"Nagsawa ka na naman ba sa milk mo, Maxine?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi na masarap, momma." Sagot niya. Napapikit ako at inalala ang sinabi niyang masarap daw ang bagong brand niya ng gatas ngayong buwan.

"Baby, dalawang linggo pa lang ang gatas mo...nagsawa ka na agad?" Madaling magsawa si Maxine sa lasa ng gatas niya kaya buwan buwan ay nagpapalit kami ng brand. Kaya lang, iba ngayon dahil dalawang linggo pa lang nagsawa na siya kaagad.

"Sorry momma." Ngumuso siya. "I don't like that brand." Sabi niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at wala na ring nagawa. "Ako nalang ang iinom. Try kaya natin ang gatas ng Aso baka magtagal." May halong birong sambit ni Georgia pagkatapos kunin ang baso ng gatas ni Maxine.

Napangiwi naman ang anak ko. "Eww ninang!" Reklamo niya.

Napailing na lamang ako. Inayos ko ang buhok niyang humaharang sa mukha niya. "Finish your food, Maxine." Sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya at ginawa ang gusto ko. Na-try na ata namin lahat ng brand ng gatas sa grocery. Pakiramdam ko nga magiging pihikan 'tong anak ko paglaki.

"8 am ang call time n'yo bukas. Magsisimula daw ang show at exactly 6 pm." Pagsisimula ni Georgia sa pagsasabi ng schedule ko bukas. Nakatingin lang siya sa Ipad niya habang ako naman ay abala sa curl ups.

Hinahanda ko na ang katawan ko para bukas. Pagkatapos kumain ng almusal ay wala na akong balak pang mag-lunch at kumain ng dinner. Madugo ang nakasanayan kong paghahanda tuwing may show ako.

Pagkatapos kong mag-exercise dito. Magja-jog naman ako sa buong subdivision tapos ay magpapahinga na. Balak ko ring mag-online yoga mamayang gabi kapag tulog na si Maxine.

"Sa umaga rehearsal and preparations lang muna kayo. Tapos sa hapon shoots lang saglit and then, may one hour rest before the show." Sabi niya.

Nag-push up naman ako. "What about the celebration party?" Tanong ko.

"Hmm," Nag-scroll down muna siya bago sumagot. "Sa 'the night' ang venue ng party. Pupunta ka ba?" Aniya.

Tumango ako at inisip si Jared. "Nagtatampo si Jared. Babawi lang ako." Sabi ko sa kaniya.

Huminga naman siya ng malalim. "Okay, Corraine. Mauna na lamang kaming uuwi bukas." Sabi niya.

Manunuod kasi sila bukas ni Maxine. Ganoon naman parati kapag may mga shows ako. Palagi kong kasama si Georgia dahil siya ang nagsisilbing manager ko. Si maxine naman ay gustong gustong nanunuod sa akin kaya sinasama na rin namin.

"Isasama pala natin si Daniel bukas." Biglang bulalas niya.

Napatigil naman ako sa ginagawa. "Pati ba naman sa show ko, Georgia?" Inis kong tanong sa kaniya.

"Bakit?" Kumunot ang noo niya. "Ini-expect mo ba na iiwan ko siya? May sakit 'yong tao, Corraine. Hindi 'yon pwedeng mag-isa!"

Napa-irap ako. Dapat kasi binalik nalang siya sa mga magulang niya, eh.

"Kapag may nag-tanong kung sino siya, Anong isasagot mo?" Tanong ko.

Tiningnan niya ako. "Edi...pinsan ko!"

Napailing na lamang ako. "Siguraduhin mo lang na walang lalabas na kung ano ano. Isa pa'y may mga reporter baka makilala 'yan." Sabi ko. Pinag-patuloy ko na lamang ang page-exercise.

"Ako na ang bahala," Tumango siya. Hindi na lamang ako kumibo dahil wala rin naman akong iba pang sasabihin.

Hindi ko na rin naman mababago ang  desisyon niya.

 Lost in MemoriesΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα