034. The Danger Awaits

Start from the beginning
                                    

Noong mga sandaling iyon, kahit papaano ay nabuhayan ng loob si Vladimir lalo nang sinabi ni Emma na nagising na ang dalaga. Excited siyang makita at makausap ito, at gusto niyang malaman kung ano ang lagay nito. But at the same time, he also felt nervous and mortified. Nag-aalala siyang baka galit sa kanya ito, o kung hindi man, baka ang mga kapatid nito. Sa pagkakaalam niya, lahat ng mga nakatatandang kapatid ni Gwen ay pulos mga lalaki. At kahit pa naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng unang dalawang kuya ng dalaga na nakilala niya noong pumunta ang mga ito sa school, hindi niya sigurado kung ano ang gagagawin sa kanya ng iba pang mga kuya ni Gwen.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip ni Vladimir, hindi na niya halos napansin na tumigil na pala ang sasakyan ni Axis sa tapat ng mansyong pag-aari ng mga Ortega.

Bahagyang napanganga si Emma nang makita ang bahay nina Gwen. "Iba rin pala ang bahay nina Gwen... Teka nga, Axis... Paano mo ba nalaman na tagarito si Gwen?"

"Ah, dito kasi sa subdivision na 'to nakatira ang ate ko," ani Axis matapos lumabas sa sasakyan at ni-lock ang mga pintuan nito nang makalabas na ang lahat ng mga nakasakay sa loob, "Tapos nakwento niya sa 'kin na dito rin daw nakatira si Matthew Ortega, kasi syempre, sikat siya sa mga businessmen at politicians. Kaya obviously, dito rin nakatira si Gwen. Sobrang high-profile rin ng ibang mga kuya niya, sa totoo lang."

Tumango-tango si Sketch habang pinagmamasdan ang malaking gate, bago pinindot ang doorbell. Tapos ay bahagya itong sumimangot. "Bakit parang wala naman atang tao –"

Agad na natigilan si Sketch sa pagsasalita nang bigla na lamang bumukas ang gate nang mag-isa. Napaatras ito at agad pinuwesto ang sarili sa tabi ni Vladimir.

Nang tuluyang bumukas ang gate, isang matangkad na lalaki na sobrang laki at maskulado ng pangangatawan ang lumabas mula sa malaking pinto ng mansyon. Nakangiti ito habang naglalakad palapit sa kanila.

"Uy... Kayo siguro 'yung mga kaibigan ni Gwen... Andito ba kayo para bisitahin siya?"

Ngumiti si Axis at tumango. "Opo. Kami nga –"

"Gusto lang po naming kumustahin ang kaibigan namin," biglang singit ni Emma na kulang na lang ay magkaroon ng mga hugis-puso sa mga mata nito, "Narinig po kasi namin na nagising na siya. Pwede po ba namin siyang makita ngayon?"

"Oo naman... Gusto na nga niyang pumasok eh. Kaso ayaw pang payagan ni Dad," tugon nito sa kanila, "Ako nga pala si Bullet, isa sa mga kuya ni Gwen."

"Ako naman si Emma," nakangiting tugon ni Emma bago hinila ang braso ni Axis, "Ito naman si Axis... Tapos ito si Sketch," dugtong ng dalaga matapos tapikin ang balikat ng kasunod niyang nabanggit, "Tapos ito naman si –"

"Vladimir, tama?" ani Bullet habang nakatingin sa nag-aalinlangang binata.

Tumango si Vladimir. "Ako nga po..."

Isang mahinang tawa ang namutawi mula kay Bullet. "Ikaw pala 'yung kinukuwento ni Gwen..." He then smiled widely, "Tara, pasok kayo sa loob."

Hindi na nagsalita pa ang apat, at sumunod na lamang kay Bullet papasok sa bahay. Habang naglalakad sila papunta sa pintuan, natigilan ang lalaki sa paglalakad at kumuha ng maliit na bato mula sa lupa. Pagkatapos ay binato niya ito sa isang lalaking nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga sa front yard.

Dahil tumama ang bato sa likod ng ulo ng lalaki, tuluyan itong napalingon. Pero mukhang hindi naman ito galit, at sa halip ay bakas sa ekspresyon ng mukha nito na tila nagtatanong kung ano ang kailangan sa kanya ni Bullet.

"May mga bisita tayo, Felix. Si Gwen, gising na ba?"

Tumango lamang ang lalaking tinawag na Felix, bago nagsimulang maglakad palayo sa puno at papasok sa loob ng bahay.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now