Hindi naman magkandaugaga ang mga katulong namin ng makita ako. Pababa ng hagdan si Mommy and I look at her.

"Bakit, ija?" she asks and I just ran and hug her.

"Mom...." iyak ko. Mas lalo atang dumoble ang pag-iyak ko sa ginawa kong pagyakap kay Mommy. Hindi siya nagtanong. Hindi niya ako pinatahan. She's just there holding me while I am crying my hearts out. Alam kong alam niya kung anong meron pero she stayed quiet and let me cry my hearts out.

"Sige lang, anak. I am here." she said while caressing my back.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog ba talaga ako. Namumugto ang mata kong pinilit ko lang idilat. Sa dami ng naiyak ko kagabi, hindi ko na kayang ibangon pa ang sarili ko. Hindi ako pumasok ngayon kasi feeling ko kapag nakita ko si Salem ay baka umiyak akong muli. I know na dapat pinag-explain ko muna siya. Dapat pinakinggan ko muna ang rason niya pero right there hindi ko na alam ang gagawin ko eh.

All I think about when Imee went to his condo was to get away from them. So they can talk. Masyadong nablangko ang utak ko nang marinig ko ang mga katagang sinabi ni Imee. I sighed and force myself out of the bed. Bumaba ako at nakita si Kuya na nasa sala namin. Niyakap niya ako at niyakap ko siya pabalik.

"Gago." he muttered at naramdaman ko ang sarili kong naiiyak muli.

"Kumain na muna kayo." aya ni Daddy na kabababa lang galing sa kwarto nila ni Mommy siguro o kaya sa study niya.

"Nasaan sila Rainne at Kiana?" I asks Kuya ng alalayan niya ako papuntang kusina.

"Pupunta din sila dito mamaya. You eat first." he told me and I nodded. No one dared to ask me about what happen. Alam kong iniiwasan nilang umiyak akong muli sa harapan nila.

"Papasok na po ako bukas." basag ko sa katahimikan.

"Are you sure, anak? Magpahinga ka na lang kaya muna." suggest ni Mommy and I just smiled at her.

"Okay na po ako. Mahirap po mag-skip sa mga panahon ngayon eh." sabi ko at tumango naman siya.

"Dito muna kami nila Kiana, My. Ihahatid kita at susunduin." sabi ni Kuya at tumango lang ako. Hindi na ako nagsalita pa. Mas mabuti na rin na ihatid sundo ako ni Kuya.

Habang kumakain kami ay may nagmamadaling katulong namin ang pumunta sa amin.

"Maam, Sir, nandon po si Sir Salem at hinahanap si Maam Savannah." paalam niya at kinabahan ako. Bakit ba siya nandito? Tumayo si Dad at si Kuya.

"Stay here." sabi ni Kuya sa akin at nilapitan naman ako ni Mommy. Hindi ako nakinig at agad na sumunod kay Kuya.

"Kahit saglit lang, Kuya Pao. Ipapaliwanag ko lang yung sarili ko." rinig kong pagmamakaawa niya.

"Tangina mo pala eh!" bulyaw ni Kuya at nakita ko siyang sinapak si Salem. Nakadalawang sapak si Kuya at halatang masakit iyon kasi agad na nagdugo ang labi ni Salem. Kahit naman lalambot lambot si Kuya ay lalaki parin ito at kaya niyang patumabahin si Salem kung kakayanin niya. Ngunit sa tindig ni Salem, alam kong talo si Kuya kung hahamunin niya ito ng sapakan. Tumakbo ako para pigilan si Kuya.

"Kuya!" sigaw ko para pigilan siya. Nakita ko ang saya sa mata ni Salem ng makita niya ako. Lalapit na sana siya ng sapakin siyang muli ni Kuya.

"Tangina mong kupal ka! Bakit ka nandito ha?! Gago ka! Pinaiyak mo tong kapatid ko dahil sa hindi mo mapakawalang ex mo! Wala kang karapatan pumunta ditong gago ka!" galit na saad ni Kuya.

"Let me talk to her. It's not what you think po. Tito, Tita, hear me out. Kung ano man po yung narinig niyo hindi po iyon yung totoo. Sav, mahal kita. Please kahit limang minuto lang." pagmamakaawa niya. He looks like he is stress with his whole life. Mukha siyang puyat na puyat. Magulo ang buhok at mugtong mugto din ang mata. Nagtama ang mga mata namin at umiwas ako. Nakakatawa kasi alam kong kapag tumagal ang titig niya sa akin ay iikot na muli ang mundo ko sa kanya.

"Anong karapatan mong kausapin ang kapatid kong gago ka?!" sigaw ulit ni Kuya.

"I want to talk to her. Kahit saglit lang. Sav..." he begged kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan namin.

"Umalis ka na, Salem." nanghihinang sabi ko. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. I badly want to talk to him pero masyado pang fresh ang nangyari sa akin. "Umalis ka na, Salem." ulit ko.

Akma siyang lumapit sa akin pero iniharang ni Kuya at ni Daddy ang sarili nila. Tumulo na ang luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Son, you need to go. I'm sorry pero kilala ko ang anak ko. She will talk to you if she wants to. Not right now. Fix yourself." Dad told him.

"Just go, Salem. Please." I said and a tear fell down from my eyes. He sadly smiled and nodded.

"Thank you po and I'm sorry." he said before driving his car away. Lumapit si Mommy sa akin at ang akala kong luha na wala na ay nagsisiunahan na naman sa nangyari.

•••
Wala dapat update today because Sunday pero dahil 1k reads na ang story na ito. Here's an update! Thank you so much for voting and reading me story. I appreciate it. :-))

Destined (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon