Chapter 17

12K 703 133
                                    

"Sigurado ka bang ayaw mo munang magpahinga?" tanong ni Jean sa akin. Kanina pa siya panay kain lang ng inihanda kong tacos, hindi pa nahiya at pinabili niya rin ako ng milkshake dahil gusto niya raw ngayon ng ganoon. "Kakauwi mo lang, 'di ba."

Pagod ako pero kaya ko pa naman mag-stay na gising. Tatanong siya ng ganoon samantalang ang lakas lang niya kung utusan akong ipag-prepare siya ng makakain. Bisita siya, eh, sino ba naman ako para umangal?

"I'll take a rest later."

"Kamusta naman ba?" Sinubuan niya ako na kaagad ko namang tinanggap. Magkatabi kami rito sa living room, nasa center table ang pagkain at itong si Jean, pasandal-sandal lang sa akin, halos nakahiga na nga siya habang kumakain. "Kanina ko pa napapansin na parang balisa ka."

"Bakit may love life ka pero kami nina Yuka, malas diyan?"

Napahinto siya sa pagnguya saglit, bago iyon lunukin after ng ilang seconds. "Malay ko rin. Ano ba kasing ginagawa ninyo sa buhay?"

Nagkibit ako ng balikat. "Ano ba dapat gawin?"

Sinubuan niya ulit ako ng tacos. Pagtingin ko sa plato ay halos paubos na pala ang laman no'n at ang milkshake niya naman ay ganoon din. Ang weird kapag buntis.

"Alam mo kasi, hindi ako naniniwala sa kung maghihintay ka lang na may dumating, may dadating. Joke lang 'yon," Umiling-iling siya sa akin. "Kasi kung lahat ng tao ganyan ang pamantayan ng true love, malamang lahat tayo single kasi lahat tayo naghihintayan lang. Love is an effort all of us must do, love is not a waiting game at all, it even takes effort for love to stay. If we come to like or love someone, let's say it regardless kung mar-reciprocate yung feelings natin o hindi."

"Kahit nakakasakit?"

"Oo naman, that's growth for you." Nagkibit siya ng balikat at itinikom ng bahagya ang bibig. Hinawi niya ang buhok at umalis sa pagkakasandal sa akin. Hinarap niya ako sa kanya. "If you confess and they love you, too, then congrats. If you get rejected, then congrats as well for the lesson. Doesn't mean you have to stop doing it again. Marami lang talagang tao na takot for plenty of reasons like ayaw masaktan dahil sa rejection, o ayaw ma-sacrifice yung current relationship nila sa tao. Pero kung titingnan mo yung bigger picture, people will stay if they want to. People can work out hard things if they want to keep the person."

Parang tinamaan ako. Napaka-sharp shooter naman ni Jean magbigay ng opinyon.

"Feeling awkward about confessing and being confessed to is immature, para lang sa akin, okay?" Tinanguhan ko siya. "Lalo na for adults. Let's take it more genuinely ─ if we like someone, let's give ourselves the chance to express it. If someone tells us they love us and we don't feel the same, let's appreciate the feelings and let them know it the nice way, and hope that other people will do that for us as well."

Napahinga ako ng malalim. May point naman siya, at sa totoo lang tama naman lahat iyon sa tingin ko. Matalino si Jean, both in intellectual and emotional aspect, siya yung klase ng tao na lalapitan mo for life advice, kahit hindi lang about sa love life. Pero yung mga ganoong bagay, it always takes guts to do it. I don't think ganoon ako. Pero gusto kong baguhin yung sarili ko for the better.

After what happened during that cosplaying event, I have this painful hope na siguro may chance ako. Na baka pwede naman talaga. Pero at the same time, may bumubulong sa loob-loob ko na baka ako lang ang nag-iisip ng malisya na may something kahit wala naman talaga.

Pero ano yung hug na 'yon? Ano yung titig na 'yon? Ano yung expression na nakita ko?

No'n ko lang nakita yung ganoong reaksyon galing kay North. It scares me that if I'm wrong about all these, I won't be able to get over it. Then I know for sure I can never be that person Jean was trying to portray people should do.

"Sana katulad mo na lang ako," nasabi ko na lang. "Pengeng katapangan."

Kinuha niya yung kamay ko habang natatawang ini-spell yung word na be brave sa palad ko. Idinikit niya iyon sa labi ko. "Ayan, tapang na you."

