Chapter 14: Her Condition

743 9 0
                                    


“Kapag nasaktan ang puso ng minsan, mahirap na ang magtiwala at magmahal muli.”


Dahil sa tawag na natanggap ni Jannice, ina ni JM ay nagmadali silang mag-asawa na puntahan ang anak. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari dito. Hindi niya kakayanin oras na may mangyaring masama sa nag-iisang anak.

Una pa lang ay alam na nila na posibleng mangyari ang araw na ito ngunit tila napaaga yata. Kung sana ay pinigilan nila ang anak na mag-aral sa malayong unibersidad di sana, sana ay hindi nangyari ito.

"Ma, calm down, everything will be alright." Pag-aalo ng asawa upang mabawasan ang pag-aalala niya. Hinawakan pa nito ang kanyang kamay upang mas mapagaan ang kanyang nadarama kapagkuwan ay muling tinatahak nilang kalsada.

"Pero dad paano kung-"

"Sssh. She will be okay. Her friend told that she’s okay right?" Tanging tango lang ang itinugon ni Jannice sa asawa ngunit hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman niya.

Matapos ang ilang oras na biyahe nila ay narrating nila sa wakas ang nasabing ospital. Agad silang pumasok sa loob at tinanong ang nurse sa isang station doon. Mabilis naman na sinabi nito ang room number kung nasaan ang anak nila.

Nagmadali silang nagtungo doon at naabutan pa nila ang mga kaibigan ng anak nila. Nang makita siya ng mga ito ay sinalubong kaagad siya nito ng yakap at halik.

"How is she?" Nag-aalang tanong niya sa dalawa.

"Okay na daw po siya tita sabi ng doktor pero gusto daw po niya kayong makausap." Mabilis na tugon ng isa sa kambal. Napatingin pa siya sa asawa na tahimik lang na nakamasid sa kanyilang anak.

"Sa-saan ang office niya?" Maluha-luhang tugon ng ina ni JM.

"Samahan ko na po kayo tita, Ane maiwan muna kayo ni Jack dito para bantayan si JM. Tara na po tita." Bilin ni Aras a kakambal. Kapagkuwan say iginiya na niya kung saan banda ang opisina ng doctor.

Nauunang maglakad si Ara at tamang sinusundan lang siya ng mag-asawa. Nandoon pa rin ang kaba niya, hindi mapigilan. Tila naramdaman ito ng asawa niyang lalaki dahil hinawakan siya nito sa kamay at bahagyang pinipisil iyon.

Ilang saglit lang ay huminto na si Ara sa isang pinto. Nakapaskil doon ang pangalan ng doctor.

"Raymart del Rosario?" Mahinang banggit niya sa pangalan ng doktor.

"Tita, tito, dito po. Sige po maiwan ko na kayo." Nakangiting sambit ni Ara sabay paalam sa kanila.

"Salamat hija." Nakangiting tugon rin naman ng asawa niya.

Kumatok sila ng tatlong beses sa pinto kapagkuwan ay binuksan iyon ng asawa niya. Nanatili pa rin ang kamay ito sa kanya. Tila nararamdaman pa rin nito na kinakabahan siya.

"Good evening doc!" Magalang na bati ng asawa niya. Nanatili kasing tikom ang kanyang bibig dahil sa kakaibang kaba.

"Good evening too, Mr. And Mrs?" Sagot ng doktor na tila tinatanong sino sila.

"Mr. and Mrs. Saavedra doc." Tugon muli ng asawa niya.

"Have a seat. Maybe you’re the parents of Jane Mariz Saavedra?" Muli ay tanong ng doctor.

"Yes, kami nga po doc. What happen to her, tell me this is not-" Naiiyak na naman niyang tanong.

"So you both already know it?" Putol ng doctor sa iba pang sasabihin niya.

"Alam na ninyong mahina ang katawan at puso ng anak ninyo pero you let this happen to her? Tatapatin ko na kayo Mr. And Mrs. kapag nagpatuloy pa ito hindi na maagapan ang sakit niya. " Pagtatapat ng doctor. Ang kaninang pinipigil na iyak ni Jannice ay nagtuloy na. Kusang nag-una-unahan ang kanyang mga luha sa pagtulo.

"Pa-pano po namin siya-" Tanong ng asawa niya ngunit tulad niya kanina ay hindi na siya nito pinatapos na magsalita.

"Kailangan ninyo siyang ilayo sa sakit. Both physical and emotional. Masyado nang pagod ang puso niya at pag napatuloy pa ito, baka kusa na itong bumigay."

"May treatment pa naman doc di’ba?" Umaasang tanong ng asawa niya.

"The first option is to bring her to fresh places that have no pollution at all. Iiwas ninyo siya sa sakit tulad ng sinabi ko kanina. The second option is, let her go on a surgery. But that’s too rare because it’s very critical. Hindi pa tayo sigurado kung magtatagumpay o hindi ang operasyon dahil out of 10 surgery, only 1 is successful and except for that it’s too difficult to find a donor." Mahabang paliwanag ng doktor.

“Can I asks a question?” Tanong ng doctor sa kanila. Tanging tango lang naman ang itinugon nila.

“Did she have a boyfriend?”

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil wala namang sinasabi ang anak.

"Wa-wala naman po siyang nababanggit." Tugon ng ina ni JM na patuloy pa rin sa pag-iyak. Ang kanyang asawa naman ay hinahahod lang ang kanyang likod upang pakalmahin siya.

"Well you should ask her, maybe that is the one reason why she was hurt emotionally. Alam ba ninyo na mas matindi ang sakit na nararamdaman niya pag doon nanggagaling? Bye the way alam nyo naman na siguro yon dahil she’s suffering her illness when she ìs still a child right? May doktor naman na siya diba so ipagpatuloy nyo lang kung ano yong medicine na nireseta nya and go to that doctor to check up your daughter because he know much better what to do to her than me." Mahabang litanya muli ng doctor at tanging tango at pagsang-ayon lang ang naisagot nila, nagpasalamat lang sila sa doctor at lumabas na ng office na mabigat ang dibdib.

Tila may naririnig na nag-uusap si JM sa kanyang gilid. Gusto niyang makasigurado kung tama ba siya ng rinig na ang kaniyang mga magulang iyon ngunit hindi pa niya maidilat ang kaniyang mga mata. Mabibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. At ang katawan niya ay tila pagod na pagod.

Kailangan niyang makasigurado. Uunti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang isang puting kisame at ang kakaibang amoy. Amoy ospital. Teka nasaan ba siya? Iginala niya ang paningin at nakita niya ang kaibigan. Sila Ane at Ara.

"Thank God you’re already awake." Wika ni Ane sa masayang tinig.

Dahil sa lakas ng pagkakabigkas ng kaibigan ay naglapitan sa kanya ang iba pa. Sa kaliwa niya ay sina Ara, Ane, Tirso at Jack.Sa kanan naman niya ay nakita niya ang mga magulang. Puno ng pag-aalala ang tingin ng mga ito sa kanya. Teka bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito? Nasaan ba talaga siya? Ano ba talaga ang nangyari?

"Are you okay baby? May masakit ba sayo? Sabihin mo lang kay mommy." Kinuha ng kanyang ina ang kamay niya at hinaplos- haplos pa ito.

"I’m fine, medyo masakit lang ito." Sagot niya sabay turo sa kanyang puso. Nakita niyang napabuntong hininga lang ang tao sa paligid niya. Samantalang ang kanyang mga magulang ay kitang-kita pa rin ang pag-aalala. Di rin nakatakas sa kanya ang pamumugto ng mga mata ng kanyang ina. Halatang kagagaling lang nito sa pag-iyak.

"Pinag-alala mo kami girl, kala namin kung ano ng nangyari sayo." Nakangiting wika ni Aras a kaibigan.

Tanging ngiti lang ang iginanti niya sa kaibigan. Napatingi siya sa isang pares ng mga mata. Malalim ang pagkakatitig non at tulad ng dati ay hindi iyon kinakaya ng sistema niya kaya iniiwas na lang niya ang tingin ditto.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na sa kanila ang kanyang mga kaibigan. Mag-aayos pa raw kaasi ang mga ito ng gamit nila sa boarding house dahil sem break na at kailangan na nilang umuwi sa kanila. Tila ayaw pang umuwi ni TJ ngunit dahil sa pagpupumilit ng kapatid nitong si Jack ay napilitan na rin itong umuwi.

Nang mawala ang mga bisita sa silid ay bahagya naming tumikhim ang kanyang ama kaya napatingin siya dito.

"Jane Mariz magtapat ka nga samin ng mommy mo, iniinom mo pa ba ang mga gamot mo? Gusto namin ng totong sagot!" Maawtoridad at tila pinipigil ang galit na turan ng kanyang ama. Alam niyang galit na ito dahil tinawag nito ang pangalan niya ng buo.

