Chapter 25

12.3K 804 235
                                    

"Bakit gusto mo rin ng babae?"

Napalingon sa akin si Jade. Yung tingin niya sa akin para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. "Anong klaseng tanong 'yan, North?"

"Curious lang ako," sagot ko.

Nag-out siya sa amin nina Jean no'ng second year highschool kami, na gusto niya rin daw ng babae. That she's swinging both ways. Akala namin dati nagj-joke lang siya kasi tawa lang siya ng tawa tapos ayaw niya man lang kami i-correct sa mga tanong namin.

After that, I went home and asked my Mom kung ano yung ganoong tao. Muntik pa magalit si Dad no'n kasi akala niya I was asking because I'm starting to like girls.

Mama told me na bisexual ang tawag sa gano'n, someone who's attracted to both genders.

Matapos no'n, nagpakilala na lang si Jade ng girlfriend niya raw. Schoolmate namin yung babae na higher year pa nga. Hindi rin naman nagtagal, sabi ni Jade crush niya lang daw yung babae.

Tapos nagka-boyfriend naman siya. Salit-salit lang siya magpalit. Minsan babae, minsan lalaki. Lahat naman hindi nagtatagal.

Naisip ko baka wala lang siyang magawa, probably she's just enjoying her youth. Kasi ganoon naman, hormonal, maraming gustong i-try.

Siguro hindi lang talaga ako ganoon. Wala naman akong gustong subukan, pero curious pa rin naman ako, just not enough to go ahead and try. Gusto ko lang magmasid, gusto kong nakikitang nag-u-unravel yung mga bagay na gusto kong malaman sa harapan ko mismo.

Gusto ko lang maging spectator, at hindi part ng stage na tinitingnan ko.

I like it, I'm interested with merely observing. Maybe because I grew up not wanting anything, hindi ko alam kung anong gusto ko.

"Ewan ko rin," Napatingin ako sa kanya. Isinandal niya ang sarili sa barrier, pagkuwan ay naupo ro'n. Nandito kami sa overpass at nakatambay dahil ayaw pa raw niyang umuwi tapos ako naman ang hinila niya para samahan siya. "Basta nagkakagusto ako."

"Parehas lang ba yung gusto tsaka crush?" Hinapit niya ako at pinatalikod sa kanya. She was hugging me from the back, her arms leaning on both of my shoulders. "Ano, Jade?"

"Ewan, depende? Usually naman kapag crush mo, gusto mo rin. Pwede ring crush lang pero hindi technically gusto. Pwede ring gusto mo pero hindi mo crush. Kasi may crush na platonic, merong hindi. Alam mo kasi walang value minsan yung words since laging nac-correlate sa mga similar terms. Gano'n lang 'yon." mahabang paliwanag nito. "May crush ka ba?"

Umiling naman ako. Pero hindi ko rin alam kung bakit pumasok sa isip ko yung kaibigan namin na si Gail. Classmate namin siya mula first year hanggang ngayong fourth year na kami sa highschool.

Isa siya sa mga nauna kong nakilala, sila ni Jean. Then sumunod na sina Apple at Yuka. They're interesting and gusto ko silang lahat na kasama.

Nire-respect nila yung solitude ko, o kung anong gusto kong gawin. Kapag gumagawa ako ng lusot para hindi maka-attend ng klase, nandoon din sila.

Ayoko talagang nag-aaral kahit sabi nila matalino naman na ako. Nakakatamad tsaka boring. Alam ko naman na karamihan ng tinuturo.

Marami kaya kaming books sa bahay. Hindi ko lang masabi kina Jade kasi ano naman kung meron? Ayoko na lang sabihin, kasi parang nagb-brag lang ako no'n. Gusto ko lang ng ganito na tinatrato akong ka-level nila, na wala silang kailangan i-expect sa akin.

Siguro asset ko na lang din na mabilis kong maintindihan ang lessons. Pero kahit ganoon, wala, gusto ko pa rin maging low profile. Ayoko ng pinapansin. Hindi maganda sa pakiramdam.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon