21

1.9K 74 2
                                    

Alissia's PoV

"Hoy Alissia bilisan NIYO na dyan tanghali ka na!!!"

Nahampas ko naman si Fred. Narinig tuloy yung boses ko sa labas ng banyo!! Baka akalain pa ni nanay nagmimilagro kami dito 😑

Kasi naman. Ang harot harot ng lalaking to. Sabi siya na daw magsasabon saken tapos ako daw sa kanya. Pinabayaan ko na lang. Nakapagsex na kami ngayon pa ba ko mahihiya sa katawan ko?

So ayun na nga, hawak hawak niya yung sabon kaso ang tagal magkuskos!! Yun pala pinaglalaruan pa yung sabon! Pagharap ko tumama sa ulo ko yung sabon kasi dumulas sa kamay niya. Hindi ungol yon. Masakit sa ulo yun!!

Nagpeace sign lang sakin si Fred pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Pinulot ko na yung sabon at nagpatuloy sa pagligo nang maramdaman ko siyang yumakap saken

"I love you" sabay halik sa pisngi ko

"I love you too. Bilisan na natin maligo. May matigas na naman sa likod ko 😑"

"Hehe. Sorry. Ang sexy mo kasi ehh"

"Che"

Pinagpatuloy lang namin ang pagligo pero nung matapos kami saka ko lang naisip kung pano kami lalabas dalawa.

"Hoy Alissia ano na tulog ka na ba sa banyo?!"

"Tapos na nay!!"

"Oh kunin niyo na mga panligo niyo sa kwarto kayong dalawa" narinig kong sabi ni nanay kina Jekjek

Maya maya lang din ehh narinig kong kumatok si nanay sa banyo

"Kayong dalawa lumabas na kayo dyan. Agang aga ang libog niyo oy!" Bulong ni nanay sa pinto ng banyo

Binuksan ko naman agad yun

"Nay! Wala kaming ginawa naligo lang!"

"Aysos wag ako Alissia. Papunta ka pa lang pabalik na ko! Bihis na don! Wag kayong magsasabay pagbubuhulin ko na kayo"

"Nay naman"

"Lakad na! May pasok pa mga kapatid mo di makaligo sa inyo!"

"Pasensiya na po. Nagtipid lang naman po kami sa tubig" Fred

"Nako wag ako!"

Pinabayaan na lang namin si nanay at pumunta na sa kwarto ko

"Ikaw kasi ang harot harot mo ayan tuloy!"

"Hahaha hayaan mo na Alissia. Naiintindihan naman tayo ng nanay mo"

"Ayy ewan ko sayo"

Pagkabihis namin nagpaalam na kami kay nanay at pumunta na kami sa pinagttrabahuhan ko

"Alissia?"

"Oh?"

"Wag ka na magtrabaho"

"Ha?"

"I don't want you to be at risk sa tuwing pupunta ka sa trabaho. Baka mamaya mapaano pa kayo ng anak ko"

"Fred, hindi pwede. Pag hindi ako nagtrabaho walang babaunin mga kapatid ko"

"What if ako na bahala sa inyo?"

"Ha?"

"Kaya ko naman kayo suportahan ehh. Ako na lang muna bahala Alissia"

"Pero Fred..."

"Please? Kahit hanggang sa manganak ka lang? Let me do my part?"

"Anong gagawin ko?"

"Wala. Just rest and take care of yourself and the baby. Yun lang"

"Parang di naman ako mapapakali na walang ginagawa"

"Take care of me. That'll make you busy"

Bakit ang sexy nung pagkasabi?? Aish!!

"Pinagnanasahan mo na naman mukha ko"

"H-hindi no!! Batbakasianggwapomo"

"What? Hahaha"

"Wala 😣"

"Wag ka mag-alala. Sayo lang ako" sabi niya sabay halik sa labi ko

Kinikilig ako 😣

"Teka nga maiba ako. San ka pupunta pagkahatid mo saken sa trabaho?"

"Who said na 'ihahatid' lang kita?"

"Ha?"

"Magsstay ako sa work mo baby"

"E-eh?!"

"Hanggang nagttrabaho ka dun hindi kita iiwan no. May kutong lupa ka kayang kasama tch"

"Nagseselos ka talaga kay Gary? Haha"

"Oo. Kaya pwede ba pakiiwasan tch"

"Bat ang cute mo magselos? Haha"

"Di ako cute gwapo ako 😑"

"Hahaha. Cute o gwapo basta ikaw yung mahal ko no"

"Dapat lang! Baka makapatay ako ng kutong lupa"

"Fred naman! Tsk!"

"What? I don't share what's mine 😑"

Make Out With MeWhere stories live. Discover now