Chapter 10

95 23 2
                                    

Ivy's POV

"Kaya pala naglalasing ka." Sabi ko kay kuya habang nagaayos siya manonood daw siya ng laban sa GH. "Wag mo na ipaalala." Paano ko hindi ipapaalala kung yun ung nanakit sakanya? Galing niya talaga magpaka tanga para lang sa babaeng yun. "Nga pala batiin mo si daddy ah." Tuluyan na siyang umalis dito sa kwarto niya at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang bumati,hindi naman niya birthday, tinawagan ko si Kevin para magtanong kung anong meron sa araw na ito.

:Yes, Galunggong?

"Ano bang meron ngayon?"

: It's Father's day, papunta na ako diyan.

"Bakit ka pupunta---" aba! Binabaan ako mala-Atticus lang ah... Father's day pala ngayon,hmm.. boring buti pupunta siya para may makausap manlang nakakatamad maglaro saka pumunta sa GH pero ang alam ko may laban kami mamayang hapon, May nagdoor bell sa baba kaya agad akong bumaba para pagbuksan siya ng gate. "Kumain kana?" Tanong sakin ni Gunggong pa-fall pala tong hinayupak na to di ako na-inform ah. "Hindi pa, magluluto lang ako tapos diyan ka nalang muna." Pinaupo ko siya sa sala at pumunta ng kusina para mag luto ng fried rice at eggs.
Naghiwa ako ng bawang at sibuyas habang sunny side up naman yung itlog, Nilagay ko na ang mga ito sa plato. "Gunggong!" Tawag ko sakanya pero hindi ko siya nakita sa sala inikot ko ang mga mata ko at napansin kong. Nakabukas yung kwarto ni mommy agad ko siyang pinuntahan sa kwarto ni mommy at nadatnan ko siyang nay tinitignan sa picture. "Uhmm,sorry akala ko kung kaninong kwarto eh." Tumango nalang ako habang pinagmamasdan ko yung kwarto ni Mommy dito kami madalas matulog ni kuya. "Ang ganda talaga ni tita Atasha kamukha mo---" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at agad ko siyang pinutulan. "Paano mo nalaman pangalan ng Mommy ko?" Tanong ko sakanya at parang kinakabahan siya."Ah--eh-- nabanggit sakin ni Zheb." Ahh, kaya pala ang daldal talaga ni kuya kahit kailan. "P-paano namatay mommy n-niyo?" Bakit siya nauutal at pinagpapawisan? Sabagay ang init nga hehe. "Sa--uhmm, hindi ko maalala." Actually hindi ko talaga alam ayaw sabihin ni kuya sakin kung bakit namatay si Mommy. "T-tara na kain na tayo." Tumango ako at lalabas na sana kami kaso biglang sumakit ang ulo ko. "Car accident, 2015." Mga salitang bigla kong nasabi bigla akong nahilo pero nasalo ako ni Kevin, May mga nagflashback sakin na pangyayari... Dalawang taong duguan. "Jul-- twent-- five--" paputol-putol ang pagkakarinig ko sa mga sinasabi ni kevin at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.



Nagising ako nang may humaplos sa ulo ko. "Oh,thank God." Sabi ni kuya at hinalikan ang palad ko nakita ko naman sila Atticus,Jaspher at Theo na nasa gilid naka upo andito parin pala si Kevin nagbabasa ng libro. "Agad kaming tinawagan ni Kevin nahilo ka daw kaya bigla kang bumagsak." Tumango ako kay kuya at nanumbalik ang nagflashback na scene kanina bago ako mawalan ng malay,hinawakan ko sa kamay si Kuya. "Kuya,bago ako mawalan ng malay biglang may pumasok sa isip ka na isang scene." Kumunot ang mga noo nilang lahat pati si Kevin. "Dalawang duguang babae." Pagtutuloy ko kaya lalo silang nabigla sa sinabi ko. "Ivy,Magpahinga ka nalang muna." Payo ni Jaspher at nginitian ako. "Mamayang 5 kasi ung laban natin." Sabi pa ni Atticus. "No,Ikaw muna palit Jaspher magpahinga ka nalang muna,Isda." Nagtawanan sila at nakita kong ngumisi si Gunggong habang nagbabasa ng libro, I checked my phone and it's 4:23 PM na so ganun ako katagal natulog? From 12:00 hanggang 4? Wow! "Tara na, Kevin ikaw na bahala--" Pinutulan ni Theodore si Kuya kaya napakunot ang noo ni kuya habang inaayos yung sapatos niya. "Kevin? Bakit si Kevin?" Tanong niya kay kuya kaya napatitil sa pagbabasa ng libro si Gunggong. "Alangan naman ikaw,Tara na nga! Dami lang satsat." Umalis na sila kuya at tinignan ng masama ni Theo si Kevin habang si Gunggong nakaupo sa kama ko. "Marami ka ng nabasang libro?" Tanong ko sakanya habang yakap-yakap yung unan kong mahaba. "Marami naman na." Sabi niya.

"Kwentuhan mo nga ako." Nag puppy eyes ako sakanya kaya napapayag ko siya, Yey! "Ano title?" Makulit kong tanong sakanya, sinarado niya na yubg librong binabasa niya. "Amnesia." Seryoso? May ganun na story? Ang wierd ah.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now