Chapter 10: Chance

844 19 0
                                    



“Once a person given you chances to prove your love to her/him don’t waste it.”

"Napakagandang pagmasdan ng mga sunflower. Nakakaalis ng lungkot, nakakapagpagaan ng damdamin pero sa kabila ng pagpapasaya nila sa mga taong tumitingin sa kanila, isa lang pala ang buhay nila. Kapag natuyo ang mga bulaklak nito kasabay ng mga dahon at sanga ay mawawala na sila ngunit ang mga buto nito ang magpapatuloy ng kanilang nasimulan, ang makapagpasaya sa mga taong tumitingin sa kanila." Kapagkuwan ay wika ni Mariz sa katahikan.

Matapos iyon ay seryoso niyang tinitigan ang binata. Sa pagtingin niya ditto ay saktong nakatingin din pala ito sa kanya. Tinititigan siya ng binata, malalim at matalim. Tila may hinahanap ang mga mata ng binata sa katauhan niya.

“Tulad din yan ng tao. Nagmahal, nasaktan, nadapa ngunit kailangang bumagon. Bumangon hindi para makita ng iba na malakas ka kundi, bumangon para sa sariling kapakanan. Patunayan na kayang mabuhay kahit wala ang taong yon sa buhay at hintayin ang taong handang gawin ang lahat para sayo. Kayang ipaglaban ang kayo. ” Huminga ng malalim ang binata at pinalalim pa ng husto ang tingi sa dalaga.

"Parang mga sunflower lang din, oo tutubo ulit ang mga buto na yan pero alam mo bang mas maganda ang magiging tubo at ang bulaklak nila sa muli nitong pagtubo?" Tumayo ang binata at tiningnan nito ang bisig kung nasaan ang kanyang relo.

"Let's go? We are running late to our next class.” Inilahad ng binata ang kanang kamay sa kanya at iniabot naman niya ito saka marahang tumayo at pinagpag ang pantalon.

Dahil sa sinabi ng binata ay nataauhan siya sa katotohanan. Maybe it is the right time to give her and him a chance. A chance to love herself and a chance to love someone again.

Mabilis ang naging takbo ng oras. kaya natapos na rin ang huling klase niya ng araw na yon. Lumabas siya ng silid kasabay ang kambal ngunit nagpaalam na rin naman na mauuna ng umuwi.

Naiwan tuloy siyang mag-isa sa gilid ng pasilyo. Ngunit ganon na lang ang gulat niya ng makita ang isang bulto ng katawan na naghihintay sa kanya sa isang sulok.
Siniguro niyang mabuti kung tama siya ng tingin kaya pinagmasdan niya itong mabuti. At tama ang hinala niya, ito ang binata na nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. Si TJ.

Maglalakad na sana siya palayo at lalampasan ang binata ng magsalita ito.

"Where do you think you're going?" Napalingon siya sa binata. Tapos ay sa paligid. Ng mapagtantong siya ang kausap nito ay sumagot siya.

"Ahm. Going home?" Naging tanong tuloy ang kanyang sagot.

"Naa. You're not going home yet. You're coming with me." Malumanay na tugon ng binata sa kanya. Bakit kaya bigla-bigla itong nag-iingles. Napapalaban tuloy siya ng wala sa oras.

"Why would I?" Naguguluhang tanong niya.

"Cause I said so." He shrugs his shoulder. At akmang hahawakan ang kamay niya ngunit mabilis niya itong iniwas.

"I don't like to go with you. My best friend Damon is waiting for me." Pagdadahilan niya, ngunit totoo naman ito. Paniguradong kanina pa siya nito hinihintay.

"Call him! At sabihin mong wag ka na niyang hintayin." Maotiridad n autos ng binata.

"At bakit ko naman gagawin yon?" Naiinis na tanong niya ulit kay TJ.

"Please Mariz do this for once. Pagkatapos nito I will not force you to love me back. Please just this once!" Pagsusumamo ng binata sa kanya.

Hindi alam ng dalaga kung ano ang balak nito. Ngunit ang makita ang binata na tila nasasaktan ay parang dinudurog puso niya. Lalo pa ng marinig niya ang sinabi nito. Siguro nga ito na ang panahon para bigyan niya ng pagkakataon ang binata.

Hindi umimik ang dalaga at basta na lang kinuha ang cellphone niya at denial ang numero ni Damon. Wala pang tatlong ring ay sumagot na ang nasa kabilang linya. Pinanalangin niya na sana ay hindi ito magtampo sa kanya. May usapan kasi sila na mag gagala sila ng hapon na iyon.


"Ahm. Hello Damon?" Kagat labing bati ni JM sa kababata habang nakatingin kay TJ.

"Yes JM? Are you ready?" Bakas sa tinig nito ang excitement.

"Damon ano kasi hindi pala ako pwede ngayon?" Nahihiyang aniya.

"Ha? Bakit? Di ba wala ka namang pupuntahan ngayon? Wala ka namang gagawin?" May tampo sa boses ng kausap.

"Eh kasi may kailangan pala akong puntahan ngayon, pero promise babawi ako next time. I love you best muaa." Pagsisinungaling niya saka pinasigla ang boses.

"Sige, nakapaghanda pa naman ako ng makakain natin. Next time ah. ingat ka and love you too." May tampo pa ring mababakas sa tinig nito at nalulungkot siya para sa kaibigan.

"Bye. Sorry talaga ah. Ingat ka sa pagmamaneho."

"Bye."

Pagkababa ng tawag sa tawag ay napatingin siya sa binatang kaharap niya. Masama ang tingin nito sa kanya. Tila papatay ito sa paraan ng pagtitig.

"Anong problema mo?" Salubong ang kilay na tanong ni JM sa binata.

"Wala. Tara na." Malamig na wika ni TJ saka hinawakan siya sa kamay.

"Ano nga kasi yon?" Pangungulit pa ni JM.

"I said nothing!" bigla ay sigaw niya. Nagulat siya sa inasta ng binata. Nagpapasalamat siya na wala ng tao sa hallway ng kolehiyo kundi ay tiyak na machichixmix sila.

"Kung ayaw mong sabihin e di wag. Tatawagan ko na lang ulit si Damon." Naiinis na sagot niya saka akmang kukunin na ang cellphone.

"Don't. Im just…" Napatigil sa pagkuha si JM at hinihintay ang kasunod nitong sassabihin.
"You’re just what?" Mahinahon na ang boses ni JM ngunit magkasalubong pa rin ang kilay.

"I’m fucking jealous. You said i love you to him." Sigaw ulit ng binata. Tila nagpipigil pa ito dahil nakakuyom ang kamao nito.

"Is that so? Oh come on. We’re just best of friends and saying I love you is common to us. So don’t be jealous." Nakangiting sagot ng dalaga. Napansin naman niyang bahagyang nagliwanag ang mukha ni TJ.

"Is that true?" Paninigurado pa ng binata.

"Yeah. So can you take me now?"

"Of course. Let’s go then."

Matapos iyon ay nagsimula na silang maglakad palabas ng kolehiyo. Napansin niyang may nakahintong isang itim na kotse sa harap ng kolehiyo at ng makalapit sila ay pinagbuksan pa siya ng pinto ni TJ. Pagkatapos ay tumabi ito sa kanya. Sumenyas ang binata sa driver at nagsimula ng umandar ang sasakyan.

"Saan ba talaga tayo pupunta ha?" Tanong ni JM.

"Just wait and be patient. I will not harm you honey." Kinilabutan ang dalaga sa paraan ng pagtawag nito sa kanya. Kaya pinili niyang manahimik na lang. Ngunit hindi ang puso niya. Ang kaninang katamtamang pagtibok non ay bumilis ng bumilis. Tila may nagkakarera sa puso niya at hindi niya alam kung paano iyon pahihintuin.

Tahimik lang ang naging byahe nila. Walang gusting magsalita. Hanggang sa huminto ang sasakyan at sa wakas ay nagsalita na rin ang binata.

"We're here." Nakangiting wika niya at inilahad ang kamay sa kanya.

Sa kanilang paglabas ng lulang sasakyan ay namangha siya sa nakita. Isang napakagandang hardin ang nasa harap nila ngayon. Puno iyon ng makukulay na rosas. Nakadagdag din sa ganda nito ang mga paru-parong tila naglalaro sa talulot ng mga bulaklak.

Hindi niya maiwasang mapanganga sa gandang taglay nito.
Sa gitna ng hardin ay may nakita siyang isang table for two. Napaliligiran iyon ng mga talulot ng kulay pula at pink na rosas.

"For you." May iniabot sa kanya ang binata na isang bouquet ng pink na rosas. Hindi niya namalayan na nandoon nap ala sila sa kaninang tanaw niya lang na mesa.

"Ahm. Thank you. You don't need to do this." Nahihiyang tugon niya sa binata.

"But I want to do this." Nakangiti sagot ni TJ at pinaghila siya nito ng upuan.

"Do you like it?"

"Yeah. It’s beautiful. Very beautiful.” Komento niya saka tumingin muli sa paligid.

"It is good to hear that. This place is called my mother as garden of peace. She is the one who manage this place because she love roses especially red and pink one." Tinitigan siya nito sa kanyang mga mata.

"But why did you bring me here?"

"Because this is a special place. So I bring special person like you here. Look Mariz I really like you, no scratch that I really love you, I really do. So please give me a chance to love you. Forget about him. Forget about what happen between you and my twin. He really sorry about what he did and at the same time ashamed too. And because of that he decided to go to New York.”

"Bakit mo sinasabi sa’kin ang mga yan? Saka pano nangyari yon? Pano mo nalaman ang mga bagay na yon?" Naguguluhan siya sa pinagsasasabi ni TJ. Hindi niya ito maintindihan.

"Bakit ko sinasabi to sayo ngayon? Simple lang para matapos na ang lahat ng nararamdaman mo para sa kanya. Para makapagsimula tayo ng walang nililihim sa isa’t isa." Huminga ng malalimang binat kapagkuwan ay ipinagpatuloiy ang pagsasalita.

"Bakit niya nagawa sayo yon? Kasi wala siyang pera. Our mom and dad didn’t give him money, siya rin kasi ang may kasalanan, gustuhin ko man na bigyan siya ay di ko magawa dahil di rin ako bibigyan nila mom ng pera. Nalulong siya sa sugal na kahit na may pasok siya ay di na siya pumapasok. Hanggang sa naubos na ang allowance niya for a month. Humingi ulit siya kay mom, nagtaka si mom kaya pagkatapos niyang bigyan ng pera si Jian ay pinasundan siya nito sa isa sa mga security at nalaman na yon nga ang ginagawa niya sa perang binibigay sa kanya kaya mula non ay hindi na siya nagkapera, nakautang pa siya ng malaki sa mga kasugal niya. Kaya nagawa niya yon sayo. Kaya kahit na ayaw niya talagang gawin ang bagay na yon ay nagawa niya pa rin dahil sa pera…"

"...Sinabi niya lahat sa’kin yon, gusto niyang kausapin ka pero nahihiya na siya sayo kaya naman nong umuwi siya sa bahay kinausap niya sina mom and dad na ipadala na lang siya sa ibang bansa at nangako na hindi na gagawa pa ng kalokohan. Pero bago siya umalis pinagbilin ka niya sa’kin. Kaya ako napunta sa university mo. Noong unang kita ko sayo nabighani na talaga ako sayo kahit pa umiiyak ka non. Ang ganda mo pala talaga. At nang minsan magising ako, hindi ko namalayan na mahal na pala kita. At hindi na yata ako sanay na hindi ka makita sa loob ng isang araw. Mahal kita Mariz. At patutunayan ko yan.”

Precious Tears (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now