Challenge # 18

41.6K 2.5K 784
                                    

Happier

Miguel Jorge's

Nagising akong si Senyor Axel ang nadatnang nakaupo sa couch. Nagbabasa siya ng dyaryo habang magka-krus ang paa. Hindi niya napansing gising na ako. Umiikot naman ang mga mata ko sa silid upang hanapin si Eleina. Gusto ko siyang makita pero talagang si Senyor Axel lang ang naroon. I cleared my throat. Napatayo agad siya at lumapit sa akin.

"Bata, gising ka na pala." May ngisi agad sa labi niya. Masakit ang katawan ko, pero mas sentro ang sakit sa binti ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Tumayo si Senyor Axel sa tabi ng higaan ko. "Gusto mong tubig?" He asked me. I nodded. Bago siya kumuha ng tubig ay inayo niya muna ang pagkakahiga ko. Inalalayan niya ako sa I can sit up and then he turned around to get a bottle of water. Siya na rin ang nagbukas niyon at saka ibinigay sa akin. Uminom muna ako bago nagsalita.

"Maraming salamat po."

"Ayos lang. Pinindot ko na iyong ano para pumunta na rito iyong nurse sakaling may kailangan ka." Tinapik niyang muli ang balikat ko. Nakatingin ako sa kanya. Muli siyang naupo sa couch at kinuha ang dyaryo. Mukhang nagsasagot siya ng crossword puzzle. I cleared my throat again.

"Hindi ho ako iyong bumaril sa inyo." Wika ko sa kabila ng nanunuyong lalamunan. Ibinaba ni Senyor Axel ang dyaryo, pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at tumingin sa akin. Umiiling – iling ako. "Hindi ho ako, Senyor. Hindi ko po kayo sinaktan, kahit na po si Eleina."

"Oh! Gising na pala itong pangit na nilalang!" Bumukas ang pinto ng silid at pumasok ang apat pang tiyuhin ni Eleina. May dala silang prutas. Iyong lalaking pumugot sa ulo ni Rogelio ay inilapag ang prutas sa table at saka tumabi kay Senyor Axel. Iyong Uncle Azul ni Leina at tinapik ang balikat ko saka siya umupo sa tabi ng Daddy ni Leina. Iyong tumawag sa aking pangit ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay bulong ng pangit talaga tapos iyong isa naman ay parang batang tumatawa mag-isa.

"Axel, tumawag ka na ba ng doctor?" Tanong noong Uncle Azul.

"Nurse. Hindi pa nga nagpupunta." Nakangisi siya habang nakatingin sa akin. "Bata, ulitin mo iyong sinasabi mo kanina."

Uminom muna muli ako ng tubig saka ako nagsalita. "Hindi ho ako iyong bumaril sa inyo, Senyor."

"Hindi naman pala siya." Sabi noong isa. "Ido, barilin mo na ito."

"Hoy!" Binatukan noong Uncle Azul ni Leina iyong Uncle KD ni Leina. "Tarantado ka, Kidong. Nananahimik iyong bata."

"Ano bang balak mo sa anak ko, De Angelo?"

"Madrigal po." Pagtatama ko.

"Legal ka na bang Madrigal?" Tanong muli ni Senyor Axel sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Baka kasi hindi siya naniniwala na hindi ako ang bumaril sa kanya. Tinanguan ko siya bilang sagot sa kanyang katanungan. Legal naman na akong Madrigal. Inampon ako ni Auntie at uncle – wala silang anak na dalawa at wala rin naman akong pagsisisi na nilapitan ko silang dalawa noon. Mahal na mahal ko sila at alam kong ganoon rin ang nararamdaman nila para sa akin.

"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko, ano bang balak mo sa anak ko?" Napakamot ako ng ulo, medyo napangiwi pa nga ako kasi iyong kamay na naitaas ko ay iyong may swero.

"Papakasalan ko po sana."

"Bakit mo papakasalan, nag-sex na ba kayo?!" Tanong noong Ninong Ido ni Leina. Siya talaga ang hindi ko makakalimutan sa lahat dahil siya ang nagpabugbog sa akin. Kinabahan naman ako.

Hard to HandleWhere stories live. Discover now