Kabanata 44

Depuis le début
                                    

Balik ulit sa dalawa ang atensyon ko. Ano na naman kayang naiisip nitong si Lucky.

"They can be put in a film, tapos ang title ganito... The ex, the girlfriend, and the fiancé. Oh, 'di ba?"

Nagtawanan silang dalawa at nag-apir pa. I just make face at them.

"Right!" pagsang-ayon ni Als.

"Bakit kasali ako?"

"Malamang! Para kompleto ang casting."

Tuwang-tuwa talaga silang dalawa. Pinaghahampas ko tuloy. Nang magsawa na sila ay nag-picture naman kami para sa IG ni Lucky. Ang tagal pang makapili dahil ang daming arte ni Lucky. Pero iyong pinaka epic naming pose iyong parang pang-kabit.

We asked one of the staffs to take our photos, pati ito ay natatawa rin. Natagalan kaming makakuha ng magandang shots dahil puro kami tawa. Ang hirap kasing magseryoso. Nakayakap ako sa abs ni Als habang nakabaling ang mukha ko kay Lucky. Hawak niya ang baba ko. Nakaharap naman sa akin si Als. His face is near the hollow of my neck and shoulder.

"Ang halay mga, bakla!"

"Mas malandi pa iyong pose mo kesa sa akin," sabi ko dahil may pakagat pa ng labi si Lucky samantalang ang mukha ko parang natatawa na nandidiri.

"Nakakawala ng dangal! Buti hindi tayo tinamaan ng kidlat."

We laugh out boisterously parang mga highschool lang. Ang ingay-ingay namin nakalimutan naming hindi lang pala kami ang tao rito. Natahimik lang nang may tinuro si Als. I had a glimpse of Juancho on the far side. Even from where we are, I saw his sharpen darken. He looks mad pero agad ko namang binalewala.

"Ba, bakit pakiramdam ko aabangan ako ni Juancho sa sulok tapos bubugbugin?" bulong sa akin ni Als.

Nanlalaki naman ang mga mata ko pero agad natawa nang may maisip. "Eh 'di, sunggaban mo!"

Muli na naman kaming nagtawanan. There are really no dull moments when we are together. Mukha na nga kaming mga baliw sa kakatawa. I am clutching my abdomen at nangangalay na ang cheekbones ko. It's good to laugh out loud sometimes.

"Ba, shit! Ang yummy ni Lourd," sabi ni Lucky.

Napabaling ako at nakitang nag-stretching si Lourd. He's sporting for a dive. Naka-swimming trunks lang ito. Lantad na lantad ang magandang katawan. Pakiramdam ko naghugis puso na ang mga mata ng dalawa.

"Damn, daks!" maimpit na tili ni Lucky.

Naiiling naman ako. "Hoy! Makatitig 'tong mga 'to."

Hindi naman siya nagtagal. He just swim for several laps pagkatapos ay umahon na.

Ilang saglit pa ay nagkayayaan ngang maligo na. Pumayag naman ako dahil wala na iyong dalawang babae, nasa sun lounger na ang mga ito at nag-aagawang kunin ang atensyon ni Juancho. Hindi ko na tuloy mabilang nakailang irap na ba ako.

Hindi ko na lang pinansin. Nakakasama talaga ng araw! Tinanggal ko ang crochet cover up ko. Agad na nagtaasan ang kilay ng dalawa. Hinagod nila ako ng mapanghusgang tingin.

"Bakit?"

"Ano 'yan, bakla?" Si Lucky.

"Two-piece!" pabalang kong sagot. "Masama bang mag-two piece ako?"

"Hindi, kung wala kang agenda."

Alam ko naman kung bakit over silang mag-react. I am wearing a red triangle string bikini, which I don't usually do. Madalas mono kini ang suot ko may nakapatong pang shorts.

Fuck, Santina! I want to deny na hindi ko ito ginagawa dahil doon sa dalawang babae. Of course, they are wearing this daring swimsuit. Si Kylie ay naka leopard print bikini. I rolled my eyes, push up naman ang bra. Emanuelle's wearing a white bandeau and black bottom. Pero ano naman ngayon kung magsuot ako ng ganito? I reason out to myslef. Oh, now I am arguing with myself.

Guard the HeartOù les histoires vivent. Découvrez maintenant