16

2.2K 94 0
                                    

Pagdating sa bahay hindi pa rin niya ako binibitawan

"Nay? Jekjek?? Katring? Andito na ko!"

"Bakit ngayon ka lang?! Nag overwork ka na naman ba?! Di ba sabi ko sayo wag kang magpapagod at delikado sa- sino ka??"

Naputol ang pagrrant ng nanay ko nang makita kung sino ang kasama ko... na kahawakan ko pa rin ng kamay hanggang ngayon.

Bumitaw saken si Fred bago lumapit kay mama at nagpakilala

"Fred Terry mam. Tatay ng batang dala dala ng anak niyo"

"Ikaw??"

"Yes mam. I apologise if I hadn't been with her in the past months. Pangako babawi po ako"

"Fred..." hindi naman niya kasalanan yun ehh

"Pumasok na nga muna kayo pareho." Sabi ng nanay ko

Inalalayan naman ako ni Fred papasok ng bahay

"Fred..." bulong ko sa kanya

"Hm?"

"Hindi ka dapat nagsosorry kay mama. Wala ka namang kasalanan eh"

"No Alissia. Wala ako sa tabi mo for three months. I should've been there"

"Pero kasalanan ko yun"

"Let's just make up for the lost time okay?" Sabi niya bago hinila ang kamay ko para halikan yun

"Alissia, iniinom mo ba mga vitamins mo ha?"

"Opo nay."

"Bakit ba ngayon ka lang? Pano kung nahamugan ka sa labas? Tsk"

"Sorry mam. Kinausap ko po kasi si Alissia kaya siya natagalan umuwi" sabat ni Fred samin ni mama

"Tungkol san?"

"..." hindi nakasagot agad si Fred kaya ako na ang sumagot sa nanay ko

"Tungkol samen nay. Siya yung nabanggit ko sayo na ginulo ko yung buhay sa Maynila. Na nahantong nga sa nangyare kaya ako buntis ngayon"

"Ahh. Ehh mukhang ayos naman ang usapan niyo?"

"Opo nay."

"Humingi ka na ba ng paumanhin Alissia ha? Basta mo na lang iniwan yang si Fred di ba?"

"Sinabi ko na lahat nay. Kahit nagulat ako sa pagkakita ko sa kanya kanina."

"Pano mo natunton ang anak ko?"

"I didn't stop. Simula nung araw na umalis siya hinanap ko na po siya sa lahat ng alam kong lugar. I didn't even know why I did that before I realized I love her. Hangang sa dinala na nga po ako ng mga impormasyon dito sa lugar niyo ngayon"

"Galit ka ba sa kanya?"

Ewan ko ba pero kahit sinabi niya na kanina na hindi I still wanna hear what he's about to say

"Noong umalis po siya, nasaktan ako" sabi niya bago hinawakan ang kamay ko "pero nas matimbang pa rin po saken yung tinitibok ng puso ko ngayon. Lalo pa't nalaman ko na nagbunga yung nangyare samen. Parang nawala lahat ng sakit mam"

"Fred..." ewan ko ba kung dahil sa pagbubuntis to pero hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko

"Hey... why?" He asked wiping my tears away

Umiling lang ako. Andaming nangyare sa araw na to. I've seen him again after a while tapos ganito pa. We admitted to each other how we feel tapos ngayon humaharap siya kay mama as if everything was normal.

"Stop crying now baby. Andito na ko"

Nagulat ako sa sinabi niya

"B-baby?"

He smiled

"Yes. Tahan na okay?"

"Oh siya siya kumain na kayong dalawa dito. San ka nakatira Fred?" Mama

"Ahm kumuha pa lang po ako ng kwarto sa hotel malapit dito eh"

"Nako gumastos ka pa. Bukas dito ka na manatili sa bahay. Sa kwarto ka na ni Alissia matulog, tutal matanda na naman kayo at may anak na din ehh alam niyo na naman yan"

"Oo nga. T-teka hanggang kailan ka ba magsstay?"

"I told you hindi na ko aalis sa tabi mo"

"Pero di ba may trabaho ka pa? Okay lang ba talaga na wala ka dun?"

"They need me in the company kaya hindi nila ako matatanggal basta basta. Ako na bahala magsabi okay? Wag mo na alalahanin trabaho ko"

"Baka lang kasi..."

"Stop overthinking will you. Tara na kumain na tayo para makapagpahinga ka na din" sabi niya sabay gulo ng buhok ko

Make Out With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon