"At sa Cebu mo gusto?" Tanong niya.

Tumango ako. "Oo. Sinabi mo sa akin na may mga koneksiyon ka do'n. Naisip ko na baka mas magandang mag-simula ng bagong buhay do'n. Malayo rito."

Tumango siya. "Sige. Kung 'yan ang gusto mo." Sang-ayon niya.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. "Thank you sa lahat, Georgia. Pangako, babawi ako sa'yo." Sabi ko sabay yakap sa kaniya. Niyakap niya lamang ako pabalik at hindi na nag-salita ng kung ano pa.

Sa amin ang lupa at bahay na 'to. Napag-desisyonan namin ni Georgia na gawing bahay bakasyunan na lamang ito para kung sakali mang babalik kami rito para bisitahin ang puntod ni Maximo ay may matitirhan kami. Iniwan lang namin ang mga appliances at ibang gamit namin. Tanging mga damit lang ang dala namin sa pag-alis. Binilin ko naman ang paglilinis ng bahay sa kapitbahay namin na kamag-anak din ni tatay, babayaran ko na lamang ito kapag bumalik-balik kami.

Hindi naging madali ang naging unang taon namin sa Cebu. Nangupahan muna kami at naghanap ng magandang trabaho. May pera pa kami sa bangko, tira iyon sa pinagbayad namin sa mga utang. Wala akong balak galawin 'yon dahil balak kong bumili ng bahay kapag naging stable na ang lagay namin.

Nakahanap ng trabaho si Georgia online. Ako naman sinusubukang mag-apply sa iba't ibang kumpaniya. Walang tumatanggap sa akin dahil hindi ako nakapag-tapos ng kolehiyo. Hanggang second year college lamang ako dahil sa hirap ng buhay. Mabuti na lamang at pinakilala ako ni Georgia sa kaibigan niyang event organizer na si Lucio. Binibigyan niya ako ng mga raket, tulad modeling at runway. Malaking tulong 'yon sa amin kaya pinagbubutihan ko talaga ang trabaho.

Unti unti kaming nakakapag-ipon ni Georgia. Malaki ang kita niya sa trabaho niya online, ako naman ay mas malaki ang kita kapag mas madaming raket. Lumalaki na rin si Maxine.

Sa pagsama ko sa mga Gig ni Lucio. Marami akong nakilala. Isa na doon si Jared. Noong una ay ayaw ko rito dahil mukhang masungit at matapobre. Masyado ding mayabang kung kumilos, pero noong naka-partner ko siya sa isang shoot ay nakagaanan ko ito ng loob. Gago pala siya, 'yon ang narealize ko nang makasama ko na ito at makausap. Kapag siya lang mag-isa, parang galit sa mundo kaya ilang ang mga ka-trabaho namin sa kaniya pero kapag nilapitan ko na jusko! Puro kalokohan ang lumalabas sa bibig.

Dahil din sa kaniya nakilala ko si Sir Anton. Pinakita niya kay Sir ang mga furniture design ko sa sketch book na parati kong dala. Mahilig kasi akong mag-disenyo ng mga ganoon, dahil 'yon ang kinalakihan  kong trabaho ni tatay bago siya kinuhang bodyguard ni Don Havier.

Nagustuhan ni Sir Anton ang mga design ko kaya kinuha niya ako kahit hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral. Mula nang mag-trabaho ako sa kaniya ay naging maganda ang buhay namin, kasabay pa ng matataas na raket ko kay Lucio.

Sa isang taon naming pamamalagi ni Georgia sa Cebu ay nadagdagan ang savings namin at sa wakas ay nakabili kami ng sarili naming bagay.

Nagtuloy tuloy na mula noon ang pagbangon namin.

"Yes sir," Tumatango ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Sir Anton sa kabilang linya.

Aalis daw ito para sa isang conference abroad. Hindi 'yon pwedeng i-cancel kaya nakikiusap siya na ako na ang bahala sa new client at investor namin. Sila sandy 'yon. Gusto ko mang tumanggi ay nilunok ko na lamang ang protesta. Importante ito kay Sir Anton at ito na lamang ang pwede kong gawin sa kaniya para makabayad sa mga ginawa niyang kabutihan sa akin.

"Napasa ko na ang design na gusto nila sa production team. Please assist them, Corraine." Sabi niya pa.

"Sige po sir." Sabi ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now