Challenge # 19

47.4K 2.3K 489
                                    

What have you done? 

Leina's

"Annie!"

Sumigaw ako nang malakas nang makita ko si Gabrielle Ann na pinapapak na naman ang Parmesan Chicken wings na niluto ko para sa lunch kasama ang buong pamilya ni Jorge. Ngayon raw sila mamanhikan. Itinaong tanghali kasi mamayang gabi may taping si Momsi, hindi naman pwedeng wala siya ngayon. Siyempre nanay ko iyon dapat present siya sa lahat.

"Napakadamot mo kamo!" Sigaw niya sa akin.

"Mamaya, kakain ka rin naman niyan, kailangan talaga ngayon! Lumayas ka muna at guluhin mo ang iba!" Bago siya tuluyang tumakbo paalis ay kumuha pa siya ng dalawang piraso at sinubo iyon ng sabay. Nagtataka talaga ako kung paano nagkakasya sa bibig niya ang mga kinakain niya. Iyong jumbo hotdog nalululon niya ng isang subuan. Minsan, nakaka-amaze si Annie.

Ninenerbyos ako – siyempre. Paano kung biglang magbago ang isip ni Miguel Jorge? Pero hindi naman siguro. It's been a week since he got discharged from the hospital, okay naman kaming dalawa tapos palagi kaming nag-uusap. Last Wednesday, umuwi siya ng Calapan, Oriental Mindoro, sinama niya si Nico at si Polo Jorge, pinakilala niya kasi ang huli sa iba pa nilang kamag-anakan roon. Si Auntie ay tuwang - tuwa nang makilala ang isa pang kambal. Nbakakatuwa nga. They are both happy, and I am ecstatic kasi nakikita ko na naman iyong mapaglarong Jorge.

Wala ring switching na nagaganap. Nag-aalala nga ako kasi walang switching – pakiramdam ko may masamang nangyari sa ibang personalities ni Jorge nang gabing iyon, pero sabi naman ni Doc Dyosa, nangyayari raw talaga iyon. Relax si Jorge nitong mga nakaraang araw, iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi nagpapakita ang ibang mga jowa ko.

Naipaliwanag ko kay Popsi kung ano ang sitwasyon ni Jorge, as expected, marami siyang tanong, na sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya. Kinabahan nga ako kasi baka kung anong isipin ni Popsi tungkol sa kanya pero nagulat na lang ako sa tinanong niya sa akin – Paano iyon anak, di ang dami mong boyfriend? Bigla na lang akong natawa. I know at that moment, my father has accepted him. Hindi naman maarte si Popsi pagdating sa mga jowa – jowa na iyan, basta may isang rule lang siya, kailangan raw kapag pinakilala namin, sure na kami at dapat raw na makita niyang mahal at aalagaan kami.

Siguro nakita niya iyon kay Jorge. Hindi naman masyadong nakikialam si Popsi sa mga desisyon namin sa buhay, ang gusto niya lang maging masaya kaming lahat at masaya naman ako – sa nakikita ko, masaya rin naman ang mga kapatid ko.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto. Si Momsi ay abala sa pag – uutos kay Avery at Aelise sa paglilinis sa living room. Si Popsi ay inaayos na ang mesa sa dining area. Mukhang sa lahat sa amin ako ang ninenerbyos.

"Popsi, nasaan na iyong mga mahahaba nating corelle na serving plate?"

"Anak nasa ilalim lang iyan, o baka hiniram ni Red." Sabi niya pa.

"Akala ko ba tirador lang siya ng food container! Nakakainis naman gagamitin ko iyon." Napapadyak pa ako.

"Kumalma ka nga, Eleina. Darating sila Jorge, formality lang naman itong pamamanhikan. Jusko, gusto mo sumama ka na umuwi roon mamaya."

"Minsan talaga naiisip kong hindi mo kami mahal." I said. "Kunga nagka-jr ka kaya, Popsi, ipagtutulakan mo rin siyang mag-asawa agad."

"Popsi!" Sumigaw si Annie. "Si Aelise nilagyan ako ng lysol sa buhok!"

"Nauna kasi siya! Pinahiran niya ako ng basahan sa mukha!" Sumbong rin ni Aelise.

"Alam mo nak." Sabi ni Popsi. "Akala ko noong puro babae ang anak ko, nakalamang na ako kina Ido, noong naglalakihan kayo, naisip ko, oo nga puro babae kayo pero daig ninyo pa ang isang dosenang anak na lalaki. Anyway, sanay naman ako. Bilisan mo, mamaya nandyan na sila."

Hard to HandleWhere stories live. Discover now