SYNOPSIS

278 7 2
                                    

SYNOPSIS

Isang anghel ang itinapon sa lupa upang gawin ang kaniyang misyon. Misyon na kung saan ay, kinakailangan niyang pangalagaan ang isang taong pinagkatiwala sa kanya.

Isang anghel ang inatasan sa misyong ito upang mabayaran niya ang kaniyang kasalanan at upang makabalik sa kanilang lugar. Sa pagiging pasaway at pagiging pilya ito ay ang kabayaran niya.

Ngunit, isang paalala ang hindi maaring kalimutan ng Anghel, ito ay ang 'bawal mahulog ang loob sa kahit na sino man' dahil sa oras na mangyayari ito, posibleng hindi na sya makakabalik sa mundong pinagmulan niya.

----

Isang taong tagalupa na hindi alam kung saan siya nagmula, kung sino ang kanyang totoong magulang at kung sino siya.

Ang tanging naaalala niya lamang ay ang tanging laman ng kanyang panaginip. Isang babae, isang magandang babae na iniibig ng isang lalaki, ngunit hindi niya nakikita ng maigi ang itsura ng babae pati na rin ang lalaki.

May isang dragon na malaki kung saan ang dalawa tao ay masayang magkasama. Isang panaginip na hindi niya matukoy kung totoo ba ito o hindi.

Kasabay nito ay ang pagmulat ng kanyang mata at dalawang matanda ang sumalubong sa kanyang paggising at inalaga siya.

A/N:
Waahhhh!!! Eto na, eto na! Eto na ang sagot sa mga tanong ninyo royalties! Comment below.

My Fallen Guardian AngelWhere stories live. Discover now