Chapter 2: Broken

2.1K 42 4
                                    

“Music is like our life. It is full of different emotions. And hide millions of agony and feelings.”

Limang buwan. Limang buwan na ang nakalilipas at napatunayan ni JM na mabait at mapagkakatiwalaan naman si Jian. At sa limang buwan na yon ay lumalim pa ang nararamdaman niya sa binata. Kung dati ay hinhangaan lang niya ito, iba na ngayon. Dahil sa nakalipas na mga buwan ay natutunan na niya itong mhalin. Paano nga naman na hindi siya mahuhulog ng tuluyan sa binata kung palagi siya nitong sinosorpresa sa tuwing makikita sila.  Sa tuwing naiisip niya ang mga bagay na nagawa nito para sa kanya ay napapangiti na lang siya.
Dahil sa nakita niyang dedikasyon ng binata ay napagpasyahan na niyang sagutin ito ngayong araw. Nakaupo sila ngayon sa bleachers ng unibersidad at masayang pinanonood ang mga athlete na nagtetraining. Nalalapit na kasi ang taunang intramurals. 

“Gusto mong magmiryenda muna?” Tanong ng binata sa kanya habang hinahaplos ang kamay niya. Kung dati ay naiilang pa siya kapag ginagawa ito ni Jian, ngayon ay hindi na dahil nakasanayan na niya ito.

“Huwag na, busog pa ako.” Nakangiting tugon ni JM.

“ Siya nga pala may sasabihin ako.” Naroon pa rin ang ngiti sa labi ni JM.

“Tungkol san?” Nakakunot na tanong ni JM.

Huminga muna ng malalim bago nagsalita. Ito na ng tamang panahon JM. Wika niya sa kanyang sarili.

“About us, I know medyo naiinip ka na saka matagal ka na man nang nanliligaw sakin right?” Marahang tumango lang ang binata bilang pagsang-ayon at unti-unting sumisilay ang mala-anghel na ngiti nito.
“…kaya, Jian Santos, oo ang sagot ko. Sinasagot na kita.” Pagpapatuloy ni JM sa kanyang unang sinabi.

Bakas sa mukha ni Jian ang labis na kasiyahan dahil sa narinig.
“Talaga? Hindi ako makapaniwala, pinasaya mo ako Jane Mariz Saavedra I love you. Mahal na mahal kita.. Whooo!” Malakas na sumigaw pa ang binata kasabay ng tila pagsuntok nito sa hangin. Masayang- Masaya ito.

End of Flashback
“Uy tulala ka na naman dyan.” Untag sa kanya ni Ane. Nandito sila ngayon sa classroom nila at hinihintay ang susunod nilang professor.

“Huwag mong sabihing siya na naman ang dahilan.” Makahulugan siya nitong pinagmasdan.

“Hindi no.” Pasisinungaling pa niya sa kaibigan.

“A-ano yong quiz natin sa assessment di ba mamaya na yon?” Pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang ipahalata sa kaibigan na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon dahil sa ex niya. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya.

“ Hay nako JM kilala ka na namin, alam namin na iniiba mo lang ang usapan, kaya hindi bebenta yan.” Natatawang komento ni Ane. Kilalang-kilala na talaga siya ng dalawang ito kaya wala na siyang maitatago pa sa kanila. Liban sa isa niyang pinakatatago.

“Hayaan na nga muna natin siya ambal, pero JM wag mong kalilimutan na nandito lang kami para sayo, wag kang mahihiya.” Nakangiting sabi naman ni Ara. Mas mabait at sweet talaga ito kaysa sa kakambal niya.

Sa halip na sagutin ang dalawa ay tumango na lang siya at nagpaalam na lalabas muna siya ng room para magpahanginsa labas. Nais niyang makalanghap ng sariwang hangin. Nagsisimula na naman kasing manikip ang dibdib niya dahil sa mapait na alaala. Bakit kasi patuloy na bumabalik sa isip niya ang mga nangyari. Labis tuloy siyang nasasaktan.

Mamaya pa namang 2:30PM ang susunod niyang klase kaya may panahon pa siya upang makapagpahangin at damhin ang sariwang hangin. May isang oras pa.

Nang makakita ng puno na malapit lang sa classroom nila ay naupo na siya doon. Inihilig niya ang ulo sa katawan ng puno at isinaksak ang headset sa magkabilang tainga.

Naghanap siya ng magandang kanta sa music list niya at ipinikit na ang mga mata. Nakakaramdam talaga siya ng ginhawa at gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakapakikinig ng mga musika. Bukod kasi sa mga best friend niya ay ito ang siyang nasasandalan niya kapag may problema siya.

Ngunit tila nananadya ang tadhana. Maganda ang mga naunang kanta ngunit ang sumunod na awitin ay Someday, isang kanta ni Nina na mayroong malungkot na liriko. Ito ang kantang matagal na niyang iniiwasan sa playlist niya. Pero ngayon, hindi na niya ito mapigilan.

Someday you’re gonna realize

One day you'll see this through my eyes

By then, I won’t even be there

I'll be happy somewhere

Even if I can’t

I know you don’t really see worth

You'll think you’re the last guy on earth

Dahil sa narinig na awitin ay hindi niya napigilan ang maluha. Pinatay niya ang awitin at pinanatiling nakapikit ang mga mata. Dinadama ang bawat sakit at pighati.

Hindi niya napigilan ang mag-isip. Ang isipin na sana ay may magmahal sa kanya ng totoo. Na sana balang-araw ay may taong magmamahal sa kanya ng buong-buo at handa siyang ipaglaban sa mundo kahit pa ayaw na ng lahat sa kanya.

Ngunit paano pa siya magmamahal at paano pa siya mamahalin kung sa pagkakataong ito ay hindi niya pa kayang magtiwala. At hindi pa siya handang masaktan ulit. Natatakot siya baka hindi na niya kayanin pa sa susunod.

Biglang nawala ang pag-iisip niya ng may maramdamang humaplos sa kanyang pisngi at hinahid ang mga luha niya. Dahil doon ay napadilat siya at nagtatanong ang mga mata niya sa kaharap. Bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito.

"Huwag kang umiyak na parang katapusan na ng mundo."

-Jhayne

Precious Tears (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now