Chapter 3

14K 711 116
                                    

"Gail, wake up."

Unti-unti akong nagising dahil sa mahinang pagyugyog sa'kin. Kinusot ko ang mata at nabigla nang mapansing kaharap ko lang siya. What the...

"North? Bakit — ano —"

"Gail," Natawa siya sa pagiging disoriented ko. She tapped my head affectionately and I felt myself waking up with the sudden rush of my heart. "Wala ka sa bahay. We have a date, remember?"

"D-date?"

Nananaginip pa ba ako? Anong date? Kailan nagkaroon ng date? Nilibot ko ang paningin at napagtanto na nasa sasakyan ako. Teka, nalulutang ako.

Tinawanan niya ulit ako. Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa embarrassment. I don't know kung pinagti-trip-an niya ba ako o ano.

"Friendly date, Gail." She shook her head while chuckling. "Hindi ka na nagbago, may pagkabangag ka pa rin."

Then it hit me — I picked her up, let her drive the car because I just couldn't say no, and had the audacity to fall asleep several minutes later.

Oo nga pala! Shit!

May lakad nga pala kami! I should remind myself to never sleep lalo na kung wala ako sa sariling pamamahay. Nagkaka-temporary amnesia ako kapag wala pa sa wisyo.

Pero — kilig ako sa date. Iyon nga lang ay friendly date. Hay. Life is hard and unfair.

"Halika na."

Lumabas siya ng sasakyan at sumunod naman ako. She swiftly passed me the car key and gave me a thank you gesture which I returned with a shy and awkward smile.

Paglabas namin ng parking lot ay napatitig ako sa two-storey building — it was a coffeeshop. Mula sa puwesto namin ay tanaw ko sa glass wall yung loob ng lugar.

I read the name of the establishment — Archery Cafe & Co.

"Let's go."

Hinawakan niya ako sa braso kaya halos magkasabayan lang kaming pumasok sa loob. Wala gaanong tao. Iyon ang napansin ko. Siguro hindi lang talaga peak hour ngayon.

There were lots of pictures displayed on the white colored wall laced with golden linings. Halos lahat ng larawan ay may double meanings, ang lakas din maka-humor. The place was a combination of industrial and vintage style from tables to its decor, everything matched elegantly.

The place is very expressive, entertaining, yet — classy.

May mahinang background song din ang pumapailanlang sa lugar. I automatically smiled when I recognized the song — One More Light by Linkin Park.

"Still a Linkin Park fan?" Tanong ni North nang mapalingon siya sa akin at napansin ang reaction ko. Walang salitang tumango naman ako.

Their songs never gets old. Iilan na lang talaga yung mga kantang may sense these days. I don't know. I can't understand sometimes why people loves listening to songs na tono and beat lang naman ang nagdala. Agreeable naman na ang daming kanta na nakaka-LSS, but maybe it's up to each person's preference din talaga.

"Too bad that Chester's already gone." Napapailing na saad nito.

"He's gone but not his legacy," I answered. Napangiti siya sa sinabi ko.

A person's life may end — we will all get to that ending — pero hindi mawawala ang alaalang iniiwan natin sa mga taong nakilala tayo. We will disappear but all the impressions, all the good deeds — everything we did will always remain for those that are still here.

Those who died will always be remembered one way or another.

Akala ko maghahanap na kami ng table pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang pumunta kami sa itaas na floor ng lugar. Napatitig ako sa bumungad sa amin.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon