Chapter 13.1 : Para Lang SAYO

738 12 0
                                    

“Songs are made to remind people how unfair the love and world is.”

Natanggal lang ang makapamatay na pagtititigan nila ng dumating na ang kanilang professor. Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang umupo ng maayos at tumingin sa kanilang guro.

Tahimik lang siyang nakamasid sa kanilang guro. Ngunit kahit na anong gawin niyang pakikinig ay hindi niya maintindihan ang mga itinuturo nito. Paano’y nanatili ang kanyang buong atensyon sa binata na nasa likuran. Ramdam niya ang pagtitig nito kahit hindi niya ito sulyapan.

Bumalik lang siya sa kasalukuyan ng marinig ang anunsyo ng kanilang guro bago ito umalis sa silid.

"Okay class sa next week na pala ang finals, that means you need to pass your requirements. I will not gives extension of that so be sure that you will pass it on time. Is that clear? So this will be our last meeting this semester."

Kinabahan siya dahil don. Ibig sabihin kailangan na nilang gawin ang Music Video sa lalong medaling panahon. At ibig sabihin, makakasama at makakausap niya ulit ang binata. Ngunit handa na ba siyang harapin at makausap ito?

Pagkaalis ng guro nila ay kanya-kanya ng tumpukan ang mga makakapareho para sa gagawin nila. Pati na ang kambal ay abala na rin sa pag-uusap kung ano ang kanilang aawitin at kung saan nila gagawin ang proyekto.

Habang si JM naman ay mag-isang nakaupo sa isang sulok. Hindi alam kung pupuntahan niya ba ang binata o hindi. Hindi pa rin kasi niya ito nililingon buhat kanina. Baka naman nakahanap na ito ng bagong kapareha. Baka ayaw na nito sa kanya. Maarte kasi siya. Maghanap na kaya siya ng bagong kagrupo? Ngunit sino?

Tumayo na mula sa pagkakaupo ang kambal habang patuloy pa rin sa pag-uusap. Siya naman ay nanatili pa ring nakaupo doon. Tila hindi na namalayan ng kambal ang presensiya niya kaya hindi na siya nagawang hilahin ng dalawa. Patuloy pa rin kasi ang dalawa sa pag-uusap. maglalakad na rin sana siya at susundan ang kambal. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ay may pumigil na sa kanyang pulso. Kinabahan siya. Alam niya kasi kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na yon. Hindi siya maaaring magkamali. Pag-aari iyon ni TJ. Ng binatang kagrupo niya. Ng binatang nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

Tumingala siya at pinagmasdan ang gwapong mukha ng binata. Nakatitig din ito sa kanya. Tila ba siya lang ang nakikita nito sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

"We need to talk. We need to talk about on our requirements." Maotoridad na sambit ni TJ. Walang nagawa si JM kundi ang tumango.

Hinila siya sa kamay ng binata. Tinahak nila ang pamilyar na daan. Sa madalas niyang tambayan kapag may problema siya. Sa lugar kung saan una niyang nakita ang binata. Nang marating nila ang mismong lugar ay binitiwan nito ang kanyang palad. Naupo ito sa ilalim ng isang puno. Nanatili itong tahimik. Hindi nagsasalita kaya naman pinasya na din niya na umupo sa katapat nito at sumandig sa isang puno.

Ilang minute na ang nalilipas ngunit hindi pa rin nagsasalita ang binata. Akala niya ba pag-uusapan nila ang gagawing proyekto?

Naiinip na siya. Sayang ang oras. Tumayo na siya at saka pinagpag ang pantalon. Uuwi na lang siya, marami pa siyang kailangang gawin. At isa pa hindi niya kayang makasama ito sa iisang lugar lugar kaya mabuti na lang na umalis siya.

"Don’t try to leave." Lumundag ang puso niya sa kaba. Buti naman at nagsalita na ito.

"At bakit naman? Kanina pa tayo dito pero wala namang nangya-" Pinutol ng binata ang ano mang sasabihin pa niya.

Precious Tears (COMPLETED) UNDER MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now