Chapter 34

12.7K 796 284
                                    

Nahulog ako sa kama nang nasobrahan ako sa paggulong. Shit, ang sakit! Sa puwet pa yata ako napuruhan, yung may butong part.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay nakapag-send pala ako kay North ng random letters na malamang ay aksidente kong nai-type at send.

Bumangon ako habang tutok sa screen. Typing si North, ang bilis niya nga mag-seen, eh.

North: What's with that gibberish reply?

Paris: Nahulog ako sa kama. 🤧

North: What? Why?

Paris: k i n i k i l i g lang kase sa'yo. 👉👈

Natawa ako nang makita kong nag-haha react si North sa reply ko. Ang seryoso niya kasi mag-type sa chat, formal na formal, yung mga gwapo typings na sinasabi nila.

Paano ba naman akong hindi kikiligin kung basta na lang siya nag-send ng picture niya. Maigi kung yung normal lang na instagrammable, eh, hindi. It was a raw image of her on bed, halatang kakagising lang nito nang humarap sa camera ng cellphone.

She's got that lazy smile, melting chocolate eyes, and that messy hair that only made her look more alluring. Ang cute-cute niya tingnan pero sexy, hindi ko nga alam paano siya nakakapag-pose ng ganoon na parang normal lang nito iyon.

She told me she doesn't like taking pictures of herself at bihira lang niya iyon gawin. But she wanted to make me happy by that. Nakaka-touch.

North is clingy in a good way. Minsan para siyang bata, sometimes she's a tease ─ and I'll admit na nakakadala talaga siya kapag ganoon, and sometimes she's like your ideal strict professor, red lipstick na lang ang kulang.

North: Silly! Jade almost got annoyed with me.

Gail: Bakit?

North: She wants to celebrate South's birthday. She said I wasn't helping in thinking. Hindi naman kasi mahilig mag-celeb ang kapatid ko, galingan na lang niya mag-convince.

Napaisip naman ako. It's been awhile since her sister got out of the hospital, and since we started dating.

Nauna pa kami kay Jade at South.

Hindi naman ganoon si Jade, mabilis sa babae iyon, eh. Siguro seryoso talaga siya sa kapatid ni North. I saw how devastated she was when that blue eyed Hansen was still lying on that hospital bed, unmoving, with medical apparatuses attached to her skin.

Doon palang ay kita ko na kung gaano siya nagc-care doon sa tao.

Gail: Can I ask you out?

North: I was thinking the same thing - can I ask you out as well?

Nakaramdam naman ako ng tuwa sa nabasa. Todo pigil akong huwag gumulong at baka may kalagyan na naman ako. Sakit-sakit mahulog. Bumangon ako at muling tumipa ng ir-reply.

Gail: Sino ba naman ako para tumanggi? 🥺 Yith.

North: Edi yeth din ako. 👀

Jusko, si North talaga magiging cause of death ko. Why she's being so cute? Kulang na lang ay mahila ko siya sa screen ng cellphone kung pwede lang.

North: Also, can I decide on the place? There's someone you'd probably be happy to meet.

Gail: Sino?

North: Later.

Hindi na lang ako nangulit pa dahil mukhang hindi rin naman niya sasabihin. Nagsimula na akong mag-ayos nang ma-receive yung details ng pupuntahan. She just gave me the place but not the exact one kung anong pupuntahan talaga. Malapit nga lang sa kanila, eh.

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon