito natuloy. "Where's your manners!?" Sigaw ng daddy niya. "That girl don't deserve my manners!" Sinampal siya ng daddy niya dahil sa ugaling pinakita niya. "Is that the way how your brother raise you!?" At talagang dinamay niyo pa kuya ko? Sabi sa isip ni Ivy.

****

Ivy's POV

Siguro nga at kailangan ko ng tanggapin na wala na ang pinaka mamahal kong kuya? Bukas ang alis namin papuntang US kaya tinipon ko ang Physix para magpaalam. "So this is the end?" Tanong ni Theo, lahat kami dito malungkot namatayan kami ng isang leader wala ng magaling na magha-handle sa grupo namin. "Baka nga ito na yung ending." Sabi ko mamamaalam narin kami mamaya sa GH at last interview narin siguro.

"Miss ko na si King Zheb." Malungkot na saad ni Shawn, Si Shawn ang unang pinagkakatiwalaan ni kuya dito sa grupo kaya parang namatayan din ng kapatid si Shawn. "Aalis ka narin,Ivy?" Ang kulit talaga ni Atticus mamimiss ko kakulitan neto. "Dadalawin ka nalang namin sa US kapag may time kami." Ngiting sabi ni Jaspher sa akin kaya gumaan ang pakiramdam ko.

"Siguro kung nandito lang si Zheb at naririnig tayo ngayon malamang mumurahin na tayo nun isa-isa." Ngumiti nalang ako at ini-imagine na nandito nga si kuya, Tama si Theo mumurahin nga kami ni kuya kasi ayaw ni kuya na may nags surrender. "We broke our rule." Sabi ko kaya napatingin sila sa akin. "Never Surrender." Hindi ung pinakiusap sa amin ni kuya, utos niya sa amin yun at alam kong galit siya ngayon.

*Flashback*

"Kuya,Break na kami." Sabi ko kay kuya kaya napahinto siya sa ginagawa niya

"Why!?" Sigaw niya sa akin.

"I surrendered."

"That is our third rule! At yan ang lagi kong pinapaalala sayo! Tapos malalaman kong ang isang Andres sumuko?"

"I'm sorry kuya but... Hindi sa lahat ng laban kailangan mo siyang ipaglaban kahit ilang beses ka ng namatay kung hindi na talaga kaya mag surrender kana." Pagod na talaga ako kuya I'm sorry.

"But---"

"I'm sorry but my heart concedes defeat."

*End of Flashback*

"Tara na?" Pagyaya ko sa kanila para pumasok na sa GH para sa goodbye interview namin.

Dumeretso na kami sa GH at sa ngayon live kami sa lahat balita sa TV and other social medias. "So, Ivy Andres,how are you? Ok ka na ba?" Alam ng Physix at ng kuya ko kung paano ako sumagot sa mga interviews. Laging walang kwenta. "Pag namatayan ka ba, ok ka lang?" Napatikhim ung host at nag tanong na nh ibang question.

"Next question, Aalis na ba ang physix sa GH?" Nagkatinginan kami isa-isa at grabe ang hiyawan ng mga tao, ayaw nila kaming paalisin, Naglakas loob akong sumagot. "Yes." Ramdam ko ang pagkadismaya ng mga sumusoporta sa amin ngayon.

"Last message? Isa-isa kayo." Nauna si Theo magsalita. "Mga sir!" Pag-uumpisa nito. "Galing niyo lalo mag ML para magkasing lakas na kayo ng isang Theodore Villa!" Hiyawan ulit ang narinig ko. "Hoy!hoy!hoy! Mga Panget! Ito nga pala ang pinaka poging Atticus sa balat ng lupa.
, nagpapasalamat ako sainyo dahil hanggang dulo sinusuportahan niyo ang pagkapogi ko, Aylabyu! Mga panget!" Ginagamit nila ung mga intro nila sa live nila, pano un? Wala akong intro, gagamitin ko nalang ung kay kuya.

"Wazzup! Shawn is here! Thank you for supporting our group at sa pagsuporta sa akin kagit sub lang ako kapag may nawawala sa amin, Thank you very much!" Wag iiyak, Ivy dapat malakas tayo kasi yun ang sabi ng kuya. "Ito nga pala ang malakas niyong lodi! Japsher!" Pagpapakilala niya at naghiyawan na naman ang mga manonood. "Mga lodi! Maraming salamat at sana wag masyadong adik sa ML kasi baka maapektuhan din ung sarili niyo, Laro lang yan mga lodi, kaya din kayong iwan niyan." Ako na ba sunod? Ako na ata.

Gaya ng sabi ko kanina napaka walang kwenta akong sumagot, ano sasabihin ko dito? 'Wazzup mga gunggong salamat ha!' Ganon ba? "Miss Andres?" Ay shems! Tawag na ako. Gagayahin ko nalang ang kuya ko. Tumayo ako at pumunta sa gitna habang nakahawak sa mic ng mahihpit. "'Your handsome Boss is back!' that's the line of my kuya diba?" Natahimik ang lahat at nakatutok sa akin lahat ng camera.

"But I'm sorry ny kuya Zheb is not coming back anymore kasama na siya ng mommy ko sa heaven, I'm sorry to disappoint you all... Hindi namin kayang hawakan ang grupong to nang walang magaling na boss ang humahawak." Naiiyak na ako. "Masakit pala talagang mamaalam lalo na kapag naabot mo na yung pinapangarap mong pwesto, Sabi ng kuya ko 'Go! Practice pa! Balang araw tayo din ang hahangaan' at natupad nga maraming humanga sa amin dahil sa paglalaro at sabi din ng kuya ko, 'Never Surrender' I'm sorry but Physix is going to surrender." Mga luhang tumatakas sa mata ko, hindi ko na mapigilan.

"Maraming salamat sa suporta niyo, This is your princess, Ivy Andres." Andaming sumisigaw ng, "Wala bang epic comeback!?" Sigaw nilang lahat kaya nagtinginan ulit kami magkaka grupo, Nilakasan ko upit ang loob ko at nagsalita. "Kung meron man siguro maraming magbabago." Sabi ko at tumayo na sila Theo. "We are Physix! Thank you for supporting."






At doon gumuho ang mundo ko, Kuya, help me please

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now