Chapter 53

33 3 0
                                    

Ivy's POV

Nakarating naman kami sa hospital nang walang sugat at hindi naman kami ginalaw or sinaktan ng nakasunod sa amin pero alam naming nakabantay lang siya sa tabi-tabi. "Siya po." Turo sa akin ng nurse kasi pinatawag ko si Uncle Mike. "V-vell?" Laki niyang gulat, tumango lang ako at hinayaan ko lang siya na yakapin ako. "Ang laki mo na." Tinignan  niya ako ulo hanggang paa at yinakap ulit ako.

Nang kumalas siya sa yakap ay umupo kaming dalawa habang si Kevin nagpaalam na doon muna siya sa kwarto ni Atticcus bibisitahin niya muna daw. "Last kong kita sayo noong sinugod ka dito ng kuya mo kasi nahimatay ka, Sabi ko pa noon sabihin na sayo ang totoo hangga't maaga pa pero ayaw ng kuya mo na magalit ka sa kanya." Hindi naman ako magagalit kay kuya kung sasabihin niya sa akin o hindi pino-protektahan lang ako ni kuya pero karapatan ko rin na malaman ang totoong ako. "Kamusta na po kayo?" Pangangamusta ko sa kanya.

"Heto, Ayos lang naman, Ikaw? balita ko nandito daw dad mo?" Sabi ni Kevin ang sabi sa kanya ng kuya galit si Uncle Mike dahil sa ginawa ni Dad na pang-iiwan sa aming magkapatid at kay Mom, Isa daw si Uncle Mike sa tumulong sa amin ni Kuya pero hindi sinabi sa akin ni kuya yung tungkol sa kanya noong nabubuhay pa siya. "Opo, na-comatose po ang Dad." Tumango lang siya at bumuntong hininga.

"Boyfriend mo ba ang kasama mo kanina?" Ngumiti at tumango lang ako sa kanya. "Talaga? Ano pangalan niya?" Ang swerte rin siguro ni Mom na nagkaroon siya ng kuya na ganito, Ngayom ramdam ko siya, ramdam ko yung sakit na dinanas niya nang namatay si Mom. "Kevin---" Nanlaki ang mata niya at agad akong pinutulan. "Naging kayo ni Kevin? Kevin Anderson?" Tumango ulit ako at napa-palakpak siya sa saya. Ngayon alam ko na kung saan ko namana ang pagiging isip-bata minsan.

"Doc?" Tawag na siya ng isang nurse. "Mauna na ako, Vell." Tumango nalang ulit ako at nakipag fistbomb sa kanya, Papunta na ako sa kwarto ni Atticus nang may humarang sa akin na dalawang lalaki. "Sino kayo?" tanong ko sa kanila. Agad nila akong hinila at binuhat. "Kevin!" Hindi si Kevin ang nakakita sa akin pero alam kong tutulungan niya ako. "Theodore!" Kinagat ko ang kamay ng isang lalaki pero masyado silang malakas. "Bitawan niyo kaibigan ko!" Nagsuntukan lang silang dalawa habang ang isa naman ay hinila ako paalis. "Theodore!" muli kong sigaw. "Huwag ka mag-alala may tutulong sayo---" pagkasabi niyang yon ay agad siyang dinaganan at sinuntok ng lalaki.

Patuloy parin ang suntok ko sa likod ng lalaki habang buhat-buhat niya ako. "Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya at saktong binitiwan niya na ako. "Pasok." nagpupumilit akong hindi pumasok pero may kasama pa pala siya dito sa loob ng van. "Hi, Baby girl." lalaking nakatakip ang mukha ang bumungad sa akin, tatangaalin ko na sana ang nakatakip sa mukha niya pero agad niyang kinuha ang kamay ko. "Too slow." binitawan niya ang kamay ko at tinai na naman. "Sa pagkakataon na to hindi na kita papakawalan." bulong niya sa akin kaya medyo umatras ako."

"Ikaw ang pumutay sa kuya ko." Diin kong sabi sa kanya pero tumawa lang siya ng malakas. "Boss! Si Kevin!" Nawala ang tawa niya nang sabihin yun ng isa niyang tauhan. "Oh eh anong ginagawa niyo? Mga depunggal! Andar!" Pina-andar na ng mabilis ang van kaya sumilip ako sa likod--- "Oops! Bawal ka tumingin sa iba, sa akin lang." Kung pwede lang manapak ginawa ko na, diring-diri na ako.

