Chapter 12

11.4K 683 178
                                    

Foundation's Day. Tapos Valentine's Day din.

Ang daming nagkalat na mga stand ng bulaklak. Huminto ako sa isang stand para bumili, nakasanayan ko na rin kasi na tuwing ganitong event ay bibili ako ng roses para sa mga kaibigan ko. Sana may nagdala sa kanila ng chocolate dahil gusto kong kumain ng matamis.

"Dami naman."

Napalingon ako sa nagsalita dahil familiar yung boses na 'yon. Napailing na lang ako dahil si Rosendale lang naman pala.

"Para kina North tsaka sa ibang friends namin 'to."

"Ah, akala ko kay Hansen lang."

Parang gusto ko siyang batukan. Hanggang ngayon inaasar niya pa rin ako ro'n sa tao, eh, girl crush ko lang naman si North.

Napatitig na lang ako nang bumili rin siya ng roses.

"Kanino mo ibibigay 'yan?"

"Hansen and Valencia." sagot niya. So, pati pala yung president namin ay bibigyan niya.

Sabay na kaming naglakad papasok ng school. Dahil may event, hindi required na mag-uniform basta suot namin ang school ID. May mga estudyante kasing nagpupuslit ng mga kaibigan nilang hindi naman dito nag-aaral. Okay sana yung ID-ID na 'yan kaso meron at meron talagang nakakalusot.

"Lesbian ka ba, Rosendale?" tanong ko dahil parang wala lang sa kanya yung pang-aasar na ginagawa. Appearance wise babaeng-babae siya, pero hindi naman lahat ng lesbian kailangan cross dresser. Naisip ko lang naman, hindi ko rin naman siya kilala talaga.

"Pakialam mo?"

"Aba't ─"

"Si Hansen ba, nasa praktis?" Pagputol niya sa akma kong pagrereklamo. Itong batang ito, akala mo wala kaming age gap kung makipag-usap siya.

"Oo, maaga siya pumasok para sa praktis nila." Sumagot na lang ako ng maayos dahil feeling ko mapipikon lang ako o ano kapag pinush ko pa yung kaninang topic. Kung ayaw naman niya sagutin, ayos lang din naman.

Bukas pa yung actual game nina North, nasa soccer team kasi siya. Siyempre tuwang-tuwa na naman 'yon dahil hindi niya kailangan um-attend masyado sa mga klase dahil varsity player. Ang nakakapagtaka lang sa kanya, kahit babad siya sa araw, namumula lang siya saglit tapos babalik din sa dating kutis.

Ako kasi kapag nangitim ay iyon na 'yon. Nababawi ko na lang ulit kulay ko kapag bakasyon then the cycle repeats.

Nasa practice din si Jean at Apple dahil sa softball naman sila. Bukas din ang game at mabuti na lang magkakaibang schedule ang mga kaibigan ko so pwede namin mapanood ang isa't-isat ─ unless hindi sila payagan dahil baka mag-practice pa before the game.

Kami lang ni Yuka ang walang ganap kapag ganitong event. Naaya naman ako sa basketball ng president naming si Chandria ang kaso ayoko talaga maglaro kapag ganito. Okay na ako sa mga simpleng laro-laro lang kapag gusto ko magpalipas ng oras.

Si Jade naman kasama yung mga kabanda niya dahil mamaya naman yung Battle of the Bands. Guitarist siya ng group, may boses naman siya pero ayaw niyang kumanta, kaya yung bass guitarist nila ang vocal.

Todo paalala pa siya na manood kami. Nakakapagod pa naman mag-stay buong araw sa school pero sige na lang. Support kasi friends, eh. Kung hindi lang dahil sa kanila, hindi talaga ako a-attend dito.

"Aray ko naman," Muntik na akong matapilok nang basta na lang niya akong hilahin. "Excited ka magbigay ng flowers? Sa crush mo talaga 'yan, 'no?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon