Challenge # 02

54.2K 2.3K 694
                                    

Apologize

Leina's

Nagising ako sa bulyaw ni Popsi. Dinig na dinig ko siya sa kwarto ko. I turned around to check if Annie is still asleep, pero wala na siya sa tabi ko. Malamang nag-jogging siya o baka umalis na para sa practice niya. I tried to sleep again, pero sigaw nang sigaw si Popsi. I sat up and yawned, bumaba na rin ako sa kama para pumunta sa bintana upang silipin kung anong nangyayari. Nakita ko si Popsi, nakaupo sa isang monoblock chair, nagkakape habang nasa pagitan ng dalawang hita niya iyong isang long rage lupua model na rifle. Naka-wayfarers pa ang loko. Sa harapan niya ay naka-park ang tatlo niyang sasakyan niya, the red Mercedes – Benz, the red Chevrolet and the red Jaguar – na madalas gamitin ni Avery.

"Putang ina ka! May putik pa iyong gulong!" Nagulat ako nang sumigaw si Popsi. Noon ko napansing may naglilinis ng sasakyan niya – si Jorge De Angelo. Halatang hirap pa rin siyang gumalaw dahil yata may bali ang kamay niya pero husto siya sa paglilinis ng mga sasakyan ni Popsi.

I don't get why he let him live here just like that. Baka nakalimutan ni Popsi na dahil kay Jorge, muntik na siyang mamatay noon. He was shot in the chest. Nag-agaw buhay siya Araw – araw akong umiiyak noon hangga't hindi siya nagigising dahil ako ang may kasalanan ng pagkakaganoon niya. Mabuti ang dumating si Ninong Ido at Uncle KD noon kundi talagang namatay kaming dalawa, pero nabaril rin si Uncle KD noon, pati si Kuya Solomon at si Kuya Don. Galit na galit si Ninong Ido noong mga panahong iyon – kinuha niya lahat ng tauhang makakalap niya tapos inipon niya sa isang barko, then they sailed hanggang makalabas sila ng Pilipinas saka niya pinatay at pinalabas na pirata ang gumawa.

But he never found Jorge. Nakapagtago ito. Wala akong balita sa kanya until the other night and now he's here.

Isinara ko ang bintana pati na rin iyong kurtina. It's a peaceful Saturday – well hindi na peaceful kasi nandyan si Jorge sa baba. Ayokong magpunta sa ibaba, ayoko siyang makita. Gusto kong tanungin si Popsi kung bakit but he always tells us to trust him at kahit malabo, I will trust him on this one. Kung iisipin, ayos ring nandito si Jorge, mas madali para sa akin na harapin lahat ng kinatatakutan ko pero ako naman kasi iyong hindi handa.

I've decided to join the Apelyido household at 9:30 am. Magluluto pa ako ng lunch namin, pero bago ako bumaba ay tumingin muna ako sa salamin. I always feel good whenever I see my face. Shocks, napakaganda ko talaga. Ako ang pinakamaganda sa aming magkakapatid tapos kung magkakasama kami, ako ang mukhang amo, sila mga katulong. My god. I'm so beautiful.

I took a deep breath before I went out of the room. Nasalubong ko si Momsi tulad ko mukhang kagigising lang niya.

"Hi Momsi, be glad I'm the first one you saw this morning. Gaganda masyado ang araw mo." Hinintay ko siyang maabutan ako. She touched my hair.

"Hindi kaya napalit ka sa ospital anak? O baka naman naslisihan ako ni Thaddeus nang di namin alam ng Popsi mo."

"Eww! Ma!" Sigaw ko. Tumawa naman siya. Humawak siya sa kamay ko at sabay na kaming bumaba ng hagdanan. Pagdating sa may living area ay biglang lumabas kung saan ang PA ni Momsi at binigay sa kanya ang script na aaralin niya for this week. Ako naman ay nagtuloy sa kusina at sinimulan na ang pagluluto.

I have prepared a week menu, kasama pati ingredients at directions on how to cook it para kung wala ako, alam nila kung paano lutuin. Ngayong araw na ito, I decided to cook a very special dish, pork seasoned with sour tamarind, with fresh pechay, tomatoes, green chili topped with chili paste for the added heat – sa madaling salita, sinigang na baboy na may chili paste. Masarap ito, paborito ni Momsi. Teternuhan ko iyon ng inihaw na bangus with itlog na maalat inside.

"Anak, gising ka na pala." Nakita kong pumasok na si Popsi. Hawak niya pa rin iyong baril niya. Inalis niya ang shades niya at sinilip ang ginagawa ko. "Anong ulam natin mamaya?"

Hard to HandleWhere stories live. Discover now