14

2.2K 86 0
                                    

I followed her to where she was going. Walang nagsasalita saming dalawa. I can't start the conversation. Gusto ko siyang mauna. I want to hear everything from her.

Pagdating namin sa parke umupo lang kami sa isang bench don nang wala pa ring nagsasalita.

After a few minutes, sinimulan ko na ang pagsasalita dahil wala kaming patutunguhan pareho sa ginagawa namin

"Akala ko because you were the one who asked for that make out thing to happen... ikaw na yung babaeng hinihintay ko. Akala ko ikaw na yung taong hindi magkakaron ng dahilan para iwan ako. Akala ko lang pala lahat ng yon Alissia. Ang sakit. Inulit mo saken yung sakit na maiwan. Para akong siraulo nung umagang yon na sobrang saya pero paglabas ko ng kwarto... wala ka na pala. Anong nangyare Alissia? Bakit? Why didn't you even bother to say goodbye?"

"Fred..."

"Pagod na pagod na ko nang mga panahong yon na umasa na may magsstay. Pero dumating ka. Ginulo mo buhay ko Alissia. When I took the chance na papasukin ka sa buhay ko, dun ka naman umalis."

"I'm sorry"

"Bakit Alissia? Gago ba akong tao sa paningin mo? Did you think hindi ako matino? Na hindi ako yung taong mapagkakatiwalaan mo?"

"No! Hindi ganun yun Fred!"

"Then why did you leave me?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin diretso sa mga mata niya

Alissia's PoV

I sighed before speaking.

"Nung sinabi ko sayo na gusto ko ng make out. I meant that. That was the time na sarili ko naman yung iniisip ko Fred. For years, I lived for everybody else na nakalimutan ko nang maghanap ng kaligayahan ko. I decided na magpunta sa bar. That's where I met you"

"That still doesn't answer the fact that you left me"

"Hindi ko ginustong umalis Fred. Believe me. Pero-"

"Pero ginawa mo pa rin. Ramdam na ramdam ko pagiging walang kwenta ko Alissia sa ginawa mo"

"I have no choice Fred. When I gave myself to you that night, wala sa plano ko ang umalis, but then the unexpected happened"

"What kind of unexpected that you didn't even bother telling me?"

"Naghihingalo ang tatay ko dito sa probinsiya nung umalis ako. When I arrived here, that was only minutes before he passed away. Kung hinintay pa kitang magising non baka hindi ko na inabutan ang tatay ko"

"I asked you why Alissia. Pero hindi mo sinagot ang text ko"

"I didn't think you have to know that stuff at that time"

"Bakit? Because I'm just someone you want to experience s*x with? Na wala akong halaga sa buhay mo?"

"When I decided to give myself to you. Alam ko sa sarili ko na iba ka sa mga lalaking nasa paligid ko. I know you were someone special Fred. You're not just someone I wanna have s*x with. Mahalaga ka saken Fred. I realized that these months na hindi kita nakikita"

"Alam mo ang number ko Alissia. You should've contacted me at least"

"Nanakaw ang cellphone ko kasama ang sim. Kaya gustuhin ko mang kontakin ka hindi ko saulo number mo. Sa totoo lang bawal akong mastress pero hindi ko maiwasan. Kasi lagi kitang naiisip. Na baka ganito ang iniisip mo sa ginawa ko. At mukhang tama nga ako"

"Pero hindi naman kita masisisi kasi kasalanan ko din ehh. I wanted to explain myself pero the means of communication I have with you was lost. Gusto kitang balikan, pero hindi ko pa kaya. Kailangan pa ko ng pamilya ko dito Fred. Simula nung nawala si tatay ako na tumutulong sa kanila sa pang-araw araw na gastusan"

He was silent afterwards kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.

"Believe me. Meeting you was one heck of an experience. Hindi ko din naman inaasahan na makikita kita dito. Kaya nagulat ako kanina. Sino ba naman ako di ba? I'm just someone who offered herself for a make out with you. No strings attached. No feeling involved dapat kaso... nag-iba tibok netong puso ko sayo ehh. Ilang buwan tayong di nagkita pero sa lahat ng alaala na meron tayo hindi ko alam pero minahal na ata kita"

Make Out With MeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