"So you didn’t take your medicine. God Jane Mariz, hinayaan ka naming mag-aral sa malayo kahit ayaw namin tapos hindi mo pa kami susundin. Ito na nga ba ang sinasabi ko." Umalingawngaw ang galit na boses nito sa buong silid.

"Dad tama na, makasasama sa kanya yan." Pigil ng kanyang ina sa ama.

"Janice pagsabihan mo yang anak mo!" tumalikod ang Daddy niya at umalis ng silid. Ibinalibag pa nito ang pinto ng lumas.
sabay alis ni dad sa kwarto at binalibag ang pinto sa paglabas niya

Dahil sa nangyari ay hindi niya napigilan na umiyak. Unti-unti na naming sumasakit ang kanyang dibdib. Bakit ba kasi kailangan pang sa kanya mangyari iyon. Ang sakit-sakit na.

"Shhh..Calm down baby, makasasama sayo yan." Alo sa kanya ng kanyang ina. Hinaplos pa nito ang kanyang buhok at siya naman ay marahang hinahaplos ang kanyang dibdib.

"Mo-mmy, ba-kit b-ba ang hi-hina ko? A-yo-ko ng gani-to." Humihikbing wika niya sa Mommy niya.

"Anak alam mo naman diba, si Daddy mo kaya ganon siya kanina dahil nag-aalala siya sayo, hindi biro ang sakit mo baby kaya sana sundin mo naman kami. Inumin mo sana yong mga gamot mo, hindi lang ikaw ang nahihirapan, kami rin anak."mahabang paliwanag ng Mommy niya, naiintindihan naman niya ang mga magulang ngunit masyado na kasi siyang nahihirapan sa kalagayan niya.

"Umamin ka nga sa’kin baby, nagkaboyfriend ka na ba o may boyfriend ka ba ngayon? Siya ba yung lalaki kanina?" Malumanay na tanong ng kanyang mommy.

Ayaw na niyang magsinungaling pa kaya ikinuwento niya lahat sa kanyang ina. Buhat nang makilala niya si Jian, niloko at pinaglaruan siya at hanggang ngayon na gusto siya ng kakambal ng unang lalakeng nanakit sa kanya.

Sinabi niya rin sa ina na hulog na hulog na rin siya kay TJ. Sa kakambal lokong ex niya.
Kaya umamin na ako, sinabi ko sa kanya ang lahat, buhat kay Jian

"Alam mo baby hindi naman masama ang magmahal pero alam mo naman na makasasama sayo na masaktan hindi ba? Kaya nga pinagbabawalan ka namin na magboyfriend ka dahil ayaw namin ng daddy mo na masaktan ka. Ngayon na sa tingin mo ay mahal mo na si Tirso, hayaan mo lang muna siya. Alam mo naman na kung bakit diba?

Dahil sa nangyari, alam mo ba na mas lumalala pa ang sakit mo, at pag nagpatuloy pa ang sakit na nararamdaman mo pwedeng kusa ng bumigay ang puso at katawan mo. At ayaw naming magyari yon, you are the only thing we have kaya please baby huwag na sanang matigas ang ulo." Dahil sa mga sinabi ng kanyang ina ay naiyak na siya. Tila naliwanagan siya sa mga pangyayari. Ayaw niyang masaktan ang kanyang mga magulang.

"Kaya baby, napagdesisyunan namin ng daddy mo na uuwi tayo sa Nueva Ecija para don ka magpagaling, hihinto ka na rin muna sa pag-aaral since tapos na rin naman ang sem."

"And remember this baby, God created love for us to be happy not likewise." Patuloy na banggit ng kanyang Mommy. Habang siya ay nakatingin lang ditto ay nakikinig sa mga sinasabi nito.

Hindi na tumutol pa ang dalaga sa desisyon ng kanyang mga magulang. Kung iyon ang makapagpapagaan ng damdamin ng mga ito ay gagawin niya. Ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mga ito nang dahil sa kanya. Kaya gagawin at susundin na niya ito, sasama siya sa Nueva Ecija.

Pansamantala ay iiwan na niya ang nararamdaman niya sa lugar na iyon. Iiwan niya ang mga taong naging parte ng buhay niya para sa ikabubuti niya at para sa mga magulang niya.

Mahirap man ngunit iyon ang tama.

Kaya gagawin niya ang tama.

Precious Tears (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now