Theodore's POV

"Salamat mga bossing!" Buti nalang talaga may magandang nurse na tumawag ng pulis kung hindi masisira tong mala Alden Richards kong mukha na may halong Mike Tan, Ken Chan at si Jack Roberto naman sa katawan. "Salamat, Miss beautiful." Ngumiti lang siya at nagblush. lakas ko talaga!

Pinuntahan ko na si Pareng Atticus, kamusta na kaya sila Kevin?

*Flashback*

"Alam mo pre, Tama na! Hindi pwede masira tong pogi kong mukha." Sinabang tama na pero sinuntok pa ako sa tiyan. "T-Theo!" Pumunta muna ako sa gilid habang hawak ang tiyan ko at si Kevin naman ang sumuntok doon sa kupal na yon. "Si Ivy." napatingin siya sa akin kaya nasuntok tuloy siya. hindi ba napapagod to? "A-asan!?"

"Kinuha siya ng lalaki." Tumakbo siya papalayo at iniwan kami dito ng isang ungas na walang kapaguran na makipag suntukan. 

*End of Flashback*

"Atticus! Kailan ka ba gigising?" Umuwi muna yung parents niya kaya ako lang muna nagbabantay. Kinuha ko yung salamain at tinitigan ang maganda kong mukha pero ansakit talaga ng katawan ko--- "T-the.." The F! Atticus... "Sir? Ito po ung--" Tinulak ko palabas ang isang nurse kaya nagulat ito sa ginawa ko. "Go! Call the Doctor!" Gising na si Atticus. Nilapitan ko siya at unti-unti niya ng namumulat ang mga mata niya. "K-ka-kap.." Ano ba to? Bakit di niya masabi? Ganun na ba ako kagwapo kaya nababakla narin kaibigan ko?

"Huwag ka muna magsalita pre, Alam ko naman na gwapo ako eh." Mangiyak-ngiyak kong sabi. "K-ka-kapher...Wang!" Natigilan ako sa pag dial ng cellphone number ng magulang ni Atticus nang isigaw niya ang pangalan na matagal na namin tinakwil. "Ano meron sa kanya?" Lumapit ako sa kanya at nagseryoso.

"K-kapher, K-kill." Kill? Ano meron sa kanya---

*Flashback*

"Alam mo naman nangako tayo sa isa't isa na di ka magkakagusto sa kapatid ko!" Mahal ni Kapher si Vell pero ayaw sa kanya ni Zheb, Ayaw ni Zheb mapunta ang kapatid niya sa isang lalaking marami ng nadale na babae. "Hindi ko siya lolokohin,Zheb!" Sigaw pabalik ni Kapher kay Zheb. "Ilang beses mo nayan sinabi sa mga babaeng naano mo?" Isang suntok ang natanggap ni Zheb.

"Mapapasakin din ang kapatid mo." Hinawakan siya ni Jaspher at Shawn sa magkabilang kamay. "Kalimutan na nating naging magkaibigan tayo, Kalimutan mo narin na kasama ka parin sa amin." Mga salitang, tuluyang nakasira sa grupo namin.

Dumaan ang mga araw nang magising na si Vell, Wala na sila Kapher at umalis na. "I-Ivy." Ivy? Vell ang pangalan niya ah. "Sino kayo?" Tanong ni Vell sa amin. "Ikaw si Ivy, Ivy Andres." At nang araw na yon, Doon nabuhay si Ivy Andres. Yun din ang araw na umalis si Kapher at di na nagpakita.

*End of Flashback*

"S-si Kapher ba gumawa sayo niyan? Siya ba pumatay kay Zheb? Kay Jaspher? at Sa Dad ni Ivy?" Tanong ko sa kanya na lumuluha-luha na. "Parang awa mo na sumagot ka!" Hindi ko na nakayanan ang pagiging emosyonal. "Oo, Theodore! Si Kapher yon!" Lumingon ako sa likod ko at nakita si Shane na kasama si Shawn. "Bago ko ikwento lahat, Nasaan si Ivy? Kailangan ko siyang ilayo kay Kapher." It's too late. Sabi na nga ba.

Darating at darating rin ang araw na babalik siya at makukuha niya ang gusto niya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now