Chapter 30

12.4K 798 130
                                    

Nagulat ako nang bigla na lang akong paulanan ni Yuka ng confetti kuno pero mga yellow papers lang talaga iyon na hindi ko pa sure saan niya nakuha.

"Den-den-denen," Hindi ko alam kung mahihiya ako o ano dahil tune ng pang-wedding ang hina-hum ni Yuka. Jean! Kung hindi ka lang talaga buntis! "Den-den-denen..."

Hindi na ako nakatiis. Nilapitan ko si Yuka, hinila siya paupo at kinurot sa pisngi ng madiin.

"Aray!"

"Ang kulit mo!"

Tawa-tawa lang siya habang si Jean naman ay aliw na aliw sa amin na akala mo napaka-inosente niya. Siya nga may pakana ng lahat. Yung asawa naman niya ay nasa may gilid lang na parang hinahayaan lang kami, but I can see him smiling kahit nagpapanggap itong abala sa laptop.

"Kainis ka, Jean," Hindi ko na napigilan umungot.

"Sorry na nga," Pinahawak niya sa akin yung tiyan niya. "Nadulas si baby."

Tiningnan ko siya at pinanliitan ng mata. "Hindi pa nga nalabas yung bata, sinisisi mo na agad sa pagiging madaldal mo."

Wala pa nga akong halos pahinga, ngayon pa lang sana. Pero itong mga kaibigan ko, gabi na tapos bigla na lang akong pinapunta rito sa bahay nina Jean at sinabing dito kami matutulog. Wala naman akong choice, kahit si Ian kinausap na ako dahil ang kulit daw ng asawa niya.

Yung pagkakasabi niya pa ng please parang kulang na lang ipamigay niya si Jean. Ang weird naman kasi magbuntis.

Na-discharge na si South sa hospital. Hindi na rin ako nag-abalang dumalaw dahil ang nasa isip ko ay family time nila iyon. I can ask naman about their whereabouts pero right now, I just want them to enjoy each other's company.

North really needs that, so is the twins. Ang bait-bait ng kambal, ang bata pa nila pero mature na mag-handle ng sitwasyon. They don't seem like it ─ especially si East, pero mas mature siya kay West, she's just too sweet and a little childish that it'll be a surprise to notice, lalo na kung magseseryoso ito.

West is nice, too. She seems the serious type pero marunong naman pala magbiro. Nga lang, sa lahat ng nagj-joke, siya yata yung seryosong magbato ng sinasabi. Nangiti naman siya pero reserved, marunong din tumawa pero minsanan lang.

It feels nice lang na comfortable sila sa akin. Kahit parang nabu-bully lang ako ni East. Ako ang matanda sa kanila pero akong kinakawawa. They don't even call me Ate...mga batang 'yon.

"Partner in crime kami ng anak ko kahit hindi niya pa nas-sight kagandahan ng mama niya."

Pinigilan ko huwag magkomento sa narinig. Maganda naman si Jean, bagay ang pagiging morena nito. Si Ian naman ay katamtaman lang ng kulay ng balat.

"Ian, remind me again bakit kayo nagpakasal," Hindi rin ako nakatiis. Napatingin tuloy sa akin itong asawa ni Jean at natawa kaagad kahit wala pa nga. "Ibalik mo na 'to sa Mama niya."

"Tangina nito," Hinila ni Jean yung buhok ko ng pabiro. Tumayo pa siya at lumapit sa asawa. Nagkatinginan kami ni Yuka at napangiwi dahil walang kahiya-hiyang naupo ito sa lap ni Ian. "Usapan namin walang solian sa magulang kapag kinuha na. Pagkatapos akong mapikot?"

"Akala ko ako ang napikot?" sagot ni Ian.

"Hub, huwag kang kontrabida."

"Sabi ko nga."

Ang under naman nitong si Ian. Tapos kung makatingin kay Jean, hindi rin obvious na patay na patay siya sa kaibigan namin.

Pero hindi ko maiwasan mapaisip, feeling ko sa aming dalawa ni North parang ako pa yata ang magiging under. Masungit din kasi siya minsan, lalo na kapag seryoso ─ although madalas naman ay nakangiti siya sa akin at mabait. But whenever she says something, parang ang choice ko lang ay sumunod.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon