Chapter 20

12.4K 803 273
                                    

Gusto ko na lang saktan ang sarili ko madalas.

Kung anu-anong browser na ang nakabukas sa laptop ko kaka-search ng date ideas para sa first date namin ni North pero sa bandang huli ay nauwi ako sa pinaka-simple sa lahat ─ dinner date.

Kung hindi lang sana ako nagpadalus-dalos ay sana mas planado ko pa lahat. Pero ngayon wala akong choice kung hindi mag-settle sa kung anong nakikita kong best at the moment. Alam ko naman na hindi si North yung tipo na mai-impress sa material na bagay. She's really down to Earth at kahit anong elegante niya tingnan ay siya iyong klase ng taong hindi magb-brag about something na materialistic in nature. Sa totoo lang ay isa na siya sa pinaka-simpleng tao na nakilala ko. She's just too sophisticated even without trying.

Hindi na nakakapagtaka kung marami ang nahuhumaling sa kanya at isa na ako roon.

Natigilan ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Ang swerte ko pala talaga na napapayag ko siya kahit ganito ako, parang sira lang na kapag siya ang usapan ay nagmumukha akong ewan.

I just hope she'll like where I'd take her kahit ang rush ng plan.

I messaged her that I'll pick her up sa kanila para makapag-ayos din siya at kung anong oras. In terms of what to wear, I just told her to dress whatever she feels comfortable wearing. Everything was okay, I also contacted the place kung saan ko siya dadalhin para lang makasigurado na hindi ako papalpak sa area na iyon at baka mamaya pumunta kami roon tapos wala palang puwesto or something. Optional lang naman to book a reservation but I did it anyway since they also accept same day reservation.

Of course I'd want to get the best spot for her.

I want everything to be smooth, at least kahit man lang sa ganoong part. I want to look great in front of North Hansen. Ilang taon na naming kilala ang isa't isa pero gusto ko pa ring magpa-impress kahit papaano.

Huminga ako ng malalim, ilang beses ko rin na ginawa iyon dahil kahit anong pag-prep ko sa sarili ko ay nat-tense pa rin ako. Sino ba namang hindi? Kung magiging ka-date mo ba naman yung crush ng karamihan mula highschool hanggang college at hindi malabong maging ng mga kasamahan niyang guro sa university na pinapasukan niya, sure ako kahit sino ganito ang mararamdaman.

Ilang beses akong nagpabalik-balik sa salamin, chine-check ang reflection kung ayos na ba ako dahil ilang beses na akong nagpalit ng damit para lang malaman kung anong babagay sa akin. Sa huli ay nag-settle ako sa gray highwaist na trouser na pinaresan ko ng heels na saktong hindi ako mamamatay sa taas ng takong at sa pantaas kong cream colored na long sleeve buttoned polo blouse.

I want something a little bit formal but casually engaging. Kung saan ko man nahugot ang ideyang iyon ay sa Google lang din. Lahat na yata ng sites ay pinatulan ko para lang sa araw na ito.

I just hope I don't look like I'm trying too hard ─ kahit totoo naman.

Hinayaan ko nang nakalugay ang hanggang balikat na buhok ko at bahagya na lang iyong ni-curl para magmukhang may volume. Confident naman akong maganda ang hair ko, pero maiba man lang. Nag-spray ako ng katawan bago dalhin ang maliit na shoulder bag na naaayon lang sa suot ko.

I double checked everything, at nang masiguradong wala akong naiwan ay saka ako lumabas at pinaandar ang sasakyan ─ na siyempre ay sinigurado ko ring full tank dahil mahirap na, baka hindi nga kami sa restaurant magka-aberya, biglang sa sasakyan naman.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang i-rehearse kung ano bang dapat kong sabihin once na makita ko siya. Should I greet her first? Or compliment her as a greeting? I know for sure she'll look gorgeous in whatever she wears.

Pagbubuksan ko siya ng pinto ng sasakyan tapos ano? Anong dapat namin pag-usapan? Gosh, hindi pa pala ako prepared sa conversation part.

Mas maayos pa kami mag-usap noong hindi pa ako ganito kaaligaga.