"Ewan ko sa'yo."

"Para ka kasing tanga. Ano bang meron at sume-senti tayo? Gusto ko lang naman kumain, masama ba 'yon?"

Natawa ako sa kanya. "Kailan ba lalabas 'yang baby mo? Parang habang tumatagal mas nagiging patay-gutom ka, eh."

"Ikaw ba naman may dalang bata sa sinapupunan mo kung hindi ka magutom, ewan ko na lang."

Parang ayoko magbuntis. Pero bagay naman sa kanya ang pagbubuntis, parang dati pa lang may motherly aura na rin kasi siya. Sure ako na magiging mabuti siyang ina, at sigurado din akong magiging mabuting ama si Ian. I think he's one of the best things that ever happened to her.

"Tingin mo ba, kaya kong umamin?" Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. "Kahit may chance na masaktan ako?"

"Kung gugustuhin mo, bakit hindi?" She patted my head at ginulu-gulo ang buhok ko, pero inayos niya rin naman kaagad nang tingnan ko siya ng masama. "Alam kong nakakadaga yung ganyan, pero it's either you'll regret saying it, or you 'll regret not saying it. Sa dalawang 'yan, alam mo kung anong mas okay."

Maybe after all this time, I just needed this kind of conversation with her. No'ng time na tinatanggap ko pang in love na talaga ako kay North, wala akong mapagsabihan. Hindi ko alam kung magsasabi ako o hindi.

Parang ang weird kasi. Hindi ako sanay, hindi ko makita yung sense kung bakit ko kailangan i-open sa iba yung ganitong topic, hanggang sa inabot ako ng ilang taon at ayon na nga, nagpanggap na may jowa kahit wala.

It took me this long to finally be able to tell my best friend about all these ─ and I really appreciate that she's not asking who's the person I'm in love with.

Sasabihin ko naman....pero saka na kapag ayos na. Kung may maaayos man ako.

"Salamat, Jean," mahinang sabi ko. "Buti nandiyan ka para makinig at sabihan ako."

"Maliit na bagay," Nakipag-appear siya sa akin na ikinatawa ko. "Hindi ka pa nireregla kilala na kita. Ako pa humaharang sa likuran mo no'ng highschool kapag may tagos ka at kailangan mo magpalit ng napkin, ako pang naglilinis ng palda mo. Doon hindi ka nahiya?"

Inirapan ko siya. Bigla tuloy akong nakaramdam talaga ng hiya kahit ang tagal-tagal na no'n. "Napaka mo."

"Gusto ko naman ng spaghetti, yung spicy." Napakamot ako ng ulo sa narinig dahil basta na lang siya nag-change topic. "Nakakagutom maging serious. Magluto ka."

Dahil ang helpful niya today, okay, ipagluluto ko siya ng kahit anong gusto niya. Basta kaya ko. Lately, napapaaral ako magluto dahil sa kanya, panay suggest ba naman ng kakainin kapag nandito. Ayaw niya pa ng bibilhin na lang, gusto talaga luto ko dapat.

Pinaglilihian nga yata talaga ako nitong babaeng 'to. Nasa naglilihi stage pa ba siya? Hindi ko alam. Basta ako no thanks sa pregnancy.

"Tara samahan mo ako bumili ng pang-spag."

"Magluluto ka?"

Tinanguhan ko siya bago ako tumayo. Kinuha ko yung pinagkainan niya at nilagay sa lababo, hugasan ko na kaagad at ganoon din naman. Kaysa itambay ko lang.

"Yown! Tummy satisfied na naman today!"

"Wala pa nga," Tinawanan ko si Jean. Daig niya pa batang dadalhin sa Jollibee dahil siyempre, bida ang saya nga naman.

"Damihan mo pala ang lulutuin."

"Bakit? Ganoon ka ba kagutom?"

"Kaka-message ko lang sa mga tropa natin, si North at Jade lang ang sumagot na available at busy naman ang iba ─ which is himala, so..."

Napahinto ako. "Pupunta sila rito?"

"Oo, yes, si, hai." Yumapos si Jean saglit sa likuran ko. "The more the merrier!"

Hindi ako sure sa part na 'yon.

Just the thought of North going here, when I'm still contemplating on what to do with my feelings complicates my head. I'm not even sure kung blessing in disguise bang kasama rin si Jade o hindi.

Parang wala nang ginawa ang life sa akin kung hindi biglain ako recently.

_____

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon