Challenge # 01

66.3K 2.4K 417
                                    


Pansamantala

Gabrielle Eleina Apelyido's

"So, what do you want me to call you, Eleina or Gabrielle?"

Medyo mayabang itong taong ito. He looked so confident, tapos may ngisi pa sa mukha niyang hindi maalis – alis habang kausap niya ako. Nasa loob kami ng University Library. Nakaupo kami nang nakaharap sa isa't isa. He looked so hambog habang hinihintay ang sagot ko sa tanong niyang wala namang sense para sa akin.

I was always called Leina by my family and friends. Hindi ko nga masyadong gusto ang pangalan ko. Parang pang-matanda na. Tinanong ko minsan kay Popsi kung bakit Eleina, ang sabi niya , iyon raw kasi ang naisip niya pagkatapos niyang makita akong lumabas sa pekpek ng nanay ko. It's weird though – well it's my father he's always weird.

"Araw – araw, after ng last class mo, pupunta ka rito sa Library para sa tutorial. Always be on time. Do not be late. I will pnly wait for you for ten minutes, if you don't show up, then we're over." Walang emosyong wika ko. Member ako ng Help out a student Org ng University, and this boy – guy, whatever her is has a failing grade with our org adviser, kay sir Dimatulac. Kilala si Sir sa pagiging terror, and according to what I've heard about him, apat nab eses na niyang binabagasak ang subject ni Sir. Napansin ko ring mas may edad siya sa akin, pero nasa mas mataas na year ako sa kanya.

Third year college na ako – Culinary Arts ang course ko. I really want an internationally renowned chef. Bata pa lang ako mahilig na akong magluto, and my parents are always encouraging us to do whatever we love. I fell in love with cooking and I am chasing after it now.

"My name is Jorge Madrigal." Pakilala niya sa akin. Kanina pa siya nagpapakilala pero hindi ko naman siya pinapansin. Alam ko rin ang pangalan niya, nandito kasi sa papers na binigay sa akin ni Sir Dimatulac. "Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ko?" Nakahalukipkip na siya noon. Ako naman ay inaayos ang mga modules na sasagutan niya. Magkaiba kami ng course, iyong subject niya kay Sir Dimatulac ay pang first year pa. Nakakaloka, sinong babagsak sa Genaral Science?

"Hello? Pipi ka ba?" Preskong tanong niya. Tinapunan ko siya nang napakasaman tingin. Nakakabwisit iiyong hitsura niyang iyon. Mahaba ang buhok niya, kaya siguro itinatali niyang para siyang bandido tapos may kulay pulang bandanang nakaikot sa may noo niya. May tatlong piercings siya sa kaliwang tainga, ngumunguya siya ng bubble gum, nakaitim siyang muscle sando na tinernuhan ng pantalong sira – sira tapos kulay itim ba combat boots.

"Pinagtatawanan mo ba ang mga pipi?" Biglang wika ko. Mukhang nagulat siyang nagsalita ako. "H'wag mo akong yabangan, please lang, naalibadbaran ako sa mukha mo." Inis na inis na ako.

"Wala akong ginagawa tapos galit ka na? Paano kapag may ginawa ako, baka naman gawin mo ang kabaliktaran ng galit."

"Huh?"

"Galit... Mahal..." I rolled my eyes.

"Rule 1. Don't hit on me. Rule 2. Do as I say para pumasa ka. Rule 3. Makisama ka. This is a tutee, tutor relationship. Outside this library, we're not friends. Bukas ang start ng session natin, please be on time. I value my time, Mr. Madrigal."

"Ang intense mo naman. So, what is it gonna be? Gabrielle or Eleina?" Muli hindi ko siya sinagot. Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. May gagawin pa ako, nakipag – meet lang talaga ako sa kanya ngayon para sabihin sa kanya ang mga dapat niyang gawin habang nagtuturuan kaming dalawa. I left the library and went home straight. Hindi ko na hinintay na sunduin ako ni Popsi, susunduin niya pa sa school si Avery at si Annie saka niya ako dadaanan, nag-text naman ako sa kanya.

Hard to HandleWhere stories live. Discover now