Prologue

86.5K 2.8K 488
                                    

Hard to Handle

Men Challenge Jr. Book 12

a novel by:

xxakanexx

45

I looked at myself in the mirror. I cannot really describe myself without using the word beautiful or maganda in Filipino. I mean, magand naman talaga ako. I have what other girls envy – a glass skin. Hindi lang sa mukha ang glass skin ko, from head to foot, sobrang kinis ko. Ang ganda – ganda ko talaga. Hindi lang ako maganda, magaling akong magluto, matalino ako. Ako sa pamilya namin ang consistent na palaging nasa honor roll noong elementary at secondary. Pagdating naman ng college, palagi akong DL. I am everyone's dream girl.

In my young age – except for the fact that I'm so fresh – I have my own restaurant na. Kasosyo ko ang kaibigan kong si Mcbeth "Fucker" Arandia. Fucker naman talaga siya kahit ngayong matino na siya, tapos iyong asawa niyang si Pia, medyo epal siya noong first time naming magkita pero ngayon BFFs na kaming dalawa.

Masasabi kong successful na ako sa age na ito. Ang daming nagkakagusto sa akin pero mas focused ako sa trabaho ko at sa pag -aasikaso ng YOUTUBE channel ko – Leina's Kitchen. Medyo marami na rin ang followers ko – I have two million followers sa Youtube, 1.5m sa IG and twitter. Social media did something good to my life. Kumikita ako ng sarili kong pera and with that, my father is so proud.

Anak ako ng tatay kong si Axel John Apelyido – right, weird surname no? But it makes us unique. Ako ang pangatlo sa magkakapatid – I have an Ate – si Gabrielle Reese na feeling boss, another Ate si – Gabrielle Aelise – feeling fresh pro nanununog naman, I have two younger sisters – si Gabrielle Avery na walang ginawa kundi ang harapin ang computers and gadgets niya which is an advantage for me because she edits and look after my channels, and Gabrielle Anne – sa totoo lang kaya Anne ang name niya wala nang maisip si Popsi na special for her, anyway Gabrielle Anne is an athlete and Popsi is so invested in her sports career. Supportive naman ako sa kanya, siyempre kapatid ko iyon.

We are the Apelyido sisters and some say na lahat raw kami bully – pero hindi naman totoo iyon,. Mababait kaya kaming lahat.

I was too busy doing my nightly skin care – also, I'm busy admiring myself in the mirror. Minsan nasa-shock ako sa kagandahan ko talaga. I mean, who wouldn't want to be my friend? Pero maingat ako sa mga nakikipagkaibigan sa akin, ayoko nang maulit ang nangyari noon.

"Ate." Napansin kong pumasok si Annie sa room ko. She walked towards my bed and climbed in. Napatingin ako sa kanya.

"What, Annie? Wala kang room? Bakit dito ka pa sa room ko? Naghugas ka man lang ba ng paa? My god!"

"Oo. Naligo na ako. Dito ako matutulog, sira iyong aircon ko."

"Doon ka kay Aelise matulog. Mas malaki ang kama niya. O kaya man kay Avery."

"Ayoko. Naninipa si Ate Aelise kahit tulog. Avery won't be sleeping tonight. May tournament siya. Hindi ako makaa-rest. I need to rest kasi may practice ako bukas. I need all the energy I can get."

"Whatever." Tumingin ulit ako sa mirror at nilagay na ang sleeping mask ko. It moisturizes my skin and it leaves a beauty glow.

"Wow, kung mag -effort, parang may jowa."

"Akala mol ang wala akong jowa, pero wala nga bakit may jowa ka rin ba?" I asked her. Nakataas na ang kilay ko.

"Wala rin. Si Popsi kung sino – sinong tinuturo sa akin kapag nasa Uni kami. Nakakainis."

Hard to HandleWhere stories live. Discover now