Kabanata 32

6.6K 144 20
                                    

KABANATA 32

Over



Balisa akong umalis ng hotel. Agad akong nag-drive papunta sa condo ni Juancho. Kung anu-ano na ang naiisip ko. It's not helping that nobody answers my call. I just parked my car and hurried to the elevator. Lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang agad sa unit niya.

Pagdating ko ay katahimikan ang sumalubong sa akin. He is not here. Gusto ko nang maiyak, but I held my tears. Bumaba ako at bumalik sa sasakyan. I drove to my condo. Baka nandoon na siya.

But he wasn't there either. Hinihingal pa ako, muli na naman akong tumakbo sa parking lot. Sunod kong pinuntahan ang studio. I know it's crazy to find them at this hour, but I am desperate.

"Ma'am, hindi naman po sila nagpunta rito ngayong araw," sabi ng guard.

"S-sige po. Salamat."

Muli ko siyang tinawagan. Wala pa rin. I sent another text. Pang-ilan na ba ito? Probably the 43rd?


Ako:

Juancho, nasaan ka? I am worried. Please call or text me ASAP.


Juancho, natatakot na ako. Nasaan ka na ba?


Please call me.


Okay ka lang ba? May nangyari ba?



Nanghihina akong napaupo sa pavement. Sapo ko ang aking noo at hinihingal pa. Hindi rin ako nagtagal at tumayo na. I drove to their house. Hindi na ako nag-isip pa kung pwede ba akong pumunta roon gayong ilang beses pa lang akong nakakatapak sa bahay nila. And I never meet his parents.

Hinarang ng guard ng village ang sasakyan ko. I roll down my window.

"Ma'am, saan po kayo?" tanong niya.

"Sa mga Casrojas po."

"Ano po'ng pangalan niyo?"

"Santina Krisanta Fajardo." Nagmamadali kong ipinakita ang identification card ko.

Sinulyapan naman niya ito.

"Ano po'ng sadya niyo? May permiso po ba kayo?"

"Titingnan ko lang po kung nando'n si Juancho Casrojas, girlfriend niya po ako."

Umiling ang guard. "Hindi po kayo pwedeng pumasok, ma'am, lalo pa at dis oras na ng gabi. Pasensya na po."

"Manong, kilala po ako ng mayor doma nila. Sige na po, manong, importante lang."

"Pasensya na po talaga, ma'am. Hindi po talaga pwede. Ako po ang mapapagalitan."

Nagmakaawa na ako pero hindi talaga ako pinapasok. Kahit na desperada na ako, hindi ko naman masisisi ang guard. Kasalanan ko kapag natanggal siya. Bagsak ang balikat kong bumalik sa daan.

I went back to the hotel. Nagbabaka sakaling na late lang talaga siya. I know it doesn't make sense, but I have to at least do something, kung hindi mababaliw ako.

"I am sorry, ma'am, but we haven't heard from Mr. Casrojas," ani ng manager.

"His last call was the confirmation of his reservation," sabi naman ng assigned sa reservations.

"Uhm... Thank you."

Hopeless and exhausted, bumalik ako sa condo ko. Patay na ang cellphone ko kaya dali-dali ko itong chinarge. Umupo ako sa sala at palipat-lipat ng pwesto. Nang tingnan ko ang orasan ay mag-a-alas-dos na pala ng madaling araw.

Guard the HeartWhere stories live. Discover now