Chapter 5: The Organization

Start from the beginning
                                    

Natigil lang siya sa pagtatanong sa sarili nang kalabitin siya ni Ane. Hindi niya namalayan na nahatak na pala siya nito sa harap.

"Uy bes ikaw na."

Bumalik siya sa kasaluyan. Bago nagsalita ay tiningnan niya ang lahat ng tao sa silid. Lahat sila ay nakatingin sa kanya. Hindi niya alam ngunit kinakabahan siya samantalang magpapakilala lang naman siya. Napansin siguro ng kaibigang si Ane na natulala na naman siya kaya’t binulungan siya nito.

"Girl magpakilala ka na."

Bago nagsalita ay humugot muna siya ng isang malalim na buntong-hininga upang kahit papano ay mawala ang kabang nararamdaman.

"Hello. Ako nga pala si Jane Mariz Saavedra. Pwede ninyo akong tawaging Mariz o kaya naman ay JM." Pinilit niyang ngumiti ngunit ang kinakalabasan nito ay isang maasim na ngiti. Pagkatapos non ay bumalik na siya sa kanyang upuan. Hindi niya pinakinggan aang sinabi ni Ane na hindi pa silang puwedeng maupo dahil hindi pa tapos ang iba pa niyang kagrupo sa pagpapakilala.

Nang makaupo sa dati niyang puwesto ay napatitig na lang siya sa nagsasalita sa harap. Pinagmasdan niyang mabuti ang binata at nagtanong na naming muli sa kanyang sarili. Bakit ba kasi magkamukha sila? Pwede naman kasing hindi naman maging magkamukha ang kambal diba? Paano niya pa tuluyang makakalimutan ang kakambal nito kung parehong-pareho sila. Mula sa mukha, sa pananamit hanggang sa kung paano ito magsalita.

At ang isang malaking tanong na gumugulo ngayon sa isip niya ay bakit palaging pinagtatagpo sila ng tadhana. Lagi silang magkagrupo. At kahit na ayaw na niya itong makita o makasama ay wala naman siyang magawa.

Dahil sa pagkakatitig niya ditto ay hindi niya namalayan na nakatingin na rin ito sa kanya. Sobrang talim at lalim ng mga yon. Tila ayaw nitong matanggal ang pagkakatitig ni JM sa kanya ngunit bago pa man siya matapos na magsalita ay siya na ang unang umiiwas. Naguguluhan na siya sa inaasal ng binata.

Natapos ang buong pagtitipon ng wala naman siyang naintindihan bukod sa unang mga sinabi nito. Nagulat na lang siya noong hinila na siya ng kambal at binato ng maraming tanong.

“Girl pansin ko lang ah, kanina ka pa natutulala. Bakit ba ha?” Untag ni Ane sa kanya. Naglalakad na sila ngayon pauwi ng boarding house nila.

“A-ano yon?” Nauutal niyang tugon.

“Oo nga girl, ayan oh tulad ngayon, may problema ba?” Nag-aalalang tanong din naman ni Ara.

“Wala naman. Pagod lang siguro, di ko naman akalain na aabutin tayo ng gabi dun. Diba 7:00 pa ang klase natin bukas?” Pag-iiba ni JM ng usapan.

“Sabagay. Pero basta magsabi ka lang kung may problema ka ah.” Nag-aalala pa ring wika muli ni Ara sa kanya saka inakbayan siya.

“Oo nga, maaasahan mo kami sa kahit ano.” Sabat pa ni Ane.

Mabilis nilang narrating ang boarding house nila. Pagkatapos ay minadali na nila ang pagkain at nagpahinga na sila sa kanya-kanya nilang higaan.

Kinabukasan, tulad ng napag-usapan kahapon ay pumunta na ang bawat isa sa kani-kanilang station. Ala-singko na ng hapon at ito na ang oraas na itinakda sa kanila. Ngunit kanina pa siya naagdadalawang isip kung tutuloy ba siya o hindi. Gusto niyang pumunta pero masama ang pakiramdam niya. Sa tingin niya ay lalagnatin siya. Pakiramdam niya pa ay sobrang lamig ng paligid niya niya.

Precious Tears (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now