Ang bilis lang ng oras, para bang nakikisama ang flow ng traffic at mabilis akong nakarating sa kanila. Paghinto ko pa lang ng sasakyan sa bahay ni North ay saktong lumabas siya sa gate. Napansin kong bukas ang karamihan sa mga ilaw sa malaking bahay niya pero mabilis na nawala ang atensyon ko dahil sa kanya. Pagbukas ko ng pinto at paglapit sa kanya ay para bang nahuhugot ang hininga ko habang ina-absorb ng pagkatao ko ang kabuoan niya.

North and her ethereal beauty...

Hindi ko alam, para bang wala namang salitang makakapag-describe kung gaano siya kaganda ngayong gabi. Para bang mas na-emphasize lang ng natural na liwanag ng buwan at mga post light sa paligid na tumatama sa kanya kung gaano siya kakaiba.

She's wearing an outfit almost similar to mine ─ ang pinagkaiba lang ay gray ang buttoned polo blouse niya at short sleeve iyon, samantalang cream ang shade ng suot niyang trouser. Her hair was tied in a messy bun, a few strands of her hair kissing her skin softly. She's so...

Napalunok ako. "H-hi."

She chuckled. "You're pretty."

Wait, parang sabi ko sa rehearsal ko kanina ic-compliment ko siya? Bakit isinaisip ko lang lahat?

"Salamat," nahihiya kong sagot. Basta kapag kay North galing para akong matutunaw na hindi ko maintindihan. Hindi pwedeng ganito ako buong date namin at baka hanggang dito ay siya ang magdala ng sitwasyon. Gail, ayusin mong buhay mo! "Mas maganda ka, North."

Sa kabila ng kakaunting liwanag na bumabalot sa paligid ay napansin ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya. Ang hirap minsan maniwala na kaya kong mapa-blush ang tulad niya ─ na sanay na sanay na sa lahat ng magagandang compliment. Parang ang haba naman yata ng hair ko masyado ngayong araw.

"T-tara na?" Pag-aaya ko. Okay na sana kaso anak talaga ng tupa, hindi na yata didiretso dila ko sa pagsasalita kapag siya ang kaharap.

"Sure," Nginitian niya ako.

Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago ako pumasok sa kabila. Maingat akong nagsimula sa pagmamaneho. Hindi ko sinabi kay North kung saan ang punta namin pero hindi naman iyon ganoon kalayo lalo na at may sasakyan naman kaming dala. Sana lang talaga makisama ulit ang kalsada at hindi maging traffic masyado.

"Play akong music?" Tanong ko. Para kahit papaano ay hindi awkward just in case matameme ako buong byahe.

"Sige."

Tiningnan ko siya saglit bago i-play yung song at ibaling ang atensyon sa kalsada. Buti na lang talaga at handa ako, I made sure na lahat ng maririnig niya ay pasok sa taste niya. Sinakto ko lang ang volume ng pinatutugtog para nakaka-relax and at the same time ay makakapag-usap pa rin kami.

"Took you a while,"

"Huh?" Hindi ko masyado nakuha yung sinabi niya.

Ramdam kong lumingon siya sa akin kaya para akong naestatwa na naman at diniretso lang talaga ang tingin sa kalsada. "Took you awhile before you get to ask me out."

Naramdaman kong parang umakyat na yata hanggang bumbunan ang init ng mukha at tainga ko dahil sa narinig. Sa way ng sinabi niya ay para bang pinaparating niya sa akin na...na hinihintay niya ako. "Uh, ano...kasi...nakakatorpe ka?"

Parang gusto ko na lang ilibing ang sarili ko.

"So...kasalanan ko?" Ramdam ko yung mapaglarong tono sa boses niya pero parang kapag may mali sa sagot ko ay lagot ako.

"H-hindi sa gano'n, ano lang kasi...basta."

"Hmm?"

"Torpe lang siguro talaga ako." Hindi ko maiwasan mapakagat sa labi ko. Totoo naman kasi. Bukod sa pakiramdam na parang ang hirap niyang maabot ay parang in born na yata sa akin ang pagiging torpe.

"Binibiro lang kita," Tumawa siya ng mahina. Natigilan ako nang marahang humaplos ang kamay niya sa balikat ko pababa sa braso, bago niya bawiin ang kamay. Hindi ako prone to accident pero parang ganoon yata ang punta ko kapag si North ang katabi, buti na lang talaga at mahigpit ang hawak ko sa manibela. "You're so stiff. Relax, Gail."

Jusko, paano ako magr-relax?

_____

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon