The meeting ended, at pinatawag ang mga team leaders. Naiwan naman si Luel kasama ang mga babae niyang ka-team. "Any idea what your sphinx is?" Tanong ni Arenspade. Gusto na rin ni Arenspade kumuha ng mga missions. Of course, hindi siya magpapatalo kay Elara!

Umiling naman si Luel. She has heard of Aerilonians who have dreamt of their sphinxs bago pa man ang mismong calling. May iba namang nakikita na agad ang soul ng sphinx nila bago pa mismong makita ang physical form. Pero ang mga 'yan ay hindi nangyayari kay Luel, not even once in her life.

"Really? You're powerful. Imposible naman yatang hindi man lang nagparamdam ang sphinx mo," wika ni Zia.

"Ang sama ng tingin sa'tin ni Elara," sambit ni Zian. Napatingin naman si Luel, e sa kaniya lang naman nakatingin si Elara. Huh?

"Hoy, Zian! Tinitingnan mo na naman si Elara. 'Wag ko d'on, panget," bulyaw ni Arenspade.

Malakas namang tumawa si Zian, "Selos ka lang, bebe." Umirap naman si Arenspade, at nag-martsa na palayo.

"Anyways, tara na sa training room natin? Mukhang papunta na r'on si Arenspade," singit ni Zia, at hinila na sila palayo.

May iba rin naman na papunta na rin sa training rooms, habang si Zian naman ay papunta sa library para makahiram ng book of sphinxs. Hinanap naman nila mula sa basement ang kanilang training room, at dahil alphabetically arranged ang rooms, nakita agad nila ang room nila— Aryan.

Si Arenspade ang unang pumasok bilang assistant team leader. Napapalakpak naman siya nang makakita ng portraits nila sa wall.

"Waaah! Ang ganda ko rito," sambit naman ni Zia habang nakatingin sa portrait niya. Sa background ay makikita ang kanilang sphinx. For Zian, it was a Simoorg, a peacock with the claws of the lion. For Arenspade, it was a gumiho, a nine-tailed fox. For Zia, it was a Fenrir, or a monstrous wolf.

Luel looked at hers, at wala pa siyang sphinx sa background. Napatingin naman siya doon kay Zach, at napansin ang three-headed dog, Cereberus.

She sighed, gusto niya na tuloy palabasin ang sphinx niya. Nagulat naman sila nang may malakas na kumatok.

Nag-taas kilay si Arenspade, "Sino 'yan si Zian or Zach? Ang tange naman n'on, mababasa naman ng doorknob ang fingerprint ng kamay niya."

Si Zia naman ang lumapit para buksan ang pinto, nalaglag naman ang panga niya nang makita ang Team Narain doon. Luel turned to look at them, at nagtaka siya nang makita si Alcaeus. I thought they were having a meeting?

"Hey, Pres! What brings you here?" tanong ni Arenspade, at bumaba ang tingin sa librong hawak-hawak niya. A Limited edition book for Sphinxs!

"Uh, gusto ko sana kausapin si Luel?" wika ni Alcaeus at ngumiti. Mapanuksong tumingin naman si Arenspade kay Luel, bago siya hinila papunta sa may pinto.

Nagkatinginan naman si Avarice at Luel. Luel asked her with her eyes, anong meron? Nagkibit-balikat lang si Avarice.

Tumingin naman si Luel ngayon kay Alcaeus na nakangiti sa kaniya. What the heck? react ni Luel sa isip niya.

"We're going to Helevetik Kingdom for our mission, and it may last a week," inform ni Alcaeus. Pumikit-pikit naman si Luel, oh tapos?

Nang hindi naman magsalita si Luel ay binawi agad ni Alcaeus ang sinabi niya, "uhm, share ko lang naman po."

Tumango-tango naman si Luel. Inabot naman ni Alcaeus ang librong dala niya, "Well, I thought of giving you this para mapabilis ang pagpapalabas ng sphinx mo."

Luel looked at the book. She scoffed, "Alcaeus, you're being too naive. We are your enemy team, bakit mo naman kami or ako tutulungan?"

"Gusto ko, Luel," sagot naman ni Alcaeus at mas inabot ang libro.

Luel raised an eyebrow, "Have you forgotten what I told you?"

Umiling naman si Alcaeus at ngumisi, "Hinding hindi ko po malilimutan. However, I think I could never consider you an enemy. How would I when I like you?"

Nagulat si Luel, at napa-ubo naman si Arenspade. Magsasalita na sana si Luel nang biglang may humbalot ng libro mula kay Alcaeus.

Zach smiled, "Thanks for this, Alcaeus. Huwag kang mag-alala, susunod din kami agad sa Helevetik Kingdom. Don't disturb my team mate."

Hinila naman ni Zach si Luel papasok sa loob ng training room, at bahagya niyang tinapik ang balikat ni Alcaeus, "May your sphinx bless your journey."

Mabilis na pinagsarhan ni Zach ng pinto ang Team Narain, bago lumingon sa mga ka-team niya. He looked at Luel, and threw the book to her.

Umiling si Zach habang nakangiti, but it was not a genuine smile. "Lakas mo ah," asar niya kay Luel.

Aerilon Academy
By lostmortals
Plagiarism is a crime.

Characters added:
Zian Yaiser and Zianna Yassie Williamsburg by gggraceyy

Thank you for reading!

Aerilon AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon