Chapter 8

110 26 1
                                    

Ivy's POV

Masyado naman palang mahigpit ang mga utos noong sinaunang panahon katulad netong si Gunggong, 2019 na pero para akong nasa 1892, Nakasando lang ako at naka shorts pero pinag palit niya ako ng damit ang arte,deputa! Ang ikili daw ng shorts ko,Saan ka ba makakakita ng shorts hanggang talampakan? Kaya ang ending ito! Naka t-shirt ako at pajama. "Galunggong! Did you understand!?" Makasigaw naman! Katabi niya lang naman ako pero para akong nasa kabilang bulkan. "Oo! Naiintindihan ko! Wala ako sa kabilang bulkan!" Sigaw ko sa tainga niya akala niya di ako gaganti? Tangina niya! HAHAHA!

"So... Para sayo dapat bang patayin si heneral luna o hindi?" Dami naman satsat neto! Hindi ba pwede naiintindihan ko na? Ok na? Tapos! Tatanong pa kung papatayin si Heneral Luna papakialaman pa pati pagkamatay ng isang tao, Gunggong na to! "Dapat hindi nila pinapatay isa kaya si Heneral Luna sa magaling na Heneral, Sino ba pumatay sakanya? Resback naba?" Napa hilamos siya sa mukha niya dahil sa sinabi ko ano mali doon sa sinabi ko? Pumunta ako dito sa cr tapat lang ng kusina namin dito ko kasi tinabi ung sando at shorts ko susuotin ko ulit ang init kaya! Di rin namn ganun ka-ikli ung shorts ko di rin naman ganun kakita ung dibdib ko dahil sa sando. "Ok lang naman ah." Lumabas ako sa cr at napatingin sakin si Kevin pakialam ko? Mukhang isda ba talaga ako? Para titigan ng ganyan?

Tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko agad un sa table kung saan kami nag-aaral nakita ko naman yung name ni Jaspher kaya sinagot ko ito baka kasi importante eh pero kapag si Atticus bahala siya diyan baka nakakalimutan niya ung binabaan niya ako ng phone.
"Zup?" Pag-uumpisa ko sa usapan pero puro ingay lang ang naririnig ko sa kabilang linya. "isda?" Pakshet! Naka speaker pa naman sigurado akong rinig yun ni Kevin kaya nilingon ko siya nakita ko namang nagpipigil siya ng tawa. "Ano meron? Bakit ka tumawag?" Tanong ko sakanya
"Sunduin mo kuya mo dito! Lasing na lasing na oh!" Lasing si kuya? Hindi naman umiinom un eh "Papunta na kami sa GH dun mo nalang sunduin kuya mo ah,Bye Isda!" Lasing din ata si Jaspher eh bakit sila nag inuman? Papunta sa GH? Diba andun naman talaga sila!? Ang gulo naman ng mga to! "Ano sabi?" Tanong ni Kevin pero di ko siya pinansin agad ko kinuha yung shirt na suot ko kanina at dali-daling lumabas ng bahay pero bigla akong hinarangan ni Kevin sa gate "Hey! Ako nalang susundo sa Kuya mo gabi na baka mapano ka pa niyan, babae ka Ivy." Akala ko ba di niya alam? Gulo rin netong gunggong na to eh saka anong pake ko kung babae ako? "Kuya ko yun! Kailangan ko puntahan si kuya!" Sigaw ko sakanya pero pinipigilan niya parin akong lumabas hindi pwede mag-drive ngayon si kuya baka ano mangyari sa kanya kaming dalawa na ngalang magkasama iiwan niya pa ako. "Nasaan ba papa niyo?" Speaking of iiwan ayun! Iniwan rin kami kaya namatay si Mama eh dahil sakanya kung hindi niya kami iniwan hindi mamamatay si mama. "Hanapin mo! Saka pakisabi napaka walang kwenta niyang tao!" Napatingin sa baba si Kevin at ako naman pumasok nalang ako sa loob, Hihintayin ko nalang dito si Kuya sa kwarto niya.

"Sakit dito oh!" Nagising ako bigla nang may sumisigaw sa labas ng kwarto ni kuya kaya agad-agad akong bumaba at nakita ko si Kevin bitbit si kuya na nagwawala. "Kuya Zheb." Tawag ko sakanya at tinulungan si Kevin i-akyat si Kuya sa kwarto niya. "Kuya,Pahinga ka na." Hinaplos ko yung ulo niya gaya ng paghahaplos niya sa ulo kapag may sakit ako, Aalis na sana kami ni Kevin para makapag pahinga na si kuya Zheb kaso hinila ako ni kuya at parang may sasabihin kaya umupo ako sa tabi niya. "Sa oras na nahanap mo na ang mamahalin mo ingatan mo,alagaan mo,mahalin mo ng buo,huwag mo masyadong ibigay lahat ah,kapatid." Ganito talaga si kuya Zheb kapag nakakainom para siyang mamamaalam pagkasabi niya nun umalis na kami ni Kevin. "Uuwi kana? 11:12 PM na delikado na sa daan." Pagpapaalala ko sakanya inabot kami ng limang oras para sa history,filipino and computer. "Lalaki naman ako---" Pinutulan ko siya agad. "Dito ka na muna matulog,Kain muna tayo." Pagyayaya ko sakanya hindi naman siya tumanggi kaya dumeretso kami sa kusina.

"Ano gusto mo? Adobo? Sinigang? o Tinola?" Tano g ko sakanya baka mamaya maarte tong gunggong na to ah! Kung hindi lang talaga malalim ang gabi papauwiin ko siya kaso tinuruan ako ni kuya at ni mommy maging mabait eh. "Ok na sakin yung Galunggong." Nang-aasar bato? Seriously? Galunggong talaga gusto niya? Ma-asar ko ngarin to,HAHAHA.
"So,Gusto mo ko?" Tanong ko sakanya pero napalunok nalang si Gunggong,Taena! Halos mamatay na ata ako rito kakapigil ng tawa. "Kahit ano nalang ihain mo basta hindi ikaw!" Aba! Sisigawan pa ako ha, FYI bahay namin to no makasigaw wagas patulugin ko to sa dog house ni Chubby eh.
Nagluto ako ng Galunggong gaya ng sabi niya baka nagreklamo pa eh.

Pagkatapos kong magluto hinain ko agad yun sakanya pinrito ko lang naman yung gusto niyang Galunggong, Agad siyang kumain parang patay-gutom,sabagay di pa kami kumakain buhat kanina pero di ko maramdaman yung gutom ko mas nangingibabaw sakin kung bakit naglasing si kuya Zheb, Tinignan ko yung mga pagkain pero ubos na. "Naubos mo na nga?" Nabiglang tanong ko,Ghad! I was so shocked parang iniisip ko lang siya kuya tapos ubos niya na yung linuto ko. "Mukhang ayaw mo kaya inubos ko na." Gunggong nato! "Sige na,sa guestroom ka nalang muna." Sabi ko ng walang emosyon at sumunod naman sakin siyang umakyat sa guestroom pero pumunta siya sa mga pictures namin. "Sweet niyo talaga ng kuya mo no?" Nakasabit sa dingding yung picture namin ni kuya noong 8 years old ako at 9 years old siya, We're hugging each other and wearing the best smile. "Pwede na ba ako matulog?" Tanong niya sakin kaya nabuhayan ako inkot ko ung doorknob pero naka lock, Si kuya lang nakakaalam ng susi bawal ko naman siyang gisingin kasi nagpapahinga na siya. "Mukhang hindi ako matutulog diyan ah." Tinaasan ko siya ng kilay habang naka crossed arms siya.



"Wag kang mang rape ah!" Sigaw ko kay Kevin pagkatapos niyang lumabas sa cr ng kwarto ko and yes! Dito siya matutulog sa kwarto ko,Ang arte ni Gunggong ayaw niya sa sala kasi hindi daw siya sanay, Iisa lang naman tong kama sa kwarto ko saka siyang iba lang hihigaan dito sa kwarto ko,Sa kwarto naman ni Kuya Zheb wala din siyang hihigaan dun saka malaki naman kama ko kaya ok na ito.
Naglagay ako ng apat na malalaking unan sa gitna. "Hindi ako nagr-rape!" Sigaw niya sakin habang pinapatuyo yung basa niyang buhok. "Pero nagbabasa ako sa wattpad ng ganung story." Fck,what? May ganun sa Wattpad? Hahaha, Lalaki siya kaya normal lang naman yun kuya ko nga manyak eh. "Wag lang malikot ah." Sabi ko sakanya at natulog na napagod din ako sa araw na ito Friday na bukas kaya makakapag pahinga na ako. "Gunggong? Gising ka pa?" Nakatangin lang ako sa kisame at may yakap-yakap na unan habang hinihintay ang sagot ni Gunggong. "Oo,Tulog na." Tss, Parang tanga naman to. "Para kang tanga." He giggled, Hindi ko kasi ma-gets si kuya pinagbawalan siya ni ate Shane uminom tapos uuwi siya ng lasing. "Paano malalaman kung inlove ka?" tanong ko sakanya pero bumuntong hininga lang siya hindi ko naman ito itatanong kung alam ko diba? Nagka-crush ako pero hindi humantong sa in live lagi kasing pinapalala ni kuya na ang CRUSH AY CRUSH LANG.

"Kapag tumibok yung puso mo?" Seryoso? Niloloko ba ako neto? "Gago ka no? Kung hindi tumitibok puso mo patay kana." Maldita kong sabi sa kanya totoo naman kasi eh. "Kapag masaya kapag kasama siya tapos kapag wala siya di kumpleto araw mo---"

"Ang corny mo,Galunggong! Matulog ka na nga." Kapag magmamahal ako hindi sobra kasi sabi ni kuya kapag sibra binigay mo,sobra din yung sakit sa isusukli sayo. "Manggigising ka tapos papatulugin mo ako." Mukhang nairita siya sa ginawa ko,hahaha! Makatulog na nga rin

Kapag nagmahal ako... Hinding-hindi ko siya susukuan...

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now