CHAPTER 25 - WHO ARE YOU?

Start from the beginning
                                    

"Steph, bumili ka ng tubig dali." Pag-aapura ko.

"Wala akong pera!" Natatarantang tugon niya sa akin.

"Oh eto, i-scan mo yang code na nasa phone ko na yan para makabili ka. Go!" Sambit ko muli sa kanya.

Agad naming tumakbo si Steph sa pinakamalapit na stall para bumili ng bottled water. Medyo pinagtitinginan na kami ng ibang namamasyal sa park kaya naman pinagtulungan namin ni JK na akayin si Taehyung sa isang bench.

Since hindi naka-face mask si Taehyung ay humarang na lang muna ako para matabunan siya at hindi makilala ng sinumang maaaring maka-recognize sa kanya.

Ilang saglit pa ay dumating na si Steph na may dalang tubig and then iniabot ko ka agad yun kay JK para mapa-inom niya si Taehyung.

Maya-maya medyo naging maayos na ang pakiramdam ni Taehyung at inayos niya ang pagkaka-upo niya sa bench.

"Are you okay now?" Jungkook said and Tae answered with a nod.

Dahil sa nangyari na iyon ay napag-pasyahan na nga namin na bumalik na ng dorm para makapagpahinga na rin si Taehyung and besides marami na rin naman kaming nasakyan mula nang umalis sila Angel at Jimin. Nang kaya na ni Taehyung na tumayo ay sinimulan na nga naming maglakad papalabas ng amusement park.

On our way papalabas ng park, I sensed na parang may sumusunod sa amin. Binaliwala ko lang yon dahil baka guni-guni ko lang or dahil sa dami ng tao sa park na to.

Pero it still bothered me habang naglalakad kaya panay pa rin ang lingon ko.

"Ano bang meron sa likod? Baka mabali na leeg mo niyan sa kakalingon." Wika sa akin ni Steph.

"Pansin mo ba?" Pag-ignore ko sa pang-aasar niya with my question.

"Ang alin?" Tugon naman niya.

"Parang may sumusunod sa atin." Sambit ko.

"Huh? Wala naman ah." Sagot niya sa akin habang ginagala ang mata sa buong park.

"Eh basta, kanina ko pa nararamdaman na meron talaga." Bwelta ko.

"Che! Tumigil ka nga dyan, tinatakot mo lang ako e." Singhal niya naman sa akin.

"Che ka rin. Bahala ka nga dyan." Pagtataray ko sabay binilisan ang lakad para maunahan siya.

"Hoy wait lang!" Sigaw niya.

Tingnan mo talaga tong baklang to, duwag din eh. Haha!

Ilang lakad pa ang lumipas ay narating na nga naming ang parking lot at ang mismong kinalalagyan ng van namin.

Sinusian na ni Jungkook ang frontseat maging ang pinto sa likod para sabay-sabay na kaming makasakay. Dahil nga ulit sa nangyari kanina ay si JK na ang nag-decide na siya ang mag-dridrive to let Taehyung rest habang nasa byahe.

Tuluyan na nga kaming nakasakay sa loob ng van pero the moment na isasara ko na ang pinto ay parang may sumisilip sa amin sa di kalayuan.

Tinignan koi tong mabuti and nagulat ako nang bigla silang magsigawan at magtakbuhan papunta sa direksyon naming.

Sasaengs.

Halos lima or apat din silang tumatakbo papunta sa amin. Gosh! Para silang mga zombie na ewan. Nanlaki ang mga mata ko dahil papalapit na sila ng papalapit sa min kaya naman dali-dali kong isinara ang pintuan ng van.

"Jungkook! DRIVE!" Sigaw ko sa sobrang taranta dahil ilang metro na lang ang layo ng mga nagkakandarapang sasaengs mula sa amin.

Na-alarm din si JK nang makita niya kung sino ang mga papalapit na sa amin. Parang nasa Fast and Furious/Tokyo Drift na ang mga sumunod na eksena, nakita ko kung paano dali-daling kinambyo ni JK ang van. Wala pang ilang segundo ay agad niyang na mani-obra papaalis sa parking space ang van naming kahit na may mga kotse na nakapark sa magkabilang gilid, and just a few seconds again pinaharurot niya na ang van papaalis ng park.

SERENDIPITY || The Adventures of My Astral BodyWhere stories live. Discover now