Ilang linggo ang lumipas matapos kong ilibing si nanay at maximo sa tabi ni tatay ay mas pinili ko na lamang na magkulang sa kwarto. Wala akong ibang kinausap, kahit si Maxine ay hindi ko namalayang napapabayaan ko na pala.

Nakalimutan ko na may isa pa pala akong anak na kailangan ako. Kung hindi pinaalala sa akin ni Georgia baka tuluyan na nga akong nagpakamatay.

"Corraine naman! Alam kong nahihirapan ka pero isipin mo naman si Maxine! Parati nalang umiiyak 'yong bata kasi hindi mo pinapansin! Baka nakakalimutan mong may isa ka pang anak at mga utang na kapag hindi natin nabayaran, pareho tayong manghihimas ng rehas sa kulungan! Paano nalang si Maxine, huh?!"

Napapikit ako at nagpunas ng luha. Sabay kaming napatingin sa labas ng pintuan nang marinig naming may nabasag kasabay ng pag-iyak ni Maxine.

Mabilis na lumabas si Georgia para tingnan 'yon. Nanginginig na napatayo naman ako sa kama at naglakad palabas. Umusbong ang matinding pag-aalala ko kay Maxine. Tila natauhan na rin ako na may isa pa pala akong anak na kailangan ako. Ang kakambal ni Maximo.

Napatakip ako nang bibig nang makitang dumudugo ang kamay ni Maxine. Hawak 'yon ni Maximo at dahan dahang pinupunasan ng panyo.

"M-Maxine..." Takot na takot akong lumapit sa kanila. May luhang tumulo mula sa mga mata ko nang marinig ang mga daing at hikbi niya.

Tiningnan ako ni Georgia. "Nasagi niya ata ang vase kaya nabasag." Sabi niya sabay abot sa akin ng kamay ni Maxine. Nanginginig ko naman 'yong hinawakan. "Kukunin ko ang first aid kit. Maliit na sugat lang naman, kaya pang agapan." Sabi niya atsaka tumango.

Takot ko siyang tiningnan. "Dalhin kaya natin siya sa ospital? Baka....baka malala k-kasi..." Tarantang sabi ko.

"Corraine! Huminahon ka nga! Lalo lang natatakot ang bata, eh!" Kunot noong sabi niy bago umalis para kunin ang first aid kita.

Sumighap ako at kinalma ang sarili. "M-Masakit ba, baby?" Tanong ko sa kaniya.

Umiyak naman siya lalo at tumango. Napasinghap naman ako at mas lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang matagal ko nang hindi ito ginagawa sa kaniya.

"S-Sorry, Maxine. S-Sorry talaga...." Pinigilan kong humikbi ng malakas kaya tinakpan ko na lamang ang bibig ko gamit ang isang kamay.

How selfish, Corraine? Hindi mo man lang naisip na may naiwan ka pang anak? Nahihirapan din siya at nawalan ng kambal at lola, how could you forget about her?!

Galit na galit ako sa sarili ko. Naaawa din kay Maxine dahil na-realize ko na sobra ko siyang napabayaan.

I promise you, baby. Hindi ka na pababayaan ni momma. Gagawin ko ang lahat para makabangon ako para sa'yo. Hindi ko hahayaang mawala ka rin sa akin.

"Pupunta tayo sa Cebu? Are you sure?" Tanong ni Georgia sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.

Nabayaran na namin ang mga utang namin dahil tuluyan na niyang binenta ang parlor niya. Ayaw ko man noong una pero wala na rin akong nagawa nang pina-barangay kami ng mga inutangan namin.

Binenta ko rin ang singsing ko at ang ibang alahas na regalo ni Daniel sa akin. Iyong mga gamit niyang naiwan sa akin na hindi ko naman mabe-benta ay tinapon ko na sa basura. Wala nang halaga sa akin ang mga 'yon, tulad ng may-ari.

"Yes. Wala na tayong buhay dito sa Maynila. At wala na ring magandang alaala." Bumuntong hininga ako. "Gusto kong mag-simula tayo ng bagong buhay. At magpakalayo-layo." Sabi ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now