Kabanata 31

7K 160 8
                                    

KABANATA 31

Sign



Hapon at nagsi-siesta ang mga tao. This is one of the things I miss in the province. Malakas ang ihip ng hangin, sinasayaw ang manipis na kurtina ng malalaking bintana sa kwarto ni Juancho. Nakasandal siya sa headboard habang nasa dulo naman ako. Hawak niya ang isang sketchpad at lapis. Gagawa raw siya ng sketch ko. Ayaw ko kasing maniwala na marunong nga siya.

"Baka naman abstract 'yan."

Nakadapa ako sa kama at nasa unan ang pisngi ko habang nakaharap sa kanya.

He chuckled and shook his head.

Baka grabe na ang pose ko rito, pinagti-tripan niya lang pala ako.

"Tagal naman," reklamo ko, inaasar siya.

"It's almost done."

"Patingin nga."

"Later."

Umismid ako. "Duda talaga ako riyan, eh."

He is laughing boisterously. Nakakabulabog sa mga natutulog ang tawa niya.

"You, doubtful woman."

Sumimangot na lang ako at hinayaan na siya. Mukhang seryoso naman siya sa bawat kumpas ng kamay niya. Charcoal pencil pa ang gamit. Yabang!

"Ano, tulog muna ako?" hirit ko.

"Tapos na."

Mabilis akong napaupo.

"Akin na. Patingin."

Gumapang ako palapit sa kanya. Itinaas naman niya para hindi ko makuha. Inabot ko ulit, iniwas na naman niya.

"Hindi ka talaga marunong, 'no?" I asked skeptically, crossing my arms on my chest.

"Marunong nga ako."

"E 'di akin na, nang magkaalaman na."

"Teka lang, pipirmahan ko muna."

I rolled my eyes at hinintay siyang matapos sa pagpirma niya kuno. Ang daming alam, eh.

Inabot niya sa akin pero nang hahawakan ko na binawi niya naman. Iritado ko siyang hinampas sa hita. Tumatawa naman niyang inabot sa akin ang sketchpad. Mabilis ko itong hinablot baka hindi na naman niya ibigay.

He grinned.

Umawang ang labi ko.

Damn! He really knows how to draw. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa sketch ko. Ang galing ng pagkaka-shade, hindi madungis! Kuhang-kuha pa ang buong mukha ko.

He has this smug look on his face.

"Now, do you believe me?"

Hindi ko na pinansin ang ngisi niya. I turned my attention back to the sketchpad, sinubukan kong umatras sa previous page para tingnan kung may sketches pa roon. I had a glimpse of it pero naagaw na niya na sa akin ang sketchpad.

"Hindi pa ako tapos!"

"You've seen it already."

"Titingnan ko pa iyong iba. Meron, eh!"

Umiling siya at itinaas ang sketchpad para hindi ko makuha. I am intrigue with what I saw. Ako 'yon, eh! My eyes are closed, brows a bit furrowed and my hair is all over the place. Hindi ko na nakita ng buo dahil inagaw na niya.

"Patingin pa noong iba."

Tumatawa naman niyang iniiwas sa akin sketchpad. Bakit niya ipinagdadamot? I was aggressive to see it kaya hinabol ko ang kamay niya. I climb to him, sitting on his lap. I reached out for his hand, but he met me with his face instead. My laugh slowly fades as I saw his dark eyes. The way he gazed at me sent a shiver down my spine.

Guard the HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum