Chapter 13

78 17 2
                                    

Ivy's POV

"Sama ka sa amin para mapanood mo akong lumaban." inaaya ko si Kevin na sumama saamin ni kuya para mapanood naman niya yung galing ko. "Magbabasa nalang ako." Pinulupot ko yung kamay ko sa braso niya para di siya makaalis. "Please." nagpa-cute na ako lahat-lahat pero ang seryoso niya parin. "K,Fine." he rolled his eyes and I hugged him. "Thank you!!!" NIYAKAPKO SIYA!? kumalas ako agad at pupunta na sana sa kwarto ko para makapag ayos na.

kinuha ko yung green na shirt na may nakasulat na 'Queen' sa gitna. "Kuya,Tapos ka na ba?" kinatok ko si kuya sa pintuan ng kwarto niya pero wala pang ilang minuto lumabas din agad ito. "Tara." tumango ako habang tinitignan yung picture ni mommy sa kwarto niya.

"Isda!" agad akong bumaba nang narinig ko na ang boses ni kuya. "Andiyan na po,Kuya!" kinuha ko yung backpack ko na green din pero may halong white. "Wala si Shawn anniversary daw ng parents niya kaya si Jaspher muna." Sana all may parents. Lumabas na kami pero huminto muna ako dito sa harap ng pinto at pinatunog yung bell habang sila kuya pinapanood lang ako, Bigla akong nakaramdam ng sakit sa ulo kaya napahawak ako sa ulo ko.

'Vell...'

"Ivy? Are you ok?" tanong sa akin ni kuya kaya napatango nalang ako, sumakay kami sa sasakyan niya kaming dalawa ni Kevin dito sa likod. "Ano ako? Driver niyo?" reklamo ni kuya kaya humakbang ako papunta sa gilid niya. "Haha! sorry po kuya." humingi ako ng pasenysa.

Binuksan ko yung bag ko at nagukat akong andito yung libro na bigay ni Kevin.

"Sino ka nga ba? Eh,Ako? SIno nga ba ako?"

Binuksan ko yung unang page. 'Chapter 1'

"May mga bagay ma hindi na natin dapat ipilit." pagpapayo ng lalaki sa kaibigan niyang babae. "Pero gusto ko siya." hinaplos ng lalaki ang babae sa ulo at para patahanin ito. Umuwi silang magkasama habang nagtatawanan pero alam ng binata na may lungkot parin na bumabalot sa dalaga kaya kung anu-ano ng biro ang ginawa nito. "Kakalimutan ko na siya!" sigaw ng dalaga kaya napatingin sakanya ang binata, Matagal ng may gusto ang binata sa dalaga kaso hindi niya maamin ang kanyang nararamdaman dahil baka masira ang pagkakaibigan nila.

"What? Bakit hindi mo pinakilala dito yung babae at lalaki?" Tanong ko kay Kevin,Gagawa siya ng kwento wala namang pangalan. "Malalaman mo rin sa huli." bubuklatin ko na sana yung huling page kaso pinigilan niya ako. "What!?" iritang sabi ko sakanya. "Wala sa libro yung pangalan nila nasa nakaraan." Fck,What? ano daw? Babalik pa ako sa nakaraan para malaman ko yun? It's just wasting my time.

Binasa ko ulit yung title nung story niya. 'Our Story'

"Oh, Pagkain." Bumili si kuya ng dalawang burgur para sa amin, nagpapa gas kasi kami.
"Liitan mo lang ang subo,Isda." Paalala sakin ni Kuya kaya nag peace sign ako sa kanya.

Napansin ko namang may namumuong luha sa nga mata ni Kevin pero naka tingin siya sa cellphone niya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sakanya pero agad niyang pinunasan ang mga mata niya. "Di ako umiiyak, nalulungkot lang." Sus! Palusot ka pang Gunggong ka. "Namatay si Eric kasi nag sacrifice siya para mabuhay si Ally." Inikutan ko siya ng mata pagkasabi  niya ng mga yon, Wattpad? Tss.

"Mga gabi na tayo makakauwi ah." Sinandal ko yung ulo ko at may balak munang matulog.

"Galunggong!!!" Nahagis ko yung bag ko nang may sumigaw sa tabi ng tainga ko. "Mamatay kana!" Kinuha ko yung bag kong nahulog at binato kay Kevin. "Tulo laway pa,tss." Napapunas ako ng laway at lumabas na sa kotse. "It's 5:24 PM na ah." Gulat na tanong ko sakanya, inikot ko ying tingin ko sa parking lot ng GH pero wala si kuya. "May inaasikaso lang sila sa loob kaya di ka muna nila pina gising." Tumango nalang ako at nagtali ng buhok, pinusod ko yung buhok ko, napansin kong may magt-tropang papalapit sa amin.

Perfect StrangersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz