"Miss okay ka lang?" sambit nito

"Hi-hindi! Tangina kasi eh! Bakit ko pa minahal yung lalaking yun" sabay na tinuro ang lalaking nakajacket na black na may kaakbay na babae

"Ano mo ba siya?"

"Bo--boyfriend ko"

"Ano?!! Aba gago yun ah!"

Tumakbo si Aki at bigla nalang sinipa ang lalaking naka black na jacket

"Aray!!" iling nito at tumingin sa likod "How dare you do that to me!"

"Tama lang yan sayo! Bwisit ka! Iiwan mo yung babae na umiiyak tapos may kaakbay kana na bago? Kung lalaki ka magmahal ka lang ng isa! Hindi yung marami tangina ilan ba yang puso mo? Sampu? Bente? Magsorry ka dun sa babae" litanya ni Aki pero tinawanan lang siya nito

"Do you know me? Kung ako ikaw di na ako mangingialam sa problema ng iba"

"Aba! Gago ka talaga!"

*pak

Sinampal niya ito at namula ang pisngi, ayaw na ayaw ni Aki na nakakakita ng kapwa niya babae na nasasaktan lalo na pag dahil sa lalaki

"Yari ka sakin! Pag nagkita tayo hindi kita pauuwiin sa bahay nyo ng buhay!" sambit ng lalaki at naglakad na palayo

Maraming tao na rin ang nakatingin sa kanila kaya naman binalikan na ni Aki ang babaeng umiiyak at inalalayan makasakay ng bus

--

6:30 pm na pero kung saan saan pa din ako nagliligalig. Ayokong umuwi ng bahay namin, gusto ko lang mapag-isa.

"Nandito ka lang pala" nagulat ako ng may marinig akong pamilyar na boses na galing sa likod

"Re--rendell!" sambit ko at napayakap ako ng mahigpit sa kaniya

Si Rendell ang kababata kong kaibigan bukod kay Betty. Nagtatrabaho noon si Papa sa pamilya niya, at dito sa park kami lagi naglalaro

"Kailan ka pa dumating?"

"Kanina lang, pumunta ako sa inyo kaso wala ka daw kaya nag baka sakali ako na nandito ka at hindi nga ako nagkamali"

"Sus, kilala mo talaga ako. Ilang taon na rin bang lumipas? Halos 10 years na rin mula nung huling upo natin dito sa duyan"

"Yeah, wala pa din tong pagbabago. Ikaw din"

"Di ko naman kailangan magbago eh"

"Siya nga pala hindi na ako magtatagal, dumaan lang talaga ako para makita ka ulit. If may kailangan ka tawagan mo lang ako"

Inabot ni Rendell yung calling card niya

Miller Corporation
Director: Rendell Drix Q. Miller
Phone number: 09553629104

Bigatin na talaga tong kaibigan ko. At ang laki ng pinagbago ng buhay nila.

**

I've been alone since my mom was died, I never experience to be happy again. Simula nung dumating ang bagong pamilya ni Papa feeling ko nabura na nila lahat ng masasayang ala-ala ni Mama kay Papa.

"Stephen! Please Don't Leave me!"
"Stephen!"

Lumingon ako sa may kalsada at nakikita kong may dalawang tao na nag-aaway "Hayss bat ang daming babaeng umiiyak ngayon?" sambit ko sa sarili ko

Lumapit ako para awatin sila dahil halata namang umiiyak na yung babae

"Hindi naman sa manghihimasok ako pero parang ganun na nga. Nakikita nyo ba kung anung oras na? 10pm na! Marami ng tulog at nakakabulabog na kayo" sambit ko

"Eh ano naman? Kung mangingialam ka din lang naman pwede bang iuwi mo na tong babaeng to?"

Agad kong nabosesan ang lalaking nagsalita

"Teka? Ikaw? Yung lalaking babaero?"

"Wait, don't tell me ikaw yung babaeng sumipa at nanampal sakin diba?"

"Oo ako nga! Grabi ka! Dalawang babae pinaiyak mo ngayong araw! Saan ka humuhugot ng lakas ng loob? Ang kapal din naman ng mukha mo!"

"Wag kang feeling nanay ko, okay? I'm not gonna waste my time to you"

Agad itong pumasok sa kotse niya at pinaharurot ito. Siya na ata ang pinaka walang kwentang lalaking nakita ko. Dalawamg babae sa isang araw? Ang lakas talaga nito! Ang malas malas ng araw ko dahil sa lalaking yun, nakakawalang gana makakita ng lalaking walang pagpapahalaga sa babae.

--

Facebook Page: Drklife

Boss Series 1: Playboy BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