Kabanata 38

8.1K 181 24
                                    

KABANATA 38

Pinapangako



Anong oras na pero ito ako sa kusina. How many times did I open the refrigerator already? Nakailang hila na sa crisper pero wala talaga roon ang hinahanap ko. I am sure I put it here.

Kahit alam kong wala naman sa cupboards, binuksan ko pa rin at masusing tiningnan. Magulo na ang mga gamit sa kusina but I can't still find it.

"What are you looking for?" tanong ni Juancho na nasa tabi ko na pala.

His eyes move from the things I brought out from the fridge then to me. Nakakunot ang kanyang noo habang nakahalukipkip, mataman akong tinitigan na para bang may mali sa akin.

"Kinain mo ba ang guyabano ko rito?"

"What? No."

"Kung ganoon, bakit wala rito?"

He looked at me with disbelief and amusement in his eyes. Then, his lips twitched as he maintained a straight face, samantalang hindi na ako natutuwa. Iritado na at hindi pa nahahanap ang hinahanap.

"Tinapon ko na."

I gape. Agad na nag-init lalo ang ulo ko. "Bakit mo tinapon?!"

"Hindi mo naman kinakain, nangangamoy na sa ref."

Pumikit ako nang mariin. I hissed, napahawak pa sa sentido ko.

"Kahit na! Hindi mo dapat tinapon."

Tumayo ako para tingnan sa basurahan.

"Wala na riyan."

I glared at him.

"Geez. Why are you raising hell for just a rotten fruit, Santina?"

"Kasi nga pinakialaman mo!"

Napamaang siya. Bahagyang umawang ang labi niya pero sinara rin naman. He shook his head. Mukha pa siyang natatawa but I am already fuming. He is taking it lightly, gayong nagpakahirap akong makahanap no'n and he will just throw it away.

"What's wrong with you?"

Hindi ko na siya pinansin. I stomped my feet and turned my back. Tuloy-tuloy akong lumabas ng kitchen. Padabog akong pumasok ng kwarto. I grabbed my bag at paglabas ko nakasalubong ko si Juancho. Nagulat siya nang makita ang dala kong bag.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi."

His brows furrowed. "It's already late. Alas-onse na saka mo pa naisipang umuwi?"

"Ano ba'ng pakialam mo?" iritado kong sabi.

Binangga ko ang balikat niya para makadaan ako. Sumunod naman siya sa akin pero hinila ako para pahintuin nang nasa sala na. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagtama ko sa dibdib niya sa biglaang paghila.

"Are you picking a fight?"

"Hindi... pero kung hindi mo ako bibitawan mag-aaway talaga tayo."

Tinitigan ko siya nang mariin. Hindi ako sigurado kung galit na naman siya o natutuwa siya sa nangyayari. Either way, it's none of my concern right now.

"Are you getting back on me?" akusa niya.

Damn. He is guilty of not going home for days samantalang tapos na ang gig nila. He always does that. Who knows what he has been doing. Maybe screwing a different girl in different places?

"Ano ba'ng pinagsasabi mo?" asik ko.

"What are you trying to play here, Santina? C'mon, tell me."

"Hindi ko alam ano'ng pinagsasabi mo." Binawi ko ang kamay kong hawak niya.

Guard the HeartWhere stories live. Discover